アプリをダウンロード
86.95% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 20: Chapter 20: He found her

章 20: Chapter 20: He found her

FEIRA'S POV

Gabi na at nag-iisa akong naglalakad dito sa kalye habang nilalagpasan ako ng mga sasakyan. Madami din namang mga taong naglalakad ngayon, kasama ang mga mahal nila sa buhay at kaibigan. Napapahid ako sa aking mga luha at huminga ng malalim.

Iniisip ko si Ced. Baka nag-alala na iyon sa akin. Pero kailangan ko talagang gawin 'to. Para naman 'to sa kaniya eh. Ayaw ko na mas lumalim pa kung ano man ang meron sa aming dalawa, dahil sa simula pa lang; hindi ito tama. Hindi kami karapat-dapat dahil patay na ako at buhay siya. Ayoko na mapalapit pa siya sa akin dahil sa pagdating ng panahon ay aalis na rin ako sa mundong 'to. Kapag nasagot na lahat ng katanungan at mahanap ko na kung ano ang kulang sa akin. Meron pa akong gustong malaman. Lalo na sa pagkamatay ko.

Nakatingala ako sa langit na unti-unti ng dumidilim. Ang mga ibon ay kaniya-kaniyang dumapo sa mga sanga ng mga puno. Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan ng may nakita akong tatlong lalaki na nakatayo. Nakasuot ng itim na damit at naninigarilyo ito. Kita rin sa mga braso nila ang kanilang mga tattoo.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at nilagpasan sila. Sumasabay rin ako sa iba.

Huminto ako sa paglalakad ng nakita ko na pumula na ang traffic light. Tumawid ako sa daan ngunit nagulat nalang ako ng nakita ko si Ced sa kabilang kalye. Bigla akong napatigil at natuod sa aking kinatatayuan.

Nagulat nalang ako na may bumusina sa akin. May isang lalaki na lumabas sa kaniyang kotse at nilapitan ako. Nakakailang kurap na rin ako kung si Ced ba talaga ang nakikita ko. Hindi ko lang pinansin ang lalaki na nakatayo sa gilid ko.

"Miss? Are you okay? You're blocking the way," sabi ng lalaki. Nilingon ko siya at tinignan.

"Pasensya na. Aalis na ako," ngiting sabi ko at humarap ulit kay Ced, ngunit laking gulat ko nalang na nasa harapan ko na siya.

Seryoso ang mukha nito na nakatitig sa lalaki tapos sa akin. Bigla niya lang hinawakan ang braso ko.

"Let's go home," seryoso nito sabi at dahan-dahan akong kinaladkad papunta sa kabilang kalye.

Binitawan na niya ang braso ko saka huminga ng malalim.

"Sa tingin mo ba hindi kita mahahanap? Kahit saan kapa magpunta mahahanap kita!" Tumaas ang kaniyang boses.

"C-Ced," nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.

"YOU DO NOT KNOW HOW CRAZY I AM WHEN I FOUND OUT NA WALA KA NA SA MANSION! I'M FUCKING WORRIED ABOUT YOU!" singhal niya sa akin habang umiigtig ang panga niya at maya-maya ay hinihilot ang noo niya.

"P-paano mo ko nahanap?" utal kong tanong dahil natatakot na ako sa kaniya.

"I have many connections, Feira. And, what is the use of my money if I will not use it to find you. Kahit maubos pa ang pera ko, I don't care as long as mahahanap kita. Pinacheck ko lahat ng cctv ng mansion pati na sa labas ng mansion at sa bawat kalye. And guess what? Nahagip ka," malamig niyang saad.

"K-Kailangan ko ng umalis," sabi ko na nagpipigil ng luha. Hahakbang na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Why are you leaving me?" mahinahon niyang tanong. Napakagat ako sa aking labi bago nagsalita.

"Kailangan Ced," sagot ko na may luhang tumutulo mula sa aking mata. Agad ko naman itong pinahiran at hinarap siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Why?!" singhal niya. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa inis.

"C-Ced, d-dito rin n-naman t-tayo papunta. Iiwan rin k-kita. H-hindi r-rin naman tayo k-karapat-dapat sa isa't-isa at alam m-mo iyon, Ced. A-ayaw k-ko na lumalim p-pa ang nararamdaman m-mo sa akin. A-ayaw k-kong mapalapit k-ka s-sa akin d-dahil m-mahihirapan lang t-tayo p-pareho eh." Umiiyak na ako. Tila rumaragasang tubig ang aking mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.

Nakita ko na pumula ang paligid ng mga mata ni Ced. Unti-unting bumubuo ang mga luha niya hanggang sa tumulo na ang mga ito. Tumingin siya sa gawing kanan sabay pahid ng kaniyang mga luha ngunit tumutulo parin ang mga ito. Walang tigil sa pagtulo. Umiiyak na rin siya at nasasaktan ako.

Para naman hiniwa ang puso ko nang nakikita ko siyang umiyak. Si Ced, umiiyak sa harapan ko. Iniiyakan niya ang isang tulad ko.

"Ced? S-Sana maintindihan mo, please. Huwag kang umiyak ng dahil sa akin. Ayokong masaktan ka," sabi ko sa kaniya.

"You already did. You're hurting me now. You're breaking my heart, Feira. It kills me." Nakayuko siya, iniiwasan na magtagpo ang aming mga mata.

Nakita ko siyang bumuga ng hangin. Suminghot siya saka ako tinignan. "Feira? Why are you doing this to me. You're making things complicated between us. Feira, for the shorter time we spent together, I fell for you. Yes, at first I hate you but I don't know what happen. I just woke up and one day, and I'm into you. I'm in love with you. My feelings for you is unexplainable. It is my first time having this feeling. I don't know why I love you this much. I just did. I'm in love with the dead woman that I accidentally married," sabi niya na puno ng sinseridad.

"Please, Ced. Kailangan mo ng tumigil. Tigilan mo iyang nararamdaman mo sa akin kasi hindi tayo pwede," sabi ko saka kinagat ang ibabang labi.

"I LOVE YOU FEIRA AND I'M WILLING TO DO ANYTHING FOR US TO BE MEANT FOR EACH OTHER!" he yelled, clenching his hands into fists.

"You don't love me? Why are you pushing me away? Please, I beg you, don't go. Please be by my side. I don't care how much time you've left but I want you to spend it to me. I promise I'll be strong when you leave me but please, Feira, not now," pagmamakaawa niya na may tumutulong luha sa mga mata habang hawak niya ang dalawang kamay ko.

Nakaluhod siya sa harapan ko at bigla ko siyang itinayo. Lalo akong napaluha.

Ano ba ang nagawa ko para bigyan ako na katulad ni Ced? Ano ba ang nagawa ko at bigla itong nangyari sa akin? Bakit ako pinaranas ng ganito na alam ko naman na wala namang mangyayari sa aming dalawa. Masasaktan lang ang aming sarili. Masasaktan sa katotohanan na hindi kami pwede sa isa't-isa. Pero, naguguluhan ako. Kung ako ang papipiliin, mas pipiliin ko na nasa tabi niya lagi at alagaan siya.

"Ced, tumayo ka. Huwag ka ng umiyak, please," sabi ko.

"Then don't leave me. I'll kill myself if you leave me now. Mahal mo naman ako diba?" Tinitigan niya ako habang may mga luha sa kaniyang mga mata.

"Huwag ka ngang ganiyan, Ced," sabi ko saka hinihila siyang tumayo.

"I'm begging you to stay, wife. We still have many days left. Pangako, I'll make you happy for the remaining days you have. I love you. You hear me? I love you. I'm willing to do anything even if it cost my life," sabi niya at pilit na ngumiti.

Napaiyak ako lalo sa sinabi niya na may ngiti sa labi.

"Alam mo, kung pumipintig lang itong puso ko. Isisigaw nito ay ikaw. Kasi kahit patay na ako, alam kung mahal kita. Mahal na mahal din kita, Ced. Ramdam na ramdam ko iyon." Sabi ko at bigla niya lang akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi kita iiwan, Ced. Hindi ko kaya. Sa ngayon, nasa tabi mo ako. Pasensya na at umalis ako. Nag-alala ka tuloy. Patawarin mo ako," sabi ko. Tumayo siya at niyakap ako. Mayamaya ay kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa labi. Sa gulat ko ay napadilat ang aking mga mata at natuod sa kinatatayuan ko.

"Your lips are cold, wife." Ngumisi siya. Kumurap naman ako at tinakpan ang mukha ko.

"Nakakahiya!"

"Bakit ka naman nahihiya?"

"Pangit ng reaksyon ko," sabi ko at bigla naman siyang humagalpak ng tawa.

Sira lang? Kanina umiiyak, ngayon tumatawa na naman. Pinagtawanan pa ako.

Pero mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa.

"Sorry wife. I can't help it. Parang ngayon ka lang nahalikan. First time mo ba?" tanong niya at nag-pout lang ako.

"Hindi ko alam. Siguro. Waah~ tumigil ka na nga!" Hinampas ko siya ng mahina sa kaniyang braso.

Tumawa na naman siya. "Then, I'll be glad if I'm your first kiss..." putol niyang sabi at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "I wish."

Nailang naman ako kaya itinulak ko palayo ang kaniyang mukha gamit ang palad ko.

"'Di ba may lakad pa tayo ngayon?It's still 6:45pm," pag-iiba niya ng usapan.

"Saan tayo?" tanong ko.

"My wife, can I have a date with you?" tanong ni Ced habang nakaluhod sa harap ko.

"Oo naman!" masigla kong pagsang-ayon.

"Then, let's go!" Masaya niyang sabi at naglakad na kami papunta sa kotse niya na ipinark niya sa unahan.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C20
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン