Nakawala ako sa pagdadrama nang may kotseng bumusina sa harapan ko. Kanina pa ata sya nandyan.
Hindi naman ako nasa gitna ng kalsada. Nasa tapat lang ako ng gate ng Lee kaya hindi ko alam kung bakit ako binubusinahan nyan.
Umandar yung kotse. Akala ko aalis na ayun pala iikot hanggang sa bumalik sa tapat ko tapos unti-unting bumaba yung bintana sa driver seat.
"Malakas yung ulan baka mahirapan kang makasakay ngayon."
Sino ba 'tong lalaking 'to? At anong pakelam nya?
"By the way, I'm Carrick." He smiled. Not an ordinary smile but a creepy one.
Wait, his voice is kinda familiar. Saan ko nga ba narinig ang boses na ganun?
Masyado kong inaala kung saan ko narinig ang ganung boses kaya hindi ko namalayan na lumabas na pala sya sa kotse nya ng nakapayong tapos pinayungan din ako.
"I can fetch you home."
Magsasalita pa sana ako kaso inuhan na nya ko.
"I am not a bad guy and I can promise to you that. Gusto lang kitang tulungan kasi look," tumingala sya kaya napatingala din ako. "Ang lakas ng ulan. Baka magkasakit ka."
Hindi ako sumagot. Pinagmamasdan ko yung mukha nya. Oo, gwapo sya. Mukha naman syang mabait at hindi gagawa ng masama despite sa weird glances nya. Alam nyo ba kung paano nya ko tignan at kung paano sya ngumiti? Napaka-mysterious at the same time creepy.
"Hindi ka pa rin ba convinced na wala akong gagawing masama? I'll give you my phone." Nilabas nya yung cellphone nya sa bulsa ng jeans nya. Nagpindot-pindot sya bago iabot sa'kin. Hindi ko naman agad tinanggap. Tinitigan ko yung screen. "Number yan ng police station. You just need to press this button and then pwede ka ng magsumbong. KUNG may gagawin akong masama. Pero trust me, I ain't gonna do something wrong."
Kinuha ko yung cellphone at chineck yung number. Tama nga. Tama yung number sa police station.
"Sige na nga." Pumayag na ko kasi baka mahirapan akong makasakay ng taxi.
Besides, mukhang mapagkakatiwalaan naman sya eh.
Pinahawak nya sa'kin yung payong tapos hinubad yung jacket nya tsaka inabot sa'kin. Suotin ko daw. Ginawa ko naman habang hawak ko yung cellphone nya.
Habang nagda-drive sya, ang higpit ng hawak ko sa cellphone nya. Syempre noh! Isang wrong move nya lang tatawagan ko na agad 'to. Alam ko namang may load at matatawagan yun kasi tinry ko kanina. Binaba ko nga agad pagka-ring na pagka-ring eh. Haha!
Narinig ko syang tumawa ng mahina habang nagmamaneho sya. Pinagtatawanan nya siguro ako. Bakit ba? Nag-iingat lang ako noh!
Dinala nya ko sa starbucks para mainitan daw ako kahit paano. Basang-basa naman kasi ako eh.
Ang bait nya at napaka-gentleman. Nabawasan tuloy yung takot at worries na nararamdaman ko sakanya kanina.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain ng cake.
"Hello, honey?"
Pareho kaming napatingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng table namin. Nakapwesto kasi kami malapit sa may entrance.
"Yes.... ha?... Ano nasa bahay."
Nagkatinginan kami ni Carrick tapos sabay na natawa ng mahina. Nangangamoy playboy 'to ah? Parang si.....parang si.... aish!
Nag-sip ako sa frappe ko nang magsalita si Carrick, "May kilala ka bang Playboy?"
Nasamid ako sa tanong nya kaya naman mabilis nya kong inabutan ng tissue.
"Okay ka lang?" Nakangiti nyang tanong.
Parang nakita ko na dati yung ngiting yun ah!
"Playboy is always Playboy," he took a sip at his coffee then continued. "Magaling magpaikot at maglaro sa mga babae. They are more like an actor. Mapapaniwala ka nila sa lahat ng kilos nila na totoo ang lahat at hindi ka niloloko." Sabi nya habang malalim na nakatingin sa'kin. Yung parang may gusto syang ipahiwatig.
Medyo kinilabutan ako. Ang weird nya talaga.
"Ikaw? Na-inlove ka na ba sa Playboy?"
Natulala ako sa tanong nya. Bakit parang sa tanong nya alam nya lahat ng tungkol sa'kin?
"Uh," napayuko nalang ako at naghahanap ng maisasagot.
"Wag mo ng balakin."
Napaangat ang ulo ko sa sinabi nya. Seryoso syang nakatingin sa'kin and I can't read his mind.
"Alam mo kasi, sasaktan ka lang nila ng paulit-ulit." Nagsmirk sya bago sumandal sa upuan nya. "Gusto ng mga Playboy na yan na may nakikita silang babaeng nagkakandarapa sakanila... yung naghahabol."
Naghahabol.
Ako ba yun?
"They'll take advantage para mapaglaruan ang mga babaeng may gusto sakanila. Akala mo seryoso pero naglalaro lang pala."
* * *
It was now midnight pero hindi pa rin ako makatulog. Masyadong palaisipan lahat ng nangyari ngayong gabi.
Lalo na doon sa mga pinagsasasabi ni Carrick. Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi ang mga bagay na yun sa'kin pero thanks to him anyway. Dahil sa mga sinabi nya, lalo akong natauhan.
Naglalaro lang si Zoid.
Pinaglalaruan nya lang ako.
At kung iniisip nyo na makikipaglaro ako sa "di nakakatuwang" laro ni Zoid gaya ng mga ginagawa ng bida sa mga storya, nagkakamali kayo.
Pagod na kong saktan pa yung sarili ko kaya hindi ako makikipaglaro sa Playboy na yun. Instead, iiwasan ko nalang sya. Lalayuan.
At isa pang weird thing about Carrick ay nung pagkababa ko sa kotse nya (hinatid nya kasi ako), tinawag nya ko sa pangalan ko. Ganito ang sinabi nya: Have a good night, Zailie.
Syempre na-shock ako dahil alam nya yung pangalan ko. Hindi ko naman sinabi yung pangalan ko sakanya kanina habang nag-uusap kami eh. So paano nya nalaman yun?
Ah! Ang weird nya talaga!
"They'll take advantage para mapaglaruan ang mga babaeng may gusto sakanila. Akala mo seryoso pero naglalaro lang pala."
"Akala mo seryoso pero naglalaro lang pala."
"Akala mo seryoso pero naglalaro lang pala."
"Akala mo seryoso pero naglalaro lang pala."
Argh! Paulit-ulit nalang!
Sumasakit na yung ulo ko sa kakaisip.
Okay. Fine. So what kung naglalaro ka lang, Zoid? Sinasaktan mo lang naman ako eh.
Kaya eto...
Tandaan mo sa kokote mo, Zai, na huwag ka ng maghabol sa lalaking yun.
Wag ka ng lumapit.
Wag ka ng maghabol!
Wag ka ng maghabol!
Aish! Oo na. Iiwasan ko na talaga sya. Promise ko yan sa sarili ko.
Sana nga magawa ko.
Carrick's POV
Pagkauwi ko, dumiretso ako sa kwarto ni Chelsea para i-check sya. Naabutan ko pa si Zoid na kalalabas lang galing sa loob ng kwarto.
Nagkatinginan kami saglit pero sya ang unang umiwas at nagsimulang maglakad. Nung nalagpasan na nya ko, nagsalita ako kaya naman napahinto sya.
"Nga pala, I had a nice talk with your ex. Si Zailie. Ang sarap pala nyang kausap?"
In just one blink, nalaman ko nalang na natumba na ko sa sahig. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayan na sinuntok nya pala ko sa mukha.
Pinunasan ko yung gilid ng labi ko na may dugo. Lumapit naman sya sa'kin tapos yumuko para kwelyuhan ako.
"D*MN YOU, CARRICK! ANONG GINAWA MO SAKANYA?" Galit na galit na tanong nya.
I grinned at his reaction. Palagi nalang syang exagge when it comes to this girl.
"Easy. I've done nothing wrong. Naabutan ko sya sa labas ng gate nyo na basang-basa sa ulan so I offered a little help. Hinatid ko sya sa bahay nila but before that we talk for a while."
Binitawan nya yung kwelyo ko at umayos ng tayo, "Sumusunod ako sa usapan natin kaya pwede sumunod ka din!"
"What? Why? Wala naman akong nilalabag ah?" Sarcastic na sabi ko. "Hindi ko PA naman sya sinaktan." I smirked.
"Ang usapan ay usapan. Sinaktan mo sya o hindi, nilapitan mo pa rin sya. Layuan mo sabi sya! Mahirap bang intindihin yun?!"
"If that's what you want." Nginisian ko ulit sya bago tumayo.
Zai's POV
"Louise, kotse ni Zoid yun, diba?" Biglang sulpot ni mommy.
Nakikidungaw din sya sa bintana.
"Ahm...o-opo." Sinara ko na yung kurtina ng bintana namin tsaka umayos ng upo sa couch.
"Yun naman pala, eh bakit ayaw mong labasin?"
"Basta po." Walang ganang sagot ko tapos nagpout.
Kanina pa nandyan yang kotse na yan sa tapat ng bahay namin pero hindi naman sya lumalabas.
Ready na ko para pumasok sa school at si Aldrich nalang ang inaantay ko. Kanina kasi palabas na ko ng pinto nang mapansin ko yung kotse ni Zoid. Dahil nga sa nagpromise ako sa sarili ko na iiwasan ko sya, dali-dali akong bumalik sa loob tapos tinawagan si Aldrich na sabay kaming pumasok.
Speaking of him. Ang tagal nya ha! Hindi tuloy ako makalabas >___<
"Andyan na si Aldrich." Tumayo si mommy para pagbuksan ng pinto.
"Good morning, tita!" Nakangiting bati nya kay mommy bago nilibot ang tingin hanggang sa makita nya ako. "Good morning, mahal kong bestfriend!" Kinawayan nya pa ko na parang tanga -.- tsk.
"Osya, ayaw lumabas nyan porket andyan sa labas si Zoid. Natatakot ata."
"Oo nga po. Nakita ko yung kotse ni Zoid kanina. Pero bakit ka naman natatakot?"
"Di ako natatakot! Tara na nga."
Sinukbit ko yung shoulder bag ko atsaka tumayo, naglakad papunta sa gawi nila mommy at hinalikan sya sa pisngi.
"Ingat kayo. Mag-aral ng mabuti." Paalala nya.
"Opo. Ewan ko nalang dito sa kasama ko." I joked.
"Hoy nag-aaral akong mabuti ah!" Pagdepensa ni Aldrich sa sarili.
Natawa nalang kami tapos lumabas na sa bahay palabas ng gate.
Nakita ko yung kotse ni Zoid na naka-park pa rin pero hindi ko pinansin.
"Oh," inabutan ako ni Aldrich ng helmet.
"Anu ba yan magmomotor tayo? Ang init init kaya!" Pagrereklamo ko.
Totoo naman eh. Mamaya ma-stroke pa ko. Haha! Chos (^___^)v medyo OA ako.
"Ang arte mo talaga kahit kelan." Hinubad nya yung leather jacket nya tapos inabot sa'kin. "Suotin mo para di ka mabilad sa araw. Ang arte eh. Tch."
Kinuha ko naman yun at sinuot pati na rin yung helmet.
Pinanood ko lang si Aldrich hanggang sa makaupo na sya at i-start yung makina ng motor nya pero naka-focuse ako sa kotse na nasa gilid malapit lang sa kinatatayuan namin.
Through my peripheral vision, nakita kong bumaba yung bintana ng sasakyan nya. Nakikita ko na sya through the corner of my eye!
"Hoy ano ba! Sakay na." I snapped at Aldrich's voice.
"Oo na. Ang sungit mo today." I rolled my eyes then climbed at his motorcycle.
"Ang arte mo naman today. Haha,"
Napa-TSS nalang ako tapos kumapit sa damit nya.
"Yakapin mo ko." Utos nya.
"Ayoko nga."
"Ayaw pala, huh?" he challenged then biglang pinaandar ng mabilis yung motor tapos nagpreno. Napaabante tuloy ako sakanya. Lokong ostritch na 'to!
"Ostritch! Umayos ka nga!"
"Haha! Maayos naman ako ah? Ikaw 'tong ayaw yumakap tapos kapag nagpreno ako magrereklamo. Yakap na kasi. Para rin naman sa kaligtasan mo yan eh."
Tinignan ko sya sa side mirror. Nakatingin din sya sa'kin at todo ngiti. Yung ngiting nakakaloko -_____-
"Eto na. Paandarin mo na yan." Sabi ko tapos niyakap sya sa bewang.
"Masusunod, mahal kong bestfriend!" Nagsalute sya habang nagtitinginan kami sa side mirror saka pinaandar yung motor nya.
Pero bago kami tuluyang makaalis, nakita ko sa side mirror na nakatayo na si Zoid habang nakatingin sa'min.
Sinabi kong iiwasan ko na sya pero ang katawan ko napakatraydor talaga. Kusa nalang gumalaw ang ulo ko para lingunin sya.
Nagkatitigan kami habang umaandar ang sinasakyan kong motor at paliit na din sya ng paliit sa paningin ko.
Lunch break
Nasa cafeteria kami ngayon ni Chloe. Sila Sophi at Yat, susunod nalang daw kasi hindi pa tapos yung klase nila. Magkaharap kaming nakaupo ni Chloe. Sya kumakain ng junk foods, ako naman kanina pa tinitignan yung cellphone kong naka-off.
"Ano ba yan, Zailie! You eat this na nga lang kaysa pinaglalaruan mo yang phone mo!" Reklamo ni Chloe tapos inilapit sa'kin yung piatos.
"Hindi pa ko gutom." Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.
Nagdadalawang isip kasi ako i-o-on ko ba or hindi. Kanina kasi maya't-maya ang tawag at texts ni Zoid pero hindi ko naman pinapansin. Syempre! Iniiwasan ko nga sya eh. Kaya ayun, in-off ko nalang para hindi ako ma-tempt na sagutin yung mga texts and calls nya.
"Akin na nga yan!" Hinablot ni Chloe yung cellphone ko tapos ibinulsa nya.
"Chloe!"
"Tell me some story first."
Alam ko namang gusto nya lang malaman yung problema ko eh. May pa-tell me some story first pa 'tong nalalaman.
Sophi's POV
Naglalakad ako mag-isa papunta sa cafeteria. Si VJ at Yat hindi makakasabay sa'min kasi may pupuntahan daw sila. Si Dwayne naman mamaya pa yung tapos ng klase nya. Straight 8-5 nga sya this day eh. Aww :3 baka magutom yung baby ko.
Gutom.
Gutom.
Brr. Naririnig kong kumukulo yung tyan ko >___<
Medyo malayo pa naman ako sa blue building. Bakit kasi napakalaki ng school na 'to eh :<
Napahawak nalang ako sa tyan ko habang tumitingin-tingin sa paligid hanggang sa... GOTCHA!
Nakita ko si Zoid na naglalakad mag-isa habang nagsi-cellphone.
Witwiw!
May kung ano syang ginagawa sa cellphone nya tapos ididikit sa tenga nya then after mga ten seconds ata ibaba nya tapos mag-pipipindot tapos ididikit na naman sa tenga nya. Paulit-ulit na ganun yung ginagawa nya habang naglalakad.
Looks like may gusto syang tawagan pero di ma-contact. Magkasalubong pa yung kilay nya. Ay highblood siguro yan.
Tumakbo ako palapit sakanya. Nung nakalapit na ko, kinalabit ko yung likod nya. Nakatingala pa ko kasi ang tangkad nya.
Hindi sya lumingon kaya kinalabit ko sya ng paulit-ulit. Try and try until you succeed nga, diba?
Bigla syang lumingon sa'kin. Waaah T^T bakit ang sama ng aura nya?
"ANO BA KAS---- Ow. Ikaw pala yan, bata."
Bata?
"Eck~ di na nga sabi ako bata eh! Dalaga na ko. Da. La. Ga. May boyfriend na nga ako eh."
Bakit ba bata palaging tawag sa'kin ni Zoid >___<
"Okay. Bata."
"Dalaga."
"Bata."
"Ah! Tama na nga. Di naman ako mananalo sa'yo eh."
Tumawa sya ng mahina. "Bakit mo nga pala ko kinalabit kanina? Di ko nakita yung Dwayne mo."
"Di yun!"
"Eh ano?"
"Ano... uhm.... penge namang pagkain. Nagugutom na ko eh." Nagpout ako habang hinihimas yung tummy kong kumukulo.
"Sabi na eh. Tuwing magkikita nalang na tayong dalawa lang, hinihingan mo ko ng pagkain."
"Sorry na. Kasalanan ko bang gutumin ako? Penge na. Alam kong may pagkain ka dyan. Sige na puhlease!" (*__*)/
Nagpuppy eyes na ko ha! Kung si Dwayne sya, pipisilin nya yung pisngi ko at sasabihing: Ang cute!
Kaso sya si Zoid kaya ang sinabi nya, "Tigilan mo nga yan! Ang sagwa eh. Bibigyan na kita."
Diba? Paano kaya napagtyagaan ni Zailie 'to -_____-
Binuksan nya yung bag nya tapos naglabas ng sandwich.
(@____@)
Yummy!
"Gusto mo?" Tanong nya.
Tumango naman ako habang nakatingin sa sandwich. Sana chicken sandwich. Favourite ko yun eh.
"Oh," inabot nya sa'kin yung sandwich pero nung kukunin ko na nilayo nya.
"Haluh naman Zoid eh!" Pagmamaktol ko.
"Bibigay ko sa'yo 'to ng taos puso pero sagutin mo muna yung tanong ko."
Kinabahan naman ako sa tanong nya.
Playboy yan at lahat ng kaibigan ko (Yat, Chloe at Zai) naging girlfriend na nya.
Ako nalang ang hindi so is it means na----
"NO! Asa ka, men! Hinding-hindi ako papayag na maging girlfriend mo! Kay Dwayne lang ako! Kay Dwayne-----" napatigil ako nang bigla nyang takpan yung bibig ko gamit ang kamay nya.
"Ikaw ang asa dyan! Para sabihin ko sa'yo, hindi ako pumapatol sa BATA." Talagang in-emphasize nya yung salitang Bata eno?
Kulit ng lahi nito ah! Ilang beses ko ba dapat na sabihing hindi na ko bata?
"Sorry na. Ano bang itatanong mo? Sasagutin ko yan basta DALAGA na ang itatawag mo sa'kin."
Matagal bago sya sumagot. Tinignan nya muna ako ng... haluh! Bakit sya ganun makatingin? Parang ang lalim na.... nang-aakit?
"Waaaaah! Wag mo nga kong tignan ng ganyan! Bata pa ko! Bata pa----" napatigil ako sa pagdadrama kasi tumawa sya.
Sige lang. Pagtawanan mo pa ko =____=
"Sabi ko naman sa'yo eh, bata ka. Mas gugustuhin mo ng maging bata kaysa sa ma-fall sa'kin." Kinindatan nya ko. Yung kindat na pangmalandi.
"Argh! Kumag ka Zoid! Di mo ko madadaan dyan ah! Change topic na nga! Ano yung itatanong mo?"
Sana naman magtanong na sya. Di ko gusto yung mga tingin nya eh. Nakakalandi. Tss. Nasa Playboy mode ata sya ngayon. Landi eh =____=
"Alam mo ba kung nasaan si Zai?" Seryoso na sya ngayon.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mas gusto ko ng masungit at seryoso yang si Zoid kaysa sa malandi. Parang nakakadala eh.
"Oo. Papunta nga ko dun eh."
"Talaga?" Tanong nya na parang nabuhayan ng pag-asa.
Bakit naman kaya? Eh halos araw at gabi na nga silang magkasama pero bakit parang miss na nya si Zai? Pero hindi eh. Mukhang hindi lang dahil dun. More like kailangang-kailangan nyang makita si Zai dahil may importanteng bagay. Ano naman kaya yun?
"Oo. Akin na yan." Hinablot ko yung sandwich na hawak nya atsaka inumpisahang kainin.
Chicken sandwich nga (^___^)
Magkasabay kaming naglalakad ni Zoid. Pansin ko lang, pinagtitinginan kami. Ay mali! Si Zoid lang pala ang pinagtitinginan ng mga babae. Tapos kapag mga mapapatingin sila sa'kin tinatarayan nila ko. Hmp!
Di ko nalang pinansin kasi sanay na naman ako sa ganitong pangyayari eh. Lalo na kapag kasama ko si Dwayne.
"Zoid, thank you. Ang dami pala nito." Sabi ko habang naglalakad kami at kumakain.
Hindi naman sya sumagot kasi parang ang lalim ng iniisip.
Hanggang sa makapasok kami sa blue building pababa sa basement diretso sa cafeteria, tahimik lang sya habang ako kain ng kain.
Nilibot namin ng tingin ang buong cafeteria para malaman kung saan table nakapwesto sila Zai.
"Nasaan kaya sila?" Tanong ko tapos napatingala kay Zoid.
Seryoso lang syang nakatingin sa <?>
Tumingin din ako sa direksyon kung saan sya nakatingin at nakita sila Chloe at Zai. Kanina pa pala nya nakita yung dalawa pero wala syang imik. Mukhang nagtatatlong isip pa kung lalapit ba sya doon sa table nila Zai.
"Oy, tara na." Siniko ko yung braso nya kaya mukhang nabalik na sya sa earth.
Tinignan nya lang ako pero hindi tumango o nagsalita manlang.
"Tara," pag-uulit ko tsaka nagsimulang maglakad papunta kila Chloe. Naramdaman ko naman na sumusunod sya.