アプリをダウンロード
72.63% I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 69: Chapter 6: Badtrip

章 69: Chapter 6: Badtrip

Natapos ang final exam at kampante ako sa mga sinagot ko. Halos lahat kasi ng ni-review kong topics, lumabas sa exam. Meron din namang hindi pero naalala ko naman dahil sa tinuro nung prof.

Last week pa nagsimula yung sembreak kaya eto kami ngayon,

"Louise, ang ganda-ganda mo talaga! Manang-mana ka talaga sa'min ng daddy mo. Picturan ko nga kayo ni Aldrich."

"Tita, ito nalang po gamitin nyo." Inabot ni Aldrich kay mommy yung phone nya.

Inakbayan nya ko. Hindi na ko nagreklamo kasi ganyan sya madalas at isa pa komportable ako sakanya.

"One. Two. Three."

 

*click*

"Okaasan. Sali!" *v*

Natawa ako at pinalapit sa'min sa Aki tapos nag-picture na ulit.

"Osya, umalis na kayo at baka maiwan pa kayo."

Ooops! Baka iniisip nyo, sasama kami sa service papunta sa L resort. Hindi po. Pupunta lang kami sa tapat ng school para makasabay kami sa service papunta dun.

Ang arte kasi nitong si Aldrich. Gusto nya dalhin yung kotse nya. Edi go! Maingay daw kasi kapag nasa service car.

Pagpasok namin sa kotse nya, hiniram nya saglit yung phone ko.

Ngiting tagumpay sya nung binalik yun sa'kin. Nawirduhan ako kaya tinignan ko yung phone ko. Nung pag-unlock ko ng screen, yung picture namin kanina yung tumambad.

Pinasa nya tapos ginawang wallpaper.

Di ko na binago kasi ang ganda ko sa picture.

L resort~

Paglabas ko ng kotse, nagulat ako kasi sabay kaming lumabas ni Zoid.

Hindi ko namalayan na magkasabay pala kaming nakarating at magkatabi pa ng slot sa parking lot yung kanya at yung kay Aldrich.

Nasa kanan yung kotse nya kaya paglabas ko ng kotse, pareho kami ng way. Sya kasi yung nasa driver seat. Gets nyo ba?

Nagkatitigan kami hanggang sa may magandang babae ang lumabas sa kotse nya mula sa passenger seat.

Si Chelsea.

Nung napatingin ako sakanya, nginitian nya ko.

Ang ganda-ganda nya talaga. No wonder nagawa syang ipagpalit sa'kin ni Zoid. Outch naman yan!

"Let's go." Narinig kong sabi ni Aldrich.

Nginitian ko si Zoid at tumalikod na tapos nilapitan si Aldrich.

Napabuntong hininga ako tapos akmang kukunin yung ibang bag na dala ni Adrich para tulungan sya pero hinila nya palayo.

"Ang arte! Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh." Inirapan ko sya ng pabiro tapos narinig ko syang tumawa ng mahina.

Hapon kami umalis at madilim na nung dumating kami sa resort kaya after dinner, pinagpahinga nalang muna kami. Pero yung sa mga gustong mag-enjoy, sige lang.

Sobrang ganda ng resort. Ang dami mong pwedeng puntahan at paglibangan. May mini-zipline at kung anu-ano pa.

Nga pala, roommate ko si Aldrich pero dalawa naman yung kama.

Abnormal yang mokong na yan eh. Ang katwiran nya, hinabilin daw ako sakanya ni mommy kaya dapat lang na roommate kami para mabantayan nya ko.

Sa huli, pumayag na din ako. Malaki naman tiwala ko dito sa bestfriend ko na ngayon ay kasalukuyang natutulog. Tch. Napagod siguro sa pagda-drive.

At kung itatanong nyo kung anong room number ni Zoid at kung sino yung roommate nya, hindi ko po alam.

Hindi ko na kasi sya ulit nakita simula kanina. Sa laki ba naman ng resort na to eh. Besides, baka sa ibang hotel sya tutuloy kasama si Chelsea. Tss.

Lumabas ako ng hotel.

Brr. Sobrang lamig. Gabi na kasi at magpapasko pa. Bakit di ko naisip kanina yun? Di tuloy ako nakapagdala ng jacket.

Umupo ako sa whitesand at tumingin sa malayo.

Naalala ko yung kanina. Magkasabay si Zoid at Chelsea

Ano kayang ginawa nila habang nasa biyahe?

Sinusubuan din kaya nya ng pagkain si Zoid habang nagda-drive gaya ng ginagawa ko dati?

Nagmaktol din kaya si Zoid kasi ayaw syang bigyan ng kiss ni Chelsea gaya ng madalas nyang gawin sa'kin?

Ugh. Ano ba 'tong iniisip ko? Sinasaktan ko lang lalo yung sarili ko eh.

Ganito pala feeling ng may ex. Iniisip mo kung ginagawa din ba nila nung bago nya yung madalas nyong gawin dati.

Ignorante ba ko masyado? Naman eh! Ngayon lang ako nagka-ex >_____<

Speaking of them, bigla nalang sila lumitaw. Magkasama sila at magkaholding hands pa habang naglalakad.

Tumagilid nalang ako ng upo para hindi nila ako makita. Para kung sakali, hindi nila malalaman na umiiyak ako.

Nagulat nalang ako nang may nagsuot sa'kin ng jacket tapos niyakap ako.

"Aldrich," sabi ko habang umiiyak at niyakap din sya pabalik.

"Wow. Ang sweet naman nila. Diba, hon?" Halata sa boses nya na masaya at kinikilig sya.

Yung boses anghel.

Si Chelsea.

Hinigpitan lalo ni Aldrich yung pagkakayakap sa'kin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang na-gets ko yung gesture nya na yun.

Madalas nyang ginagawa yun nung mga bata pa kami. Ayoko kasi ng may nakakakita sa'kin na umiiyak. Kaya kapag may tao na nakatingin, niyayakap nya ko ng mahigpit na parang sinasabing, "Use my shirt."

Ginalaw-galaw ko yung mukha ko para hindi mahalatang pinupunasan ko gamit yung shirt ni Aldrich yung luha ko.

Nung feeling ko okay na yung mukha ko, kumalas na ko sa yakap. Mabuti nalang medyo madilim kaya hindi nila gaanong mapapansin yung itsura ko na kakagaling lang sa pag-iyak.

"Hello! You're Zailie, right?" Masayang sabi nya.

Adik ba to? Bakit napaka-friendly nya? Nakalimutan na ba nya yung nangyari the day bago nung nag-break ni Zoid?

"Yup." I faked a smile then looked up to Zoid.

Seryoso syang nakatingin sa'kin. He's wearing his mask again.

"And you are?" Nakangiting tanong nya kay Aldrich.

"Aldrich."

 

"You're such a cute couple. Right, hon?" She linked her arms to him then leaned her head against his shoulder.

Sila na sweet. Ang bitter ko =_____=

"Oo. Sobrang sweet." Di ko alam kung immaginations ko lang pero parang sarcastic yung pagkakasabi ni Zoid nun habang ang sama ng tingin sa'kin.

Ano na namang kasalanan ko? Sila 'tong pinapaiyak ako sa selos tapos ako tititigan ng masama?

"Thank you!" Tumingin si Aldrich sa'kin tapos hinawakan ako sa kamay. "Tara na. Malamig dito." Inalalayan nya kong tumayo.

"Magkasama kayo sa isang room?" Tanong ulit ni Chelsea. Matapos nyang tignan si Aldrich, ako naman. Naka-smile pa sya.

Isa lang ang masasabi ko.

She has this charm that no one can resist at lahat makakasundo nya. Mala-anghel na mukha, kilos at pananalita. Sigurado din ako na pati yung ugali nya. Alam nyo yung feeling na nakakagaan ng loob kausap kahit ngayon lang kayo nagkakilala? Ganun sya. Ganun yung nararamdaman ko sakanya.

Sa lahat ng babae ni Zoid, sya ang hindi ko magawang kainisan.

Pa'no, sya lang yung matino =____=

"Yup. Mauna na kami." Ngumiti si Aldrich kay Chelsea pagkatapos ay kay Zoid. Iba yung ngiti nya kay Zoid. May halong pang-aasar.

"Goodnight." Sabi ko sakanila nang nakayuko.

Ayokong tignan si Zoid. Baka kasi ano... uhh ewan!

~~~

"Hoy Ostritch, nagtext sa'kin sila Pink. Puntahan ko lang sila saglit sila Pink."

 

"Gabi na." Sabi nya nang hindi inaalis yung tingin sa flatscreen tv. Nakaunan pa yung mga braso nya habang nakahiga sa kama nya.

 

"Same floor lang naman eh. Babalik din kaagad ako."

Bago pa sya makapagsalita, lumabas na agad ako ng kwarto.

Paglabas ko, sinara ko yung pinto at...

"Ay palaka!"

Nagulat ako dahil pagharap ko, si Zoid agad ang tumambad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Naglakad ako para lagpasan sya kaso hinarang nya yung katawan nya.

Maglalakad ako pakanan, dun din sya.

Pakaliwa, ganun din sya.

"Ano ba?!" Naiinis na tanong ko.

Badtrip pa rin ako noh! Sino ba namang hindi?

I lifted my head up to meet his gaze. Looks like, hindi lang ako ang badtrip dito. Pati sya. Mas mukha pa nga syang badtrip kaysa sa'kin eh.

Bakit naman?

"Bakit magkasama kayo sa iisang kwarto?"

"As if you care! Dyan ka na nga!" Hinawi ko sya para makadaaan ako. Nagawa ko naman pero hinila nya yung braso ko.

"Nakakainis to!"

"MAS NAKAKAINIS KA!" Napaatras ako nung sumigaw sya.

Bakit naman ako nakakainis, ha?

"Kayo ni Aldrich. NAKAKAINIS KAYO!"

 

"Bakit na naman ba? Nasaan ba yung mga babae mo? Si Chelsea?"

 

"Tulog na."

Ah. Kaya pala. Tsk.

"Tara, sumama ka sa'kin. Magpapalipat ka ng kwarto." Hinawakan nya ko sa wrist at hinila.

"Naman oh!" Tinanggal ko yung kamay nyang nakahawak sa wrist ko. "Ano bang pakelam mo, huh?" Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko.

"Alis na ko." I said without looking at him then left.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C69
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン