"A-Aldrich?"
Humiwalay sya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kelan mo pa 'ko tinawag na Aldrich, ha, Zailieliling? Drich ang tawag mo sa'kin, ah?"
Inalis ko yung pagkakahawak nya sa mga kamay ko. Nakita ko kung paano sya nabigla sa ginawa ko.
"Matapos mo kong iwan, ganyan-ganyan nalang?"
Naiiyak na naman ako. Naaalala ko kung paano ako nagmukhang tanga sa kakaantay sakanya.
Pakinshet!
Akala ko nakalimutan ko na sya!
Akala ko wala na kong pakialam kung bumalik man sya.
Eh, bakit ngayon naiiyak ako?
Yumuko sya at sinabing, "I'm sorry, Zai."
"Sorry mo mukha mo!" Tinulak ko sya ng malakas at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.
Kaasar sya!
Sumalampak ako sa kama ko. Kung kanina naiiyak ako, ngayon hindi na. Masyado akong naiinis kaya walang luha na lumalabas sa mga mata ko.
Good thing at umalis kami ni Zoid sa ZL Spot ng 12am. Means, tapos na ang birthday ko. Kung hindi, wala! Sirang-sira ang birthday ko!
Kung anong saya yung nararamdaman ko kanina, ganun din ang galit na nararamdaman ko ngayon.
Kung tinatanong nyo kung sino yung lalaking yun?
Well, sya si Aldrich Komoyaki. 50% Filipino at 50% Japanese. Pure Filipino ang mommy nya at pure Japanese naman ang daddy nya.
He's my bestfriend as far as I can remember. Wala akong bestfriend dati kasi hindi ako mahilig makipag-socialize. Sya lang talaga. We made our promises na walang iwanan. Pero ano ang nangyari? Umalis lang naman sya. Ang sabi nya sa'kin, two months vacation lang daw. Pero hindi pala. Hindi na sya bumalik.
Ni wala nga kaming communications eh. Nag-i-e-mail ako sakanya before pero kahit ni isang beses hindi sya nag-respond hanggang sa mapagod ako at sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na sya.
Narinig kong may kumakatok.
"Zailie, please.... mag-usap tayo."
Yumuko ako sa ilalim ng kama at kinuha ang kung ano mang nahugot ko saka binato sa pinto.
"WALA KANG KWENTANG BESTFRIEND! MANG-IIWAN KA! MANG-IIWAN!" I yelled under my breathe.
Mga ten seconds bago ulit sya magsalita. "Hindi ako aalis hangga't di tayo nagkakausap."
Bahala ka sa buhay mo!
Nagtaklob ako ng kumot at pumikit hanggang sa nakatulog na ko.
* * *
As I woke up, agad kong chineck yung phone ko na nasa bedside table. Tinignan ko kung may text message na si Zoid.
I smiled nung may naka-register na Maboy/Louie ko sa inbox. As usual, good morning greet with I love you.
Haist. Buo na naman ang araw ko.
I happily got up on my bed then went down to have a breakfast. Pero nung pagkababa ko, nawala ang ngiti sa labi ko.
"Bakit andito ka?" Mataray na tanong ko sakanya.
Naka-upo sya sa couch at nakikipag-usap kay mommy.
Tumayo naman sya bigla.
Yung suot nya kagabi, ganun pa rin yung suot nya. Pati ako, yung dress na binigay ni Zoid pa rin ang suot ko. Nakalimutan ko ng magpalit ng pantulog dahil sa sobrang dami na nangyari kagabi. Romance at hatred. Tsk. Yung romance, sure na kay Zoid yun. At yung Hatred, dito sa guy-bestfriend ko na iniwan ako ng mahabang panahon.
"I told you, hindi ako aalis hangga't di tayo nagkakausap."
"Louise, ready na yung breakfast sa dinning room. Aakyat muna ako para makapa-usap kayong dalawa." Tumayo si mommy tapos umakyat.
Naiwan kaming dalawa.
Inirapan ko lang sya at naglakad papunta sa dinning room nang bigla nya kong hilahin at yakapin
Nagpupumiglas ako kaso ayaw nya kong pakawalan. Lalo nyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Nung napagod na ako, tumigil na ko sa pagpalag. Hinayaan ko nalang syang yakapin ako.
Honestly, miss na miss ko na rin sya. Pero nananalo ang galit ko sakanya.
Nanlaki yung mata ko at tinulak ng malakas si Aldrich nang dumating si Zoid.
SHET! Nakita nya kaming magkayakap ni Aldrich.
Zoid's POV
Hindi ako nakatulog kagabi. Iniisip ko kasi kung anong magiging reaction ni Zai kapag dumating na yung Aldrich.
Oo, alam ko na dadating yung lalaking yun. Nung naka-chat ko kasi yung daddy ni Zai sa facebook the day before her birthday, sinabi nya sa'kin na babalik na daw yung Aldrich dito sa Pilipinas.
Sya din ang nagkwento sa'kin kung gaano ka-close yung dalawa. He even told me na galit si Zai kay Aldrich dahil umalis daw yun pabalik sa Japan.
Pagkagising ko, agad akong naligo at nag-ayos.
Pumunta ako sa bahay nila Zai to surprise her.
But I am the who got surprised.
I saw them hugging each other. Aldrich hugged her as if there's no tommorrow.
I can't utter even a single word. Mas masakit pa 'to compare sa nakita ko dati na magkayakap si Zai at VJ.
Is it because I am too much afraid na baka may feelings din si Zai kay Aldrich kaya ako nasasaktan even if magkayakap lang sila?
As her eyes landed on mine, agad nyang tinulak ng malakas si Aldrich tapos lumapit sa'kin.
"Maboy..." Hinawakan nya ko sa kamay. Tiniitigan ko ng masama si Aldrich, ganun din sya.
I sent Zai a 'selos-ako' look.
She giggled then kissed me on my lips on front of the guy whom I am jealous with.
That's Louise ko ^___^
"Ang aga mo ata?" She asked, ignoring Aldrich's present.
Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ko napatay nung Aldrich. Ako? Ngini-ngisian ko lang sya.
"Gusto kitang makasama ng maaga eh. Pero dun nalang tayo sa condo ko." I glared at Aldrich, "May epal kasi dito eh."
Binalik ko ang tingin kay Zailie. Pansin ko na ganun pa rin ang suot nyang damit. Masyado ba syang natuwa sa mala-fairytale na surprise birthday gift ko sakanya kaya hindi na sya nagpalit ng damit? Haha.
"I'll just take a bath. Magpapaalam na rin ako kay mommy. Wait me here." Tumalikod na sya at nagsimulang umakyat, pero huminto rin sya. Lumingon sya habang nakahawak ang isang kamay sa staircase. "Behave lang, maboy." She commanded with a sweet smile.
"You're the boss, Louise ko." I smiled back at her.
Nung nakaakyat na sya ng tuluyan, I sat on the couch.
"Sino kaya ang pa-epal? Kitang may pag-uusapan pa nga kami ni Zailieliling eh."
"Pwede ba? Her name is so beautiful so don't make it worst!"
Tsk. Zailieliling? Ang panget >,<
"You don't care. Boyfriend ka lang."
"Boyfriend nya nga ako kaya I have the rights on her. Eh, ikaw? Ano ka ba nya? Bestfriend ka lang diba? Bestfriend na iniwan sya."
Nakita kong nag-close fists nya.
He smirked and smiled like an evil.
Akala naman nya matatakot ako sakanya? Tsk.
"Sa ngayon boyfriend ka nya. Pero sooner or later... ako naman."
Napatayo ako sa sinabi nya. Pilit kong pinipigilan ang galit ko.
"Mahal ako ni Zai kaya alam kong hindi mangyayari yan! Bestfriend ka lang nya sa buhay nya! You must have known your limits, bastard!"
"Oh, you cursed? How come nagustuhan ka ni Zai? Atsaka, oo nga bestfriend nya ko. Sobrang tagal na nga namin magkakilala eh. Matagal na kaming magkasama palagi."
At may sinabi sya na talagang naging dahilan para manghina at hindi ako makasagot.
"... I'm even her first love.."
"Sige, uuwi nalang muna ako. Tandaan mo lang....
First love never dies..."
Then he left me dumbfounded.
* * *
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa condo ko, tahimik lang ako. Hindi ko na nga naiintindihan kung ano yung mga kini-kwento ni Zai eh.
Shet naman kasi yung Aldrich na yun eh!
Sya daw ang first love ni Zai?
Eh, paano nga kung totoo yun?
First love never dies...
Paano kung pareho ni Zai si Tita Krisy na hindi makalimutan yung first love nya?
What if...
She loves him so much more than me?
Sobra akong natatakot.
I don't wanna lose her again.
Zai's POV
"Anong gusto mong breakfast?" He asked as we entered his unit.
"Lasag---"
"Other than that?"
I pouted. Di man lang ako pinatapos magsalita? Tss. >u<
"Pancakes will do."
"What else?"
Tinignan ko sya ng nagtataka, "Pinapataba mo ba 'ko?"
He shook his head. "Never mind. Magluluto lang ako." He said then made his way towards the dinning room.
What's with him?
Simula nung natapos akong maligo at bumaba sa living room, tahimik lang syang naka-upo as if in a deep thought. Hanggang sa nagda-drive na sya, ang tahi-tahimik nya.
"Maboy, dun muna ako sa kwarto mo, ah?"
He nodded without even looking at me. Busy sya sa paghahanda ng mga recipes na gagamitin nya.
Pagpasok ko sa kwarto nya, humiga ako sa kama nya. Kaamoy ni Zoid. Hmmmm...
Niyakap ko pa yung mga unan nya.
Zoid na Zoid!
Sayang! Di ko nadala si Zoidie ^o^
Habang yakap-yakap ko yung unan nya, I looked around until my eyeslanded on a book (?) which is nasa ibabaw ng bedside table.
Curiousity kills!
Hindi naman siguro magagalit si Zoid kung titignan ko 'tong book na 'to, diba? Teka, book ba talaga 'to? Well, there's only one way to find out.
I was about to open the book when somebody immediately took it away from me.
"Not this." He said seriously. Mabilis nyang pinasok yun sa loob ng drawer at nilagyan ng lock. Yung lock na may code. Hindi yung de-susi na lock.
"Sorry."
"No, it's okay."
"Tapos ka na magluto?" I asked, looking up to him. Nakaupo kasi ako sa kama nya na naka-indian sit, sya naman nakatayo.
"Not yet. I just reminded something... at tama nga ako. Muntikan mo ng makita. Balik na ko sa niluluto ko." He was about to leave, but I grabbed his arm to stop him.
"May tinatago ka ba sa'kin, Zoid?"
He faced me. Alam nya na kapag tinatawag ko sya sa pangalan nya, galit o naiinis ako.
Hindi naman sya nakasagot. Nakatingin lang sa'kin ng seryoso.
"So, meron nga." I faked a laugh.
He tried to reach for my hand, but I pulled it away.
"Listen, Louise ko..."
"SHATTAP!"
Bakit ba nakakainis ang mga lalaki, ha?
Masyadong misterious >___<
I stood up pero hinila nya ko kaya bumagsak ako sa kama kasama sya. He hugged me so tight that I can't barely breathe.
"Makinig ka muna."
"Kay Aldrich hindi ako pumayag na mag-explain sya."
"Louise ko...."
"But I'll make an exemption to you. Pasalamat ka, mahal na mahal kita!"
Naramdaman kong ngumiti sya. Nakatingin lang ako sa ceiling.
"Totoo.. may tinatago ako sa'yong isang bagay. Pero hindi ibig sabihin nun na I'm cheating. I love you so much and I can't hurt you. Kung ano man ang tinatago ko... it's part of our love and you will find it out soon. Please... maniwala ka. Mahal na mahal kita."
I faced him. Nagkabungguan pa yung mga ilong namin =___=
"Talaga?"
"Don't you trust me?"
"I trust you. Ayan na! Naniniwala na ko. Pasalamat ka, sobra-sobra ang tiwala ko sa'yo! Wag mo lang sisirain."
He smiled widely, "I will, Louise ko. Remember, LOYALTY IS MY FIRST POLICY. Pa-kiss." Then he kissed the tip of my nose.
"Teka..."
"Ano yun?" Kunot-noong tanong nya.
*sniff* *sniff*
"P-parang.. parang may nasusunog?"
"Ah, sht!" He cursed, then mabilis na tumayo sabay takbo palabas ng kwarto.
Haha. You must have seen his reaction!
Tinanong nya ko kanina kung anong gusto kong breakfast diba? Tas sabi ko, PANCAKE. Pancake lang.
Pero alam nyo ang niluto?
Pancake w/ strawberry syrup
Fried rice
Hotdog
Bacon
Scrambled egg
with special hot dark chocolate w/ mallows made by Zoid Louie Lee *o*
At syempre, hindi mawawala ang Lasagna ^___^ Sobrang dami ng cheese. Tinadtad ng cheese! Haha. I so love it!!!!!!
Busog na busog nga ako eh. Ang dami nya kasing niluto at kailangan ko daw ubusin. Nangngunsensya pa na madami daw bata ang nagugutom. Tsk.
Kung hindi ko lang sya mahal, hindi ko talaga uubusin lahat yun! Haha.
Hinuhugasan namin yung mga pinagkainan namin. Sabi ko nga ako nalang eh, pero ayaw nya.
I saw through my peripheral vision na napahawak sya sa chest nya. Binitawan ko yung baso.
"Maboy, masakit na naman ba?"
Ngumiti sya na halatang pilit at halatang pinipigilan na ipahalata sa'kin na sumasakit yung chest nya. "O-okay lang ako, Louise ko---" Napapikit sya at napahawak na naman sa chest nya.
Agad akong nagpunas ng kamay at inalalayan sya papunta sa kwarto nya. Kumuha ako ng tubig at pinainom sya ng gamot. Matapos nun, pinahiga ko sya sa kama. Sinabi nya na tabihan ko sya kaya humiga din ako beside him.
"Chest pain again? Eh diba.... madalas na sumasakit lang ang dibdib mo kapag napapagod ka o kaya....
MAY PROBLEMA KA BA?"
"Ang lakas naman ng boses mo." =__________=
"Sagutin mo nga ako! May problema ka ba? Are you emotionally stress? Tell me."
"I have no problems and I'm not mentally stress." He said without even glancing at me.
I know na nagsisinungaling sya.
Wala akong masabi. Iniisip ko kung anong pwedeng dahilan na makakapag-bigay ng anumang stress sakanya.
Wala naman.
Masayang-masaya nga kami kagabi eh.
Baka naman dahil dun? Because of too much happiness?
"Louise ko... s-si... Si Aldrich ba talaga ang first love mo?"
"H-huh?"
"Answer me, please. Matatanggap ko kung anuman ang sagot mo."
So..... this is the thing that's bothering him.
"Bakit mo naman natanong yan? May nasabi ba sya sa'yo?"
"Wala. Sagutin mo nalang."
"Hindi sya ang first love ko. Siguro, first crush pwede pa."
"Talaga?"
"Oo nga."
"Kwentuhan mo nalang ako tungkol sainyong dalawa."
"Bakit ba gusto mong malaman?"
"Because I want to."
"Sige na nga."
"Bestfriends yung both parents namin kaya since birth, magbestfriends na kami. Hindi naman kasi ako mahilig makipag-socialize dati eh. Kaya sya lang ang one and only bestfriend ko although mas matanda sya sa'kin ng one year. Pareho kaming walang kapatid, pero ngayon I heard na may 5yrs. old brother na sya. Madalas kaming mapagkamalang kapatid. Hindi nga kami mapaghiwalay nung mga bata pa kami eh." Napangiti ako nung maalala kung gaano kami ka-close ni Aldrich. Zailieliling pa yung pang-asar nya sa'kin. Ostrich naman ang pang-asar ko sakanya. "Pero nung ten years old ako at sya naman eleven, umalis sya. Bumalik sila ng Japan. Ang sabi nya sa'kin two months vacation lang. We even promised to each other na kapag lumaki na ako, sya dapat ang maging first boyfriend ko. I waited for him. Sobrang lungkot ko kasi wala akong kalaro. Pinapasyal nga ako nila mommy at daddy sa park para may mahanap akong kaibigan, pero wala akong makita. Kay Aldrich lang talaga ako komprtable. Hanggang sa nag-start na ang school pero hindi pa sya bumabalik. Inantay ko sya ng inantay. Palagi akong dumadaan sa malaking bahay na malapit lang sa'min kung saan sila nakatira dati. I'm expecting na one day, makikita ko sya dun. Sa kakaantay ko sakanya, may kaisa-isahang babae ang nag-approach sa'kin, si Yat. Walang sinumang babae kasi ang lumalapit sa'kin. First impression nila kasi sa'kin ay malandi kasi inaagaw ko daw yung Aldrich nila. Haha. Bata palang kami kinababaliwan na talaga yang si Aldrich. Naging mag-bestfriend kami ni Yat. I am so happy kasi nakakilala na naman ako ng bagong kaibigan na para ko ng kapatid. Wala kasi akong kapatid kaya siguro ganun ako kasabik sa mga kaibigan. Sa inaraw-araw namin na magkasama ni Yat, nawawala yung lungkot ko dahil sa pag-alis ni Aldrich. Until one day I found out na hindi na pala babalik sila Aldrich. Dun na sya nag-aaral. Ang unfair nya diba? Hindi nya manlang sinabi sa'kin. Pinag-antay nya ko sa wala. Nakakasama sya ng loob. Tapos ngayon, babalik sya na parang walang nangyari?"
He wiped my tears then hugged me tight. Umiiyak na pala ko.
"Ang mahalaga.... hindi mo sya first love."
Ehhh? Parang ang layo naman ng comment nya sa storya ko =____=
"Siguro kung hindi sya umalis, baka lumalim pa yung feelings ko sakanya. Crush ko na kasi sya dati eh."
"Mabuti nalang at umalis sya."
Hinampas ko nga sa braso!
"Bitter ba tawag dyan, maboy?" I asked na may halong biro.
He shrugged.
"Ako ang first love mo.." Sabi nya with his 'oh-so-ngiting-aso'
"Kung hindi siguro napasama si Yat sa mga babaeng niloko ko, baka wala ka ngayon sa tabi ko. Baka hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako kilala."
"That's possible."
"Pero ikaw, dati pa kita kilala."
Napatingin ako sakanya. "Huh?"
"Tama nga ang daddy mo. Wala kang pakelam sa mga nakapaligid sa'yo."
"Is that an insult?"
He shrugged again. "Try to look around. Lahat ng bagay ay mahalaga. Minsan kung ano yung mahalaga, ayun pa ang hindi mo napapansin."
"Ang lalim... how come na nasasabi mo ang mga bagay na yan?"
"May pinanghuhugutan eh."
"At ano naman yun?"
"Basta." He smirked. "Malalaman mo din."
I pouted. This guy is really full of surprises!
"Hulaan mo kung ilang taon na ko."
"Ano ba namang tanong yan, maboy! 18 years old upcoming 19."
"Ang tanda ko na para maging first year college. Haha. Sobra kasing mahina ang immune system ko nung elementary ako eh. Kaya ayun, dalawang beses umulit."
"Pero kung hindi ka naman umulit, hindi kita magiging batchmate at hindi mo maloloko si Yat at hindi ko maiisip na paghigantihan ka at hindi kita makikilala. At ang higit sa lahat, walang ZL na wagas magmahalan!" I said with arms open.
He laugh softly, "Everything is a plan. A God's plan. Kaya hindi ako naiinis sa ginawa mo, instead nagpapasalamat pa 'ko. Kasi kung hindi dahil dun, hindi mo ko mapapansin. You won't notice a drop-dead-gorgeous guy who's loving you from afar. I won't forget the days kung paano mo ko kasuklaman, kasi dahil dun..... naging akin ka."
Silence....
"Masakit pa ba yung chest mo?" Hinaplos ko yung chest nya.
He shook his head. "Nawala na yung problema ko."
Tamo 'to! Sabi nya kanina wala syang problema! Haist. Tsk. Tsk. Tsk.
Pero infairness sakanya, hindi na sya nag-o-open ng topic about his disease. Mabuti naman at naiintindihan nya ko.
"Pansin ko lang.... lahat ng kaibigan ko naging ex mo. Si Chloe at si Yat. Hmmm... baka si Sophi naman ang isunod mo." I joked.
I looked at him. His expression is unreadable.
Uh-oh. Did I offend him?
"Sorry, na-offend ata kita."
"Hindi mo ko na-offend." Sabay bato nya sa'kin ng unan tapos tumawa sya ng malakas.
"Kelangan nambabato? Eto sa'yo!" Syempre! Ginantihan ko din sya.
And we end up pillow fighting.