Zoid's POV
"NAKAKAINIS! *sniff* NAKAKAINIS!" Paulit-ulit nya yang sinasabi habang umiiyak at hinahampas yung tuhod nya.
Andito lang pala sya sa basement. Kung san-san ko pa sya hinanap kanina. Hindi ko na nga iniisip na bawal akong mapagod, basta mahanap ko lang sya. Mabuti naman at nakikisama ang katawan ko. Hindi ako sinumpong ng heart palpitation ngayon kahit na kanina pa ko lakad ng lakad. Pagod na nga ako eh.
Pero bigla nalang nawala yun nang makita ko sya.
Naglakad ako palapit sakanya. Nakaupo sya sa floor at nakatalikod sa'kin.
I knelt down para mapantayan sya, then hugged her from behind.
Bigla syang lumingon, pero agad kong tinakpan ang mukha nya. "Huwag kang lumigon. I'll kill you."
I can kill you with all my LOVE, Zai....
"S-sino ka ba?"
"I'm a killer. I can kill you, kaya huwag kang lumingon." Kinuha ko yung hanky ko sa pocket ng pants ko, then piniring sa mga mata nya. Humarap ako sakanya, saka sya niyakap.
"S-si Zoid ka eh.." Sabi nya.
"Nope."
"Si Zoid ka! I know your scent."
Pfftt..
"I'm not. Cry now or else.... I'll kill you."
Tumahimik naman sya. Maya-maya, nararadaman ko na yung hikbi nya.
"Ganun na ba talaga ako kasamang tao? *sniff* L-lahat nalang sila... galit sa'kin. Pati yung mga kaibigan ko, galit na galit na sa'kin.... *sniff* Di naman ako malandi eh. In-edit lang nila yung mga pictures."
Hinayaan ko lang syang magsalita ng magsalita at umiyak ng umiyak.
"Napakasama kong tao! Ang sama-sama ko!"
"Ito ba yung karma ko sa mga kasalanan ko sa'yo, Zoid?" Lumayo sya sa yakap ko at humarap sa'kin. Kung wala syang piring, eye to eye kami ngayon.
"Hindi nga ako si Zoid."
"Si Zoid ka sabi eh!"
"Kulet! Di nga!"
"Ikaw yung makulit. Ikaw si Zoid."
Imbis na makipagtalo ako, niyakap ko nalang sya ulit. How I missed this girl.
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Isang yakap lang, tanggal na agad yung galit ko sakanya.
Alam kong umiiyak na naman sya. Nararamdaman ko rin na pinipigilan nyang huwag humikbi.
Nakaupo kaming dalawa sa floor, habang magkayakap. Mga 20 minutes sigurong ganun ang pwesto namin.
Tinanggal ko yung piring nya, kasi parang tulog na sya. She's not crying now, but I can feel her sobs.
Nung natanggal ko na, tama nga ang hinala ko. Tulog na sya. Napangiti nalang ako. Nakaka-enjoy talaga sya panooring matulog. Parang batang anghel.
Nabasa na yung uniform ko. Pero okay lang ^___^
I lifted her and kumuha ng excuse sa principal, para makalabas kami ng academy. Dun na agad ako dumiretso sa principal, para mabilis.
Dinala ko sya sa bahay ng tita ko. Malapit lang yung bahay nya sa DH Academy. Walking distance lang.
Habang inaayos ni Tita Krisy yung bedsheet sa guest room, inihiga ko muna sya sa couch.
"Okay na, Zoid. Pwede mo na syang ihiga dito sa kama."
"Sige po. Thank you po talaga, tita Krisy."
"Wala yun. Sige, maiwan ko na kayo dito."
Ngumiti ako sakanya tapos umalis na sya.
27 years old na si tita krisy ngayon, pero wala pa syang asawa or even boyfriend. Masyado syang loyal sa first love nyang gangster. Siguro, ganun ang tinatawag na true love.
Sabi nila, first love never dies...
But for me, TRUE LOVE is the one that never dies...
Speaking of Love, napatingin ako sa aking love of my life [Ang korni ko-.-]
Kumuha ako ng blanket sa closet then binalikan si Louise ko. Syempre, kinumutan ko sya.
Iniangat ko yung tuhod nya para makaupo ako, tapos ipinatong ko yun sa lap ko.
"Nakakainis ka, Louise ko. Alam mo ba yun?"
I chuckled. Tanungin daw ba yung tulog? Ngayon ko lang ginagawa 'to. Talking to a person who's asleep? I look like a pathetic idiot.
"Bakit ba hindi ko magawang magalit ng todo sa'yo, huh? Nagga-galit-galitan na nga ako sa'yo.... pero everytime I looked straight to your eyes.... nawawala lahat. Nakakalimutan ko na may galit ako sa'yo."
"Why I am so inlove with you? Hindi mo lang alam.... lagi kong iniisip yung sinabi mo na mahal mo ko. I actually believe that. Pero.... argh. Hindi ko na alam. Ayoko na kasing masaktan ulit eh."
Hinawi ko yung buhok nya na halos takpan na yung maganda nyang mukha. "Pinapatawad na kita, Louise ko."
"I love you so much." I said, then stole a kiss on her lips.
Binuhat ko sya para ihiga sa kama, tapos bumaba na ako.
"Uwi ka na?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko si Tita Krisy.
"Opo. Thank you po talaga, tita. Kapag nagising na po sya at tinanong kung sino ang nagdala sakanya dito, paki sabi po.... isang killer."
"Kanina ka pa thank you ng thank you. Tigilan mo na nga yan! Yayaman ba ko sa thank you mo? Haha. Atsaka, Killer?"
"Basta po. Alis na po ako."
"Okay. Bye killer."
I laughed softly then left.
Zai's POV
As I opened my eyes, I looked around.
Parang...
Parang wala ako sa kwarto ko??
O___O
OMO!
Agad akong napaupo sa kama.
"Hello!" sabi nung babaeng nakatayo sa pinto.
"Nasaan po ako? Sino po kayo?"
"My name is Krisy. Nandito ka sa bahay ko. Walking distance lang ang school mo from here."
"Ah. Eh, bakit po ako nandito and... sino po yung nagdala sa'kin dito?"
She smiled. Uhh,,, Is there something in my question that made her smile?
"A killer took you here."
"K-killer?"
Killer. Sya yung nag-comfort sa'kin kanina sa school basement. And I am 100% sure na si Zoid yun.
Akala ko, panaginip lang yung kanina. Totoo pala.
"Yes. A killer. A playboy killer is the best word that can describe him."
Dahil sa sinabi nyang playboy, lalo akong naniwala na si Zoid nga yun. At bakit naman killer pa ang pinortray nya, diba? Tsk. Baliw talaga -__-
Nag-thank you very much ako kay tita Krisy. (Sabi nya kasi tita krisy yung itawag ko sakanya eh) Then, bumalik sa DH Academy para kunin yung mga gamit ko.
Dismissal na pala nila. Pagkatapos kong kunin yung bag ko sa classroom, dumiretso na ko sa dance studio. Dito daw kami magpa-practice ng Genie.
Habang nagpa-practice, parang wala lang sa mga co-dancers ko. Hindi ba nila alam yung nangyari kanina sa auditorium? Baka naman, hinahayaan lang nila. Focus lang sa practice.
Ewan ko ba. Kahit kasi nagkaroon ako ng malaking issue kanina, nakakapag-practice ako ngayon ng maayos. Siguro, dahil sa naalala ko yung kilig moments namin ni Playboy killer kanina.
Ahihihi *o* Kinikilig talaga ako. Sana lagi nalang kaming magkayakap <3
[A/N: Ayan! Louise ko na naman ang tawag sakanya ni Zoid. Hahaha ^O^]
Please vote, rate, comment and share this story to your friends ❤