アプリをダウンロード
70.14% Her Gangster Attitude / Chapter 47: Chapter 46: Hypocrite

章 47: Chapter 46: Hypocrite

IYA

Tahimik na sumunod ako sa matandang hukluban na isang dakilang aswang na sa kasamaang palad ay biological mother ko.

"If you want to eat first, ask the maids. You can have your breakfast at the dirty kitchen. " ni hindi man lang lumilingon ang aswang habang nagsasalita. Hmp!

Lumiko ako patungo sa dirty kitchen. Atleast alam ko ang daan patungo

sa naturang lugar dahil palagi kong pinupuntahan si Aling Loleng doon.

"Oh, Iya hija. Kumain ka na ba? "

Although mabait ang matanda sa akin. Alam ko naman na ang loyalty n'ya ay syempre nasa amo n'ya pa rin.

"Oho eh." I answered neither warn nor cold.

"Halika at may natira pang ulam sila Mam kanina, " aya n'ya at akmang bubuksan na ang ref na naroon.

"Ah, Aling Loleng naghahanap po kase ang tyan ko ng ibang pagkain. Baka may itlog na lang ho o tuyo, " I respectfully decline. I'm fuming inside but I can't show it to others.

Tinitigan ako ni Aling Loleng. Hello, bakit ko naman kakainin ang tira-tirang pagkain ng amo nyang aswang? Paano kung ma-infect ako? Saka hindi ba kapani-paniwala na hindi ako mahilig kumain ng mga pagkaing kinakain ng mga taong kagaya ng babaeng 'yun?

"May itlog naman dyan hija. Kaso, walang magluluto. "

"Okay lang po. Ako na ang gagawa. "

Tinalikuran ko na ang matanda. Madali ko namang nahanap ang itlog. Scrambled egg na lang. Ramdam ko na talaga na malapit ng magkainan ang mga lamang loob ko. Nang matapos akong magprito ay kaagad na akong kumain.

"Tapos ka na daw bang kumain? "

Katatapos ko lang hugasan ang pinggan na pinagkainan ko ng makarinig ako ng boses sa likuran. Noong lumingon ako ay nakita ko ang isang maid na unat na unat din ang buhok. Hindi s'ya yung kauna-unahang maid na nakausap ko noong bagong salta pa lang ako dito. Ano kayang meron sa pagpapa-straight ng buhok? Bakit halos lahat ng mga kasambahay dito straight ang buhok? Parang biglang-bigla eh gusto kong magpakulot ng buhok.

"Tapos na. "

"Ihahatid kita sa living room, "

Kaagad na akong sumunod kay ateng masungit. Lahat yata ng mga kasambahay dito--mapwera kay Aling Loleng, ay pawang mga aswang din este masusungit? Tsk. Kakaiba talaga ang impluwensya ng babaeng 'yun ah. Masyadong sagad sa buto. Pati mga kasambahay n'ya kaugali n'ya na rin.

Hindi pa ako nakakarating sa living room na tinutukoy ni ateng maid. Nang makarating kami doon ay naroon na iyong pinuno ng mga aswang, ang alagad n'yang si Flaire na himalang naroon at ang anak n'yang si Wella na pagkakita pa lang sa akin ay malawak na ang pagkakangiti.

"Hello ate Iya. Kamusta? " masigla n'yang bati. Sabay-sabay na lumingin sa akin ang lahat. What? It's not my fault na nilalalitan ako ng anak nila.

"Fine. Ikaw, kamusta? " tanong ko out of courtesy. Bukod kay Aling Loleng, ang batang ito lang yata ang may good manners and right conduct sa pamamahay na 'to.

"Mabuti naman po ate. Thanks to your blood, I am more than fine. " masiglang wika pa ni Wella saka ako iginiya patungo sa isa sa mga upuan.

"I don't know that you two are that close. " alam kong sa pandinig ni Wella ay walang ibang ibig ipakahulugan ang mga sinabing iyon ng kanyang ina, pero iba ang dating noon sa akin. Samahan pa ang ng pagtingin n'ya ng pailalim.

Gash.

Kahit ba kaunti, hindi n'ya maramdaman sa sarili n'ya na ako 'yung sangggol na isinilang n'ya 15 years ago? What the fudge is wrong with her? Wala ba sayang konsensya? Hindi ba s'ya tinubuan ng puso?

"Alam mo po mommy, sinamahan ako ni ate Iya noong na-late ng dating si Mang Kaloy at si ate Flaire naman ay may pinuntahan."

"Oh, really. Thank you then, " nakangiti ang aswang pero hindi ko naman makitang sincere s'ya sa pagt-thank you n'ya.

Hmp.

Hindi ko na lang s'ya pinansin or sinagot. Ipokrita.

"Ate, sinong ka-date mo mamaya? "

Natigil ako sa pagsisintir ng marining ang tanong ni Wella.

Kakaloka. Hindi ba makahalata ang batang ito na umiiwas na ako sa gulo? Kung maka-ate pa, santisima. Pinapakaba ng bongga ang puso ko. Tsk. Bakit ba nakakaramdam ako ng lukso ng dugo sa kanya samantalang ang nanay n'yang magaling ni wala yatang dugong nananalaytay sa katawan. Dapat yata s'ya itong sinasalinan ng dugo eh. Baka sakali, maramdaman n'yang anak n'ya ako. Maramdaman n'ya lahat ng mga paghihirap, pagpapasensya at pag-iintay na ginagawa ko sa kanya.

Sabi nila walang magulang na nakakatiis sa anak. Hmp. Isang malaking kasinungalingan. Ni hindi nga ako itinuring na anak ng babaeng 'yan.

"Wala. Mga kaibigan ko lang. "

"Talaga aattend sila? Alam mo bang hindi sila sumasali sa kahit na anong school program ate? " nagniningning ang mga matang tanong ni Wella habang nakatitig sa akin.

"Wow. Akalain mong na-impluwensyahan mo ang mga patapong 'yun?! " punong-puno ng pang-uuyam na tanong ni Flaire.

Tiningnan ko s'ya ng masama. Kung pwede ko lang s'yang kalbuhin ngayon mismo eh.

"They're much better than someone who's spreading fake news. Faincee pala ha. Hah. Lakas mo, " ganting pang-iinsulto ko sa kanya.

Kung hindi ko s'ya pwedeng dukutan ng mga mata, o kung hindi ko s'ya pwedeng kalbuhin. Bakit hindi ko rin s'ya bugbugin, verbally? Sila lang ba ang marunong? I'll hit it where it hurts the most.

"What?! " nanlalaki ang mga matang tinitigan n'ya ako na para bang kasalanan kong lumaganap na parang isang malaking apoy ang pagpapantasya n'ya kay Ivan. Served her right. Hindi pa man sila ang yabang-yabang na. Kung ako ang pipili ng magiging girlfriend ni Ivan, wala s'ya sa magiging listahan.

"O bakit? Alam naman sa buong school ang pagpapantasya mong maging Mrs. de Ayala ah. Sa palagay mo ba malalaman 'yun ng isang abang kagaya ko kung hindi nag-trending sa School Newsportal ang paghalik mo sa kanya? "

Although iniinsulto ko s'ya ngayon, deep within me. Hinahangaan ko si Flaire. At least s'ya, naamin n'ya ang nararamdaman n'ya ng harapan. Eh ako, maamin ko kaya 'yun mamayang gabi? Iniisip ko pa lang talaga gusto ko ng tumakbo papunta sa kwarto ko at magtago dun forever.

"Shut up Delaila. Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang sagut-sagutin ng ganyan ang pamangkin ko? "

Saglit akong lumingon sa magaling na babae. I shrugged my shoulders and face the mirror in front. Tila nakahalata din si Wella kaya tahimik na nagtungo na lang s'ya sa upuan n'ya.

"Mam Wendy! "

Nawala lang ang nagbabadyang pressure sa atmosphere ng paligid nang biglang dumagundong ang boses na iyon. Malagom at akala mo'y nakalunok ng megaphone.

"Darla. "

"I'm so sorry for being late. Sobrang traffic sa may Mega Mall. Anyways, ito na ba ang tatlong dyosa na aayusan ko? "

"Hmm. Gusto kong magkatulad na magkatulad ang ayos na gagawin mo sa anak ko at dito kay Delaila. Gusto daw kase ni Wella na matchy-matchy sila. " naghand gesture pa s'ya sa hangin habang sinasabi ang salitang 'matchy-matchy'.

"And how about the very beautiful Miss Flaire? "

"Make her win the Miss Beautiful Acquaintance award. The Miss of the Night award and every award na pwede n'yang makuha. My daughter Wella her is not after those awards... yet. "

Inikot-ikutan kaming tatlo ng baklang malaki ang pangangatawan. Unlike Josefa na sa pagmumukha at pangangatawan ay mapagkakamalan mong babae talaga. Malakas nga ang pakiramdam ko na si Josefa ko ang mananalo ng mga award na 'yun eh.

"Okay. Uunahin ko na muna ang matchy-matchy. I will save the best for last. Mag-relax ka muna d'yan Miss Flaire. "

Nakangiting sumagot ng 'sure ' si Flaire dito. Hindi ko naman mapigilang sulyapan ang matandang aswang. Anong meron at pumayag s'ya sa gusto ni Wella na magpaayos kaming dalawa na magkagaya? Hindi ko maintindihan pero biglang-bigla na lang akong kinabahan.

Ano na namang motibo n'ya?


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C47
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン