Laine's Point of View
"AYON sa masusing obserbasyon namin sayo nung magising ka pagkatapos ng aksidente,natukoy namin na mayroon ka ngang transient global amnesia.Hindi ito karaniwan ngunit ito ay panandalian lamang.Lubos na kawalan ng pag-alala.Maaaring dahil sa pinsala sa mga bahagi ng utak na mahalaga sa pagpo-proseso ng alaala.Nuong magising ka,napansin ko na wala ka talagang maalala. Pero dahil sa dami ng impormasyon na sinabi ni Marga sa akin tungkol sayo na naririnig mo naman kaya parang iyon na lang ang pinaniwalaan mo.Naisip ko rin na maaaring post traumatic amnesia ang kundisyon mo dahil sa pagkalito mo sa mga pangyayari matapos ang traumatic brain injury mo." mahabang paliwanag ni Dr.Severo sa amin.
" Doc bakit naman po sumang-ayon kayo kay Marga? Alam nyo ba na may tunay na pamilya si sir Nhel na naghihintay sa kanyang pag-uwi?" turan ni Dylan.
"Anong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ng doktor.
" Siya po ang tunay na asawa ni sir." turo ni Frost sa akin.Tumingin ang doktor sa akin na parang nahihiya.
"Pasensya na misis hindi ko alam na may pamilya syang iba dahil ang sinabi sa akin ni Marga ay limang taon na silang mag-asawa.Hindi ko rin alam kung bakit hindi pinapasabi ni Marga ang kundisyon ni Nhel sa kanya at nakiusap sya sa akin na ilihim namin ang lahat dahil ayaw nya raw maguluhan pa si Nhel kung malalaman nya ang tunay na kundisyon nya.Sumang-ayon naman ako kasi ang ganyang klase ng amnesia ay hindi naman tumatagal,maaaring makaalala agad sya sa pamamagitan ng therapy.Ang ipinagtataka ko lang ay yung hindi nya pagpayag na i-therapy itong si Nhel." muling paliwanag ng doktor.
" Alam nyo doc kung hindi nyo ipinagtapat sa amin ngayon ang lahat maaari kayong madamay kapag kinasuhan na po si Marga.Kapag nakaalala na ng tuluyan si sir saka pa lang namin malalaman kung ano ang kasong pwedeng isampa sa kanya. Sa ngayon,ipapa-therapy namin sya para mabilis syang makaalala at sana lang makipag tulungan kayo sa amin para mapadali ang lahat." wika ni Dylan.
" Salamat kung gayon.Maaasahan nyo ang tulong ko sa ikalulutas ng kaso.Simula bukas ng umaga maaari nyo na syang dalhin dito para sa therapy nya.At huwag kayong mag-alala hindi malalaman ito ni Marga." pinal na sabi ng doktor.
Nagpaalam na kami at inihatid kami ng doktor hanggang sa makalabas ng pinto ng opisina nya.Kinausap nya ang kanyang sekretarya na huwag ipaalam kay Marga ang pagpunta namin dito at ipinaliwanag nya na rin ang dahilan.Natakot ang sekretarya na baka madamay pa daw sila kaya mananahimik na lang daw sya.
Hindi kumikibo si Nhel habang bumibyahe kami pabalik ng resort.
Malalim syang nag-iisip at panay ang kanyang buntung-hininga.
Hinayaan ko na lang sya sa kanyang pananahimik hanggang sa makarating kami sa resort.
Sinabi ko na sa amin na sya mananghalian at magluluto ako. Tahimik lang syang tumango at umupo na lang sa aming sofa sa living room.Si Frost at si Dylan naman ay nagtungo muna sa kanilang silid at magpapahinga lang daw muna.
Tahimik akong nagluluto ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran.
" I'm sorry Laine kung nasaktan kita.Ngayon ko napatunayan na nagsisinungaling lang si Marga sa akin.Ikinaila kita nung una tayong magkita kahit na biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nung mga sandaling yon. Patawarin mo ako kung nagduda ako sayo at nasasaktan na pala kita kapag nakikita mo kami ni Marga.Hindi ko kasi alam kung ano ang paniniwalaan ko nung mga sandaling yon. Hindi ko alam na may amnesia pala ako. Hindi ko man maalala kung ano ang mayroon tayo nun,sigurado ako na mahal na mahal kita. Base sa tibok ng puso ko,alam kong ikaw yung naririto.Nakalimutan ka man ng isip ko pero ang puso ko ang nakakaalala sayo. Patawarin mo ako kung umiyak ka man ng dahil sa akin nitong mga nakaraan, kung alam mo lang,nasasaktan din ako pag nakikita kitang malungkot at umiiyak.I'm sorry, I'm really sorry." madamdaming wika nya at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.
Humarap ako sa kanya at tinitigan sya. Hinaplos ko ang pisngi nya.
" Aaminin ko,nasaktan ako ng sobra nung akala ko talagang iniwan mo na ako.Umiiyak ako tuwing gabi kapag naaalala ko kung paano mo tignan si Marga,kung paano mo sya niyayakap at hinahalikan. Pero puso ko rin ang nagdidikta na may mali sa nangyayari kaya naman hindi ako sumuko at tama nga ang kutob ko. Naiintindihan kita at alam kong hindi mo naman sinasadyang saktan ako dahil hindi ka naman nakakaalala.Yung sakit mawawala yan.Pain is inevitable. You have to learn how to deal with pain.Sa kaso ko, I learned it my own way dahil na rin sa dami ng pinagdaanan natin Nhel.Lahat ng sakit kinakaya ko kasi mahal na mahal kita."
" Laine!" niyakap nya ako ng mahigpit.Ramdam ko ang pagyugyog ng mga balikat nya tanda ng pagluha nya.
" It's okay beh,kaya natin to.Tutulungan kita na mabalik yang alaala mo." kumalas syang bigla sa akin at nagtatanong na tinignan nya ako.
" Beh?"
" Yeah, yun ang tawag ko sayo.Why?"
" Sabi ni Marga yun ang tawag nya sa akin."
" That's one of her lies. Yun ang tawag ko sayo since naging tayo. And you call me babe."
" Really? Ang dami pala talaga nyang tinanim na kasinungalingan sa utak ko.Sorry nung nagalit ako sayo nung tinawag mo akong beh." hinging paumanhin nyang muli.
" Wala na yon beh,naintindihan ko na ngayon. Pero may mga sinabi si Marga sayo na totoo rin naman tulad nung naging mag-asawa kayo ng limang taon at yung si Mark."
" What? Paano?"
" Lihim na tayong kasal nun nung agawin ka nya sa akin. Napilitan kang pakasalan sya dahil pinagbantaan ka nila na ipapakulong ka at aalisan ng lisensya sa pagiging engineer mo at pati ako ay idadamay nila kaya napilitan din sila papa Phil na pumayag.Lumayo ako nung magpakasal na kayo at kailan lang kita nabawi ulit sa kanya ng tuluyan."
Mataman syang nakikinig sa akin at pilit na inaalala ang mga sinabi ko. Hawak nya muli ang magkabila nyang sentido.
" Huwag mo ng piliting alalahanin yung mga sinabi ko baka makasama sa kundisyon mo. Malalaman mo rin naman yan kapag nakabalik na ang memorya mo. Simula bukas sasamahan kitang magpa-therapy.Pagkaalis ni Marga saka tayo aalis papuntang ospital." turan ko.Ngumiti ako at hinawakan sya sa mukha.Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi.
Nagkatitigan kami at nababasa ko sa mga mata nya ang ibat-ibang emosyon na nakapaloob sa mga titig nya. Bumaba ang tingin nya sa mga labi ko,he traced my lips with his finger. Pagkaraan ay yumuko sya at banayad nyang idinampi ang labi nya sa labi ko.Awtomatikong napapikit ako at dinama ang ginagawa nyang pagsalakay sa labi ko. Punong-puno ng pagmamahal at pangungulila ang nakapaloob sa halik nya kaya tinugunan ko naman iyon ng buong kasabikan.
Tumigil kami ng pareho kaming pangapusan ng hininga. Pinagdikit nya ang mga noo namin at muli na naman nya akong tinitigan sa mata.
" Nakalimutan man kita pero alam kong mahal na mahal kita. Kilala ng labi ko ang mga labi mo."
Ngumiti ako ng malapad at ginawaran sya ng mabilis na halik sa labi. Pareho pa kaming nagulat ng may biglang tumikhim sa may entrada ng dining room.
" Ma'am pwede na po ba tayong kumain?" tanong ng nakangising si Frost.Hala mukhang nahuli pa nya ang ginawa kong paghalik kay Nhel.
Nahihiya akong kumalas kay Nhel at hinarap sya.
" Malapit na ito, tatawagin ko na lang kayo kapag luto na."
" Sige ma'am sinabi nyo eh. Okay ituloy nyo na po." pilyong ngisi nya at tumalikod na.
" Heh!" bulyaw ko at humahalakhak naman syang bumalik sa room nila.
Luko-luko talaga.
________________
LINGID nga sa kaalaman ni Marga na umaalis si Nhel tuwing umaga para magpa-therapy kay Dr.Severo. Pagkaalis ni Marga para pumasok sa trabaho ay pumupunta na si Nhel sa amin at sinasamahan namin sya sa ospital.
Dalawang linggo ang matuling lumipas at nagiging maganda na ang resulta kay Nhel ng therapy nya. Medyo naaalala na nya ang ilang detalye sa buhay nya pati na rin yung ilang bagay sa nakaraan. Tinutulungan ko rin sya sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga gamit na dala ko na nagiging pamilyar naman sa kanya. Yung nangyaring aksidente na lang ang hindi nya pa gaanong maalala, medyo malabo pa daw kasi kapag pilit nyang inaalala.
SABADO ng gabi ng magpaalam si Dylan at Frost na uuwi muna sa kani-kanilang pamilya. Naiwan akong mag-isa sa cottage namin. Hindi naman ako maaaring lumabas para puntahan si Nhel dahil off ni Marga sa trabaho kaya maghapon lang sya sa bahay nila. At isa pa, lihim na syang iniimbestigahan ni Nhel kaya hinahayaan ko na silang magkulong sa kanila kahit na nag-ngingitngit ang kalooban ko.
Kinalunesan, wala pa rin ang dalawang kasama ko.Tumawag naman si Dylan at nagpaalam na sa kinabukasan na lang daw sila babalik ni Frost. Kaya nung pagkaalis ni Marga, dalawa lang kami ni Nhel na pumunta ng ospital para sa kanyang therapy.
Hindi naman kami gaanong nagtagal sa ospital. Wala kasing gaanong pasyente si doc kapag ganong araw kaya nauna na si Nhel.
Habang pauwi kami sa resort, tinanong ako ni Nhel.
" Babe nung sagutin mo ako di ba nasa simbahan tayo nun?" saglit ko syang nilingon kasi ako ang nagmamaneho kaya sa kalsada ako nakatutok.
" Talaga, naalala mo na yun?" nakangiti kong tanong.
" Oo naalala ko na.Parang may pinirmahan pa tayo sa notebook na dala mo nung araw na yon." masayang turan nya.
" God thank you. Medyo naaalala mo na yung mas matagal na nangyari.Ano pa beh? May natatandaan ka pa?" Pumikit sya ng mariin na tila nag-iisip.
" Uhm..yung sa ferris wheel tapos yung nagsasayaw tayo nung debut ko.Yung bahay natin,naaalala ko na.May garden tayo na maraming halaman at bulaklak." napangiti ako sa sinabi nya.
" Beh konti na lang makakabalik na ang memorya mo. Ilang balik na lang siguro tayo kay Dr.Severo, maalala mo na ang lahat."
" It's all because of you babe. Kung hindi mo ako nahanap baka hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa buhay na puro kasinungalingan. Salamat babe hindi mo ako sinukuan."
" I have to fight for you.I have to fight for my happiness.Even if I bleed,I'll fight. You're worth it."