@International_Pen
((( SENA )))
Hinila ko kamay ni Sean saglit sa isang pabilog na bench sa ilalim ng Puno at may katabing ilog. Habang yung ilang tao… naglalakad lakad. Oo, di ko parin mabitawan yung Holy water, kahit gustong gusto ni Sean ilagay muna sa sasakyan. Sa ayoko. Baka may kumuha pa… at ma Carnap yung sasakyan niya. Maisama pa ang innocente kong Holy water.
Bumili kami ng taho… may kasama pang puto. Ang takaw ko no?
Nang may dumaan na isang pamilya, pati aso nila kasama nila… Isang pamilya ng di dinidiscriminate yung alagang hayop. Isama ko nga din sila tang. Ahahaha… magsisitakbuhan ata ang mga tao dito. Masarap ang simoy ng hangin at mainit init pa itong puto. Inalok ko si Sean, pero umiling lang ito… habang napapa-exercise na nga lang din sa harapan ko.
Haist… kung alam niyo lang yung dinadala ng maagang pag-gising talaga. May oras ka pa sa sinasabi nilang significant others. Hahaha… di romantic pero cute pakingan.