@International_Pen
It is sadness to discover that some friends promises are changed and turned out to be nothing more than a fake bubble.
((( SENA )))
So, totoo nga ang sinasabi ni Sean. Pero napatapik na lang ako sa balikat ni Kuya.
"Kuya, Ingit lang talaga yang si Sean. Kahit di man tayo magkadugo, salamat ng marami dahil inalagaan mo ako… at di mo ako pinabayaan lalo na ng mag-aral ako. At wala namang narrating yung pinag-aralan ko dahil sa lalaking yan. Di ko tuloy nasuklian yung pag-hihirap mo Kuya."
Si Sean kasi abala na kausapin yung nasa kabilang linya, na panigurado naman nakikinig sa usapan namin ni Kuya.
"Alam mo Amasona, may pinuntahan naman talaga, kaya lang nasobrahan. Yan oh."
Turo niya kay Sean. Napangiti ako… dahil ibig lang talagang sabihin nito na magiging okey ako kay Sean.
"May saltik nga lang Sena, ang kaisipan ng asawa mo."