@International_Pen
((( SENA )))
"Ate Sena, bakit ka umiiyak?! Pinapaiyak ka ba ng Mcdo'ng yan! Tsss…."
Kaya napapunas na lamang ako ng luha sa pisngi ko. Pero di ko namalayan, ayun sumugod na si Elaine. Di siya pinansin ng kumakanta. Hangang sa may kinuhang cymbal si Elaine… yung parang pingan na kulay gold. Walang nakapagpigil sa kanya… saka lumapit kay Manong Mcdo, at malakas na pinatunog yun sa tenga ni Mr. Mcdo.
Aray. Pati ako nalaglag yung tuli ko kasi dinig na dinig yun sa Microphone.
Di pa yun sapat kay Elaine… nang-agaw na ng Guitara, at ng maagaw niya… hinampas niya sa sahig.
Ito ba ang tinatawag nilang… Spoiled Brat ng Madrid?!
"May pinapaiyak ka na sa harana mo. Bakit di mo na lang gayahin yung kembot ni Jolibee… porque wala kang pwet! Haist! Pinipikon mo ko! Ipapasara kita at ipapaban sa buong Pilipinas.