@International_Pen
((( SENA )))
O bakit na naman ako nasaktan.
Oo, nagkunwari na lang akong masusuka… at tumayo nga, saka lumayo sa lugar na yun. Nagkulong sa silid.
There's a possibility we will be together.
Sentence of the day!
Tama na. Gusto ko nang magpahinga sa araw na ito! Napatalukbong na lamang ako. Na kala mo mailalayo ako sa lugar na ito. Immune na ako sa sakit oh… tama na! Napapikit na lamang ako… pinilit na makatulog… ngunit bumagabag ang mga sinabi ni Sean sa akin sa buong araw, na parang paulit ulit na tinutusok ako ng matatalim na kutsilyo. Parang awa mo na Sean… durog na ang puso ko. Ayoko nang makita ka pa. Di na talaga masaya.
At sa huling tulo ng luha ko… nakatulog ako.