@ International_Pen
((( SENA )))
" Hoy Amasona! Bakit ka sumisigaw! Dinig na dinig sa labas!" Pagpasok ni Kuya. Gorilyang to… Isa pa ito!
Hinila na ako ni Sean paupo.
" Bayaw." Bati niya kay Sean… at ng makita si Tang Ismael… Ngumiti lang siya. Na talagang maganda lang sa kanya… ngipin. " Pagpasensyahan niyo na kapatid ko…" di ata kilala kung sino si Tang Ismael.
" He is my father."
" Ay, Hello po." Saka lumapit si Kuya at napamano dito. Oo, ganyan kami pinalaki ng mga magulang ko. Laging magmano sa matanda… at kahit di mo kilala, basta matanda… magmano ka. Ewan ko kung kabilang pa ba yan sa moderasyon ngayon. Basta kao… tuturuan ko mga anak ko ng kultura ng Pilipinas. Maganda kaya Kultura natin. Di dapat itinatago… dapat lang na ipakita.
" Ikaw pala kapatid ni Sena. Kilala ko lang kasi yung anak mo. Yung kaninang bata dito."
" Opo."