@ International_Pen
((( Sena )))
Naligo na nga si Sean. Siguro maaga kaming pupunta sa cementeryo para iwas traffic at kapag disperas ng kapiestahan talagang matao na ngayon. Tama nga si Sean. Kaya kumilos na kami ni Cecile. Nang makapagligo si Sean… ayan ang presko na naman niya tignan parang bumaba na naman sa langit yung magandang uri ng Anghel. Haist… wag nga lang tubuan ng sungay. Ako na ang sumunod kay Sean… at bago ako pumasok dinaanan ko ng kurot sa taligiran.
" Aww!" lumingon siya sa akin… binelatan ko na bilang tugon.
Sa nakakagigil ang kagwapuhan ng asawa ko. Oh… Saka nagmana na ata talaga ako kay Tolits ng pagbebelat na yan.
"Ang kuko mo!"
"Oy, wala akong kuko!" pakita ko ng kamay ko… ang linis kaya.