章 323: Chapter 313 Sean loves you. Trust him
Tipong puro sibuyas ang nasa harapan ko kung bakit patuloy akong umiiyak. Ginawa ko na ngang panyo yung table Napkin… hangang sa dinalhan na ako ng tissue ni Jane. Napapasinghot na din ako… wala silang imik. Parang gusto ko na talagang utusan si Jane na ipagbalot na niya ako ng pagkain para makalayas na sa pamamahay na ito ni Sean na labis na akong nasasaktan. Hahaha, pagkain talaga yung habol… opo, pinagtatawanan ako ng sarili ko. Yan kasi… sarap magmahal ni Sean no? Sinanay masyado… at ngayon asaan ako? Luhaan? … tanga kasi.
" Hindi kaya Sena, maubos ang stock ninyong tissue ni Sean nito?" pagbibiro ni Luis na alam ko, gusto na niya ako tumigi. Kanina sabi okey lang, ngayon naman… pinipigilan ako. Ang lalabo talaga ng mga lalaki.