アプリをダウンロード
53.96% Lucky Me / Chapter 34: LUCKY THIRTY FOUR

章 34: LUCKY THIRTY FOUR

CHAPTER 34

ANDI'S POV

Sa awa ng diyos nairaos naming tatlo ang buong linggo ng mapayapa. Wala ng nakaka hassle na mga gulo o high school drama. Kaumay mga seshie wala akong maalalang kasali kami sa youth program na GLEE kaya tigilan nila kami!

And today.. THANK GOD ITS FRIDAY!

Maaga akong pumasok dahil may usapan kami ni Marlon na uunahan namin si Lucky sa tambayan. Speaking of Lucky, kagigil talaga yang baklang yan dahil inilihim niya sa amin ni Marlon ang pambu-bully sa kanya ng mga schoolmates namin dahil sa nangyaring aksidente kay Amber. Wala kaming kamalay malay ni Marlon na inaapi na pala siya ng mga Pink Rangers at mga alagad ni MJ Belmonte kapag hindi namin siya kasama o kapag nati-tiyempuhan siyang nag iisa.

Paano niya nagagawang ngumiti at tumawa kasama namin ng buong linggo kung may iniinda na pala siyang problema? Paano niya natitiis ang pang aapi sa kanya ng ilang araw ng hindi man lang nagsasabi sa amin o kahit kay Tita El? Sa ginagawa niya lalo lang tuloy akong na gi-guilty. Alam ko namang ayaw niya kaming madamay sa gulo, lalo na ako dahil alam niya na malalagot ako sa family ko kapag masangkot ako sa kahit na anong gulo dito sa academy.

As usual nauna akong dumating sa campus kaya naisip kong tawagan ang seshie kong late bloomer na nga pagdating sa kagandandahan late parin pati sa usapan, Maygad! Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Lucky sa tuwing nali-late ako ng dating. Charos!

"Seshie asan ka na? Nandito na ako sa campus." nagpalingon lingon ako sa paligid bago ko tuluyang ilapag ang bag ko sa ibabaw ng mesa.

"Dito na sa loob naglalakad na antayin mo ko ses." Malanding sagot niya. Kilala ko ang baklang yun may pagka Miss Congeniality ang peg nun at bebesohan ang lahat ng makikita o masasalubong na kakilala. Hindi nakakapagtaka ng magsabog siguro ang diyos ng kagandahan late din siya kita naman ang ebidensiya mga seshie diba?

"May dala ka ba? Bakla may usapan tayo umayos ka." may pagbabanta na ang tono ko baka nakalimutan niya yung napag usapan namin nung nakaraang gabi after namin magpunta sa bahay nila Lucky.

"Oo dala ko ses dito nakasalalay ang kaligayahan natin bakit ko naman kakalimutan?!" sigaw niya sa akin sa kabilang linya.

"Pinapaalala ko lang sayo dahil kaya ko naman kahit wala ang tulong mo!" pamukha ko sa kanya. Siya lang naman itong nagpumilit na makisali sa plano ko kaya ko naman talaga kahit wala ang tulong niya.

"Hoy, 2nd Runner Up ka lang pero ako ang parin Crowd Favorite!" nag iinasong sagot niya sa kabilang linya na ikinatikwas ng prominent kong kilay.

"Oo, ikaw ang crowd favorite sa "MISS GAY BANGUNGOT!"

'Sorry pero hindi ako magpapatalo ang ganda ko sayo seshie.'

"Sige sayo na ang korona mo, masakal ka sana ng sash pagbaba mo ng entablado!"

"Letseh ka bilisan mo bago ko ibuhiol yang bituka mo sa leeg mo ng makita mo ang hinahanap mo!" saka ko pinatay ang phone ko.

'Kaloka ayaw magpatalo pang third runner up lang naman ang beauty niya.'

Saglit lang ako nag retouch ng peslak ko sa lucky mirror ko na tinatawag ni Lucky na bagua. Ang ganda ko kaya dito feeling ko ang liit ng mukha ko. Echuserang baklang yun insecure sa ganda ko. Nagsuklay ako ng buhok at nag lip gloss.

"Hintayin niyo ang pagputi ko at kakabugin ko kayong lahat!" Sigaw ko habang nakatingin sa malawak na field habang naka taas ang salamin at suklay ko.

"Hoy, ses sinong kaaway mo diyan kaloka ka!" malakas na sigaw ni Marlon sa likod ko.

"AY BAKLANG KULAPO!" napasigaw ako sa gulat sa pagsulpot niya.

"Ay hiyang hiya naman ako sa kinis mo neng! Ano umagahan mo Likas Papaya pinapak mo?" pambabara niya.

"Ikaw naman kasi maka eksena ka nag mo-moment ako 'e." Hinampas ko siya sa braso pero naka iwas siya.

"Ganda mo rin 'e." nakangiwing sambit niya. "Taray ng cheekbones lakas maka Lovi Poe, Pak! Pangahan parang si Rhian Ramos, PAK ulit!" turo niya sa mukha ko.

"Ano ka ba maliit na bagay!" Mahinhing sagot ko at nag pout pa ako ng lips.

"Yun lang ang katawan kay Tiya Pusit. Ha ha ha!" natatawang sagot niya at hinabol ko siya ng suntok.

Naglakad na kami papunta sa Office of Studen Affairs. Pagpasuk namin sa loob kakaunti pa lang ang students na nakapila kaya mabilis kaming humanap ng mauupuan ni Marlon.

"NEXT." Parang inaantok yung boses nung nagsalita.

"Ses, Next na daw tayo na yun daliii." Excited kaming tumayo ni Marlon at lumapit sa lalaking nasa mid fifties ang edad, mkapal ang suot na salamin at mukhang pinaglihi sa poker face.

"Good morning sir. I'm Andres Bolivar Jr. Magbabayad lang ng contribution sa fieldtrip."

"YEAR AND SECTION." malamyang sagot niya. Wow. Itatanong ko din mamaya kung anong vitamins niya ang sarap niya kasing kausap punong puno ng sigla.

"4th Year – Mockingjay." sinadiya ko ng artehan ang boses ko pero hindi man lang siya nag angat ng tingin.

"THIRTY THOUSAND PESOS. DEBIT CARD.." walang kasusta-sustansiyang sagot ulet nito.

Inabot ko ang hinihingi niya at mabilis siyang nag type sa harap ng computer at nag swipe credit card terminal at walang kagana ganang iniabot ang card ko pabalik.

"NEXT." At tinawag ko si Marlon. "Tawag ka na ni C3PO ng STAR WARS." Natatawang sambit ko paglapit niya.

"Hi My name is Marlon Tri---"

"YEAR AND SECTION." biglang putol niya sa pagpapakilala ni Marlon.

"4th Year – Mockingjay." naka ngusong sagot ni bakla.

"THIRTY THOUSAND PESOS. WHERE'S YOUR DEB---" bago pa man siya matapos sa pagsasalita mabilis na inabot ni Marlon yung card sa kanya at doon lang siya nag angat ng mukha. Nakatingin siya ng derecho kay Marlon at kitang kita namin kung gaano kakapal ang magnifying glass este salamin niya sa mata na nag ZOOM IN sa mukha namin.

"NEXT." para talaga siyang robot na hindi na charge nalang ilang dekada.

"Actually sir may concern kasi kami. Kung pwede po sana kami muna yung magbabayad ng contribution ng friend namin nawala kasi yung card niya sa locker kahapon." paliwanag

"Lucky Gonzaga, 4th Year – Mockingjay." at nilapag namin yung thirty thousand cash sa table niya. Inabot niya sa amin yung Official Receipt. Nag high five kami ni Marlon.

'Wala ka ng ligtas ngayon Inday. Bayad na ang contricution mo sasama ka na lang!

*EVIL LAUGH*

"NEXT!" sinenyasan niya kami ni Marlon na umalis na sa pila.

"Kaloka yung lolo mo punong puno ng ENERGY ang sarap ka tsismisan!" komento ko at sabay kaming tumawa ng malakas ni Marlon habang papalabas ng OSA office.

"TRUTH ses siguro ipinaglihi yun kay Mr. Pure Energy hindi si Gary Valenciano." Bwelta ni baklang Marlon.

Paglabas namin ng building kinabahan ako bigla dahil sa nakita ko.

Ang Pink Rangers na pinangungunahan ni MJ. Mga anim o pito ata sila at dalawa lang kami ni Marlon so kung mag kakadaragan kami ngayon mababa ang chance namin manalo lalo't hindi namin kasama si Lucky. Napahinto si Marlon at hihilahin sana ako papunta sa ibang direksiyon ngunit huli na dahil mabilis nakalapit ang grupo nila MJ sa amin.

"Well well well. Look whose here.." mala kontrabidang bungad niya at para kaming paninda na pinagkakaguluhan at pinalibutan ng mga kasama niya.

"Its Friday MJ walang rason para hindi kami maging masaya." Pormal na sagot ko sa kanya.

"Point taken, but how i wish at mas magiging masaya pa sana kung wala na kayo dito sa campus." Naka pout ang lips niyang pulang pula. Masiyado siyang trying hard para palitan ang posisyon si Amber.

"Yun lang magtiis ka dahil hindi lahat ng wish natin natutupad." Nginitian ko lang siya at hinawakan ko sa kamay si Marlon at hinila papalayo sa kanila.

"Oops, not so fast faggots." hinarang niya kami at pwersahan akong hinila sa braso pabalik sa gitna nila nila. Pinalibutan na nila kami at base sa pagkakahawak ni Marlon ng mariin sa braso ko alam kong nanginginig na siya sa takot.

"Bitawan mo ko MJ." sambit ko at tinitigan ko siya ng seryoso. Sa totoo lang hindi naman talaga ako takot sa grupo nila. Umiiwas lang ako sa gulo dahil malalagot ako sa parents ko. And besides hindi ako fan ng mga ganitong klaseng high school drama unless isa ka sa napapanuod kong nakakakilig at kaabang abang na teleserye.

Mula ng makilala ko si Lucky at nakita ko kung paano niya sindakin ang mga alagad ni Amber o si MJ nabuhayan ako ng loob. At sa naobserbahan ko matapang lang naman sila sa tuwing marami sila. Bakit mas malaki ako sa kanila kung katawan ang pag uusapan kaya ko silang ihagis pa isa isa sa field kung gugustuhin ko.

"E paano kung ayoko?" lalo niyang diniinan ang paghawak sa braso ko at naramdaman ko ang pagbaon ng matulis niyang kuko sa balat ko. Kung ako lang ang masusunod kanina pa gumulong papalayo ang ulo niya.

'Sige lang pagbibigyan kita dahil marami kang kasama.'

"Nasaan nga pala yung hambog na baklang kaibigan niyo? Paki sabi sa kanya hindi matatapos ang quarter na 'to mapapatalsik ko na siya dito sa campus." at pahagis na binitawan ang braso ko. Kahit maitim ako namula yung balat ko sa ginawa niya. Wow, dahil sa ginawa niya nalaman kung tumatalab na ang paggu-Glutha ko. YES!!

"Puro ka banta MJ, bakit hindi mo i-record yang boses mo ang sagwa pakinggan promise." Sarkastikong sagot ko. Ang lakas ng loob ko diba? Siyempre ngayon pa ba na tumatalab na yung mamahaling Glutha ko.

"Ses, huwag ka ng sumagot parang awa muna.." mahinang bulong sa akin ni Marlon sa likod.

"Oh, hindi ko alam na nahawa ka na sa kayabangan ng kaibigan mong si Lucky Gonzaga." Hinawakan ako sa mag kabilang braso ng dalawang babaeng member din ng cheering squad.

"Obkors!" very proud na sagot ko. "Ang balita ko nakakahawa din ang ganda niya. Inside and out. Dikit ka karin kay Lucky baka sakaling mahawa ka." pabirong sagot ko pero sinadaya ko talagang ang dating nakakainsulto.

"EWW! I'm far more beautiful than your faggot friend or you baklang negra! Ang sakit sakit niyo kaya sa mata." at hinawi ang buhok sa balikat.

"Matuto kang pumikit MJ, kung naiinggit ka sa itchura ko. Lait ka ng lait pero mas masahol ka pa sa PANGET!" nagulat ako dahil isang iglap sinalo ng malapad na pisngi ko ang palad niya.

Natigalgal ako sa gulat nung una.. masakit siya infairness. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nasampal kahit ganito ang itsura ko. Never kaming pinagbuhatan ng kamay ng parents ko. Sa mga teleserye ko lang 'to napapanuod at hindi ko inaasahang makakatikim ako ng sampal dito pa sa negrang 'to. Keri lang. Dagdag experience din 'to sa makulay na buhay ko.

Hindi ako nagpakita ng kahit katiting na takot. Ang totoo niyan ako pa ang natakot para sa kanya. Baka siya pa ang nasaktan ko sa ginawa niyang pananampal. HELLO! Hindi naman sa panlalait sa sarili pero itong mukhang 'to walang mawawala kahit ilang beses nila akong sampalin ni Amber at MJ. Sila ang kabahan dahil parang sumampal sila sa cactus o sa pader sa aligasgas ng peslak ko. Char!

Halos hindi ko na marinig ang malakas na tawa ng mga kasama niya dahil sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Kating kati talaga akong gumanti iniisip ko lang si Marlon na nasa likod ko. MJ looks so contented and very proud. Ikinaganda o ikinaputi niya ba ang pagharang sa amin ni Marlon at pananampal sa akin? Hindi ko ma gets kong saan niya hinuhugot ang galit niya sa grupo namin. At ngayon taas noo pa siyang nakaharap sa akin habang pinupunasan ng light pink na panyo ang palad niya.

"Ew! You're face is so oily." nandidiring sambit niya. "Sa susunod higit pa riyan ang aabutin niyong magkakaibigan sa akin kapag hindi pa kayo umalis ng academy!" nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

"Ano bang problema mo? Inaano ka ba namin?" halos pumiyok na ang boses ko dala ng inis. Hanggang ngayon palaisipan parin talaga sa akin kung bakit ang laki laki ng galit niya. Wala akong maalalang may nagawa kaming kasalanan sa kanya. Well, except siguro dun sa mas maganda kami ng isang libong beses kesa sa kanya.

"IIYAK NA YAN!"

"IIYAK NA YAN!"

"IIYAK NA YAN!"

"IIYAK NA YAN!"

"IIYAK NA YAN!"

Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan niyang nakapalibot sa amin.

"Anong problema ko?" maangas na sagot niya at humakbang papalapit. "Yang panget na pagmumukha mo!" napapikit ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Gahhd! Tumalsik sa mukha ko ang laway niya. "I hate you seing you and your faggot friend Lucky Gonzaga!" singhal niya bago tumuwid ng tayo. Ang sarap punuin ng pulang sili ang bibig niya sa sobrang pabibo niya.

"If you hate us.. hate us alone MJ." matapang na sagot ko sa kabila ng panginginig ng tuhod ko. Ganun talaga ang bida mga seshie nagpapaapi muna at bumibitaw ng pang kabog na linya. "Hindi mo kailangang magrecruit ng ibang tao para samahan ka diyan sa mga kabaliwan mo."

"Sino na namang nagsabing kabaliwan 'to? The more the merrier nga diba?" sabay tawa niya at nagtawanan silang lahat.

"Ahh.. so anong tawag mo diyan networking?" pabalang na sagot ko at kami naman ni Marlon ang natawa. Nyeta, nahahawa na ako sa pagiging pilosopo ni Lucky. Nanlilisik ang matang humakbang siya papalapit kaya napaatras ako. Be ready. Bulong ng isip ko.

"Hindi ito---"

Napapikit lang ako pero hindi ako umiwas. Siguraduhin lang niyang ito-todo niya ang pangalawang sampal na yan. Ma-kick out na ang maki-kick out antayin niyang tumama 'tong palad ko diyan sa mukha niya sisiguraduhin kong iikot yang lamog na ulo niya ng counter clockwise diyan sa leeg niyang malibag.

Ilang segundo na ang nakalipas pero walang palad na dumapo sa mukha ko. Sa lapad nitong mukhang 'to imposible namang hindi niya ako tamaan ng derecho. O tumama na at hindi ko na naramdaman sa kamanhiran?

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at para akong nasilaw sa matinding sikat ng araw. Nagliliwanag sa tabi ko ang napakagwapong mukha ng ultimate crush ko.

"K-Kenneth." hindi makapaniwalang sambit ni MJ. Bigla ring sumulpot kung saan si Wesley at hinila kami ni Marlon papunta sa likod niya at saka lang ako nakahinga ng sobrang luwag.

"What do you think you're doing MJ?" walang emosiyong tanong ni Kenneth bago niya bitawan ang braso ni MJ. Kenneth my hero. Pakiramdam ko isa akong prinsesa na iniligtas ng knight and shing armour ko.

"K-Kenneth, siya yung nauna sasampalin sana niya ako kanina kaya lang napigilan ng mga kaibigan ko.." naiiyak na sagot niya kay Kenneth. Wow! Napailing ako sa gigil sa sobrang husay niyang manahi ng kwento.

"Psh! Cut that crap MJ." sarkastikong sagot ni Wesley. "We've been watching you from a while now when you block my friends when they came outside of that building." habang nakaturo sa OSA Office building. Kanina pa nila kaming pinapanuod? Maygad! So ibig sabihin nakita nilang mag pinsan na nasampal ako kanina? Kainis kung alam ko lang sana ginalingan ko na pala ang acting ko yung pang award winning.

"So mas naniniwala kayo sa kanila kesa sa aming mga kaibigan ng ex girlfriend mo?" sigaw ni MJ habang umiiyak. Galing talagang umarte nampota!

"Leave them alone MJ." walang emosiyong sagot niya kay MJ. Nilapitan siya ng ibang Pink Rangers at hinihila siya papalayo pero nagpumiglas siya at lumapit sa harap namin ni Marlon. Alam kong naiipit siya ngayon sa gitna. Kaming kaibigan ng pinsan niya laban sa mga kaibigan ng ex girlfriend niya.

"Hindi pa tayo tapos mga bakla, may araw din kayo sakin!" Sigaw niya sa mukha ko at sabay kaming umilag ni Marlon.

"Yuck MJ, TALSIK MO LUMALAWAY!" At narinig kong tumawa si Wesley kay lalong lumakas ang loob ko. HIndi ko na talaga alam kung saang kamay ng diyos ko pa kukunin ang pang unawa para sa baliw na babaeng 'to. Umalis silang lahat na mukhang mga talunan.

"Lets ago Andi." para akong nakuryente ng hawakan ako ni Kenneth sa bandang siko.

"Thank you Kenneth, kung hindi mo nasalo yung braso nun malamang maga ngayon ang mukha ko." hindi ko mapigilan ang sarili kong magpasweet sa harap ni Kenneth. Maygad! Si Kenneth James Ang 'to mga seshie gabi gabing laman ng panaginip ko!

"I'm sorry Andi kung nahuli kami ng dating at pag awat sa inyo kanina." nangangamot sa batok na paumanhin ni Wesley. "Ito kasing si Kenneth 'e." inambaan niya ng suntok ang pinsan.

"B-Bakit anong kasalanan ni Kenneth." ani ni Marlon na mukhang na bato balani sa kagwapuhan ng ultimate crush niya.

"Subukan mo." pinandilatan ni Kenneth si Wesley at parang mawawarak ang panty ko sa kilig sa kakyutan niya. "Ano kasi.. ang sabi ko kasi kay Wesley kanina makinig muna kami sa magiging usapan niyo bago kami pumasok sa eksena." paliwanag niya na hindi ko naman masiyadong inintindi. Basta ang alam ko kinikilig ako dun sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin kanina.

"Keri lang yun Papa Kenneth dati na namang namamaga ang mukha ni Andi, diba ses?" sabat ulet ni Marlon habang hinihimas ang makinis na braso ni Kenneth.

Sa gigil ko hinawi ko na parang kurtina ang mukha ni Marlon na malapit ng sumandal sa braso ng ultimate crush ko. Ang sarap pigain ng kaliwang betlog niya, inunahan pa ako nandiyan naman ang ultimate crush niyang si Wesley Ongpauco.

"Yan! Para paraan ka din!" singhal ko at biglang natawa yung mag pinsan sa pagiging bayolente ko.

"Ano na naman bang problema ni MJ?" kunot noong tanong ni Kenneth habang sabay sabay na kaming naglalakad pabalik sa tambayan namin na malapit sa field.

"Ewan ko sa mga yun, ayaw ng nakakakita ng masasayang tao sa campus." Imbyernang sagot ko.

"Tama, nakita lang nila kaming nagtatawanan palabas ng OSA ayon nag beastmode na si Lucrecia Kasilag. Pasalamat sila wala dito si Lucky kundi self service na sampal na naman ang aabutin niya." pareho kaming tumawa ni Marlon sa napakagandang alaala. Parang choreo sa sayaw na sabay na nangunot ang makikinis na noo ng mag pinsan.

"What do you mean by that?" nalilitong tanong ni Kenneth. Mukhang hindi na nagets yung sinabi ni Marlon kaya wala akong nagawa kundi ikwento sa kanila ang huling engkwentro namin sa kanila sa tambayan nung isang linggo.

"Did Lucky really did that? Wow! That's so cool! Hahaha!" Malakas na tawa ni Wesley. Wala namang nagbago sa itsura ni Kenneth seryoso pa din pero saksakan ng cute.

'My Hero. KYAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!'

"Sabi kasi ni Lucky napapagod na siyang intindihin ang mga taong mahirap makaintindi." Saad ni Marlon. "Kaya yun dinaan niya sa dahas sana umabot yung mensahe niya sa kukudlit na utak ng baliw na yun."

"Guys kung pwede lang huwag niyo na sanang banggitin kay Lucky yung eksena kanina, alam niyo na baka madagdagan na naman yung gulo sa pagitan nila. Hindi pa nga tapos yung kaso kay Amber tapos may dumagdag pang isa." Pakiusap ko sa magpinsan at sumangayon naman sila.

"Nabalitaan namin yung ginawa mo Wesley sa GO office kaya very thankful kami sayo.. sa inyong magpinsan actually." ang sarap hilahin paitaas ng tenga ni Marlon ng ipitin niya ang kakapiranggot na patilya sa gilid ng tenga niya dala ng hiya.

Palibhasa hindi siya sanay na napapalibutan ng mga gwapo. Ako sanay na sanay na ang kaso kadalasan nauutot talaga ako sa kabusugan ng mata ko. Ha ha ha!

"Happy to help and besides nag promise ako kay Lucky na tutulong ako sa abot ng makakaya ko." sagot ni Wesley at ngumiti ng sobrang gwapo.

'Ngayon parang alam ko na kung bakit selos na selos ang Jasper Teng sa isang 'to.'

Nakaupo na kami sa tambayan namin at nagkukwentuhan habang inaantay ang kagandahang si Lucky. Kanina pa ako na nanalangin na sana huwag niyang masalubong papunta rito ang grupo ng mga baliw na yun. Jusme!

"Nasaan na pala si L-Lucky?" bigla kaming napalingon kay Kenneth. Madalas si Wesley kasi ang unang naghahanap kay Lucky hindi siya.

"LUCKY GONZAGA PRESENT!" Biglang sulpot ni Lucky galing sa likod habang naka peace sign. Napansin ko ang mabilis na umiwas ng tingin si Kenneth kay Lucky. As usual si Wesley mabilis na lumapit kay Lucky.

"Good Morning Lucky!" masayang bati niya at ngiting ngiti ang lolo mo habang pinisil pisil ang pisngi ng kaibigan ko.

'Confirmed!'

"Tss, kahit kelan OA." dinig kong bulong ni Kenneth sa tabi ko pero hindi na ako nagpahalata.

OA ba? Ang sweet nga e. Matagal ko ng napapansin ang ganyang mga galawang sweetness ni Wesley kay Lucky. May gusto ba siya kay Lucky? Kasi kapag kasama namin siya panay ang pa cute niya. Imposible namang hindi 'to napapansin ni Lucky? Kasi kahit si Kenneth nga sa tingin ko may napapansin sa pinsan niya. Aalamin ko talaga ito soon I promise!

"Oh bakit hindi ko alam na maaga pala ang "Meeting de Avance." At tiningnan niya kami isa isa na parang natatawa kaso huminto ang mata niya sa braso ko. "Ano yan Andres bakit may kalmot ka?" nawala yung ngiti at napalitan ng seryosong awra. Hinawakan niya ang braso ko at sinuri ng malapitan. Kinabahan tuloy ako bigla.

"S-Ses nakalmot ko si Andi kanina naghaharutan kasi kami alam muna laitan galore." palusot ni Marlon at sabay tumawa na parang baliw.

"Ayan na nga ba sinasabi ko sa inyo, maglalaitan kayo tapos magsasakitan kayo." At mabilis niyang binitawan ang braso ko.

'Thank you Papa G. Hindi niya na halata.'

"Ano ka ba seshie hindi naman masakit jusko at hindi ang kagaya ni Marlon ang makakapanakit sakin, MAYGAD!" napansin kong tahimik at nakikinig lang yung mag pinsan at nakikitawa.

Pasimple ko silang tinitigan ng makahulugan at halos sabay din silang pa simple tumango.

'Huwag kayong magkakamaling magsalita gagahasain ko kayo!'

"Akala ko may nang away sayo 'e." sabay sabay kaming napatingin sa likod niya ng humarap siya sa field. "Malas niya lang dahil mainit ang ulo ko ngayon. Kulang ako sa tulog at hindi pa ako kumakain!" seryosong dugtong niya pa habang pinapatunog pa isa isa ang mga daliri.

Nagkatinginan kaming apat sa sinabi niya at mablis na lumapit si Wesley kay Lucky.

"Nako hindi padin ako kumakain Lucky. Tara sa canteen kain tayo susubuan pa kita!" at mabilis niyang inakbayan si Lucky. Nagtayuan narin kami nila Kenneth at Marlon sa kinauupuan namin.

"YEHEY, KAKAIN NA NAMAN TAYO!" malakas na sigaw ko at lahat sila napatigil sa ginagawa nila at tinitigan ako.

"Oh oww, we're in trouble.." Parang na shock si Kenneth sa sinabi ko at dahan dahang kinapa ang panyo sa bulsa ng pants niya.

"Ay DIET pala ako. Baka mag coffee lang ako ngayon." Biglang bawi ko sa sinabi ko kanina.

"BWAAHHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAH!!

Malakas na tawanan nilang apat kaya napanguso ako.

"Yan diyan kayo magaling ang pagtawanan ang hobby ko!" Sigaw ko sa kanilang apat dahil hindi pa din sila natitigil sa kakatawa.

"Sige sumama ka pero ipangako mong hindi ka kakaen ng sinumpang prutas!" sigaw ni Lucky na pinipigilang huwag tumawa.

"May gas mask ako sa locker kukunin ko lang saglit." sabat ni Wesley at sa gigil ko mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila kaso sa bigat ng katawan ko naunahan nila akong apat na tumakbo.

"MAY ARAW DIN KAYO SAKIN!" Lintik na mga to walang paki sama kasalanan ko bang matae ako kapag kasama ko ang magpinsang yan!

KENNETH'S POV

After ng basketball pratice mabilis akong naligo dahil may usapan kami ni Fred na ka team ko na pumunta ng Mall para bumili ng bagong rubber shoes. Nilapitan ako ni Coach Reyes sa locker area habang nag bibihis ako.

"Kenneth huwag kang mawawala nextweek sa practice darating ang mga bisita natin galing sa ibang school para manuod ng regular practice niyo."

"Yes Coach i'll be there i promise." ngumiti lang ito bilang tugon bago lumabas at iniwan kami sa locker area. Nakaramdam ako ng kakaibang excitement sa balita ni coach. Matagal na naming inaabangan ang pagbisita ng iba't ibang coaches ng mga sikat na universities na nag scout ng mga magagaling na basketball players sa iba't ibang school sa bansa.

"Kenneth are you ready? Grabe ang tagal mo palang maligo dinaig mo pa yung girlfriend ko bro." Nakangiting biro niya sakin habang dinadampot ko ang bag ko sa bench.

"Tss! Asa ka!" inambaan ko siya ng suntok. "Tara na kailangan ko din umuwi ng maaga dumating yung erpats ko may family dinner kami mamaya sa bahay." At nauna akong maglakad papalabas ng locker room at sumunod na siya sa akin.

"Sige kita nalang tayo sa Edsa Shangrila Mall." paalam niya pagdating namin ng parking lot. Usapan na naming mag convoy nalang dahil may kanya kanya naman kaming sasakyan.

napislot ako sa gulat ng mag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya madaling isinuot ang earphone ko at dinukot ang phone ko sa bulsa.

**WESLEY O. CALLING***

"Hey, what's up?" Sagot ko habang nag mamaneho.

"Mom called.. may dinner daw sa bahay niyo tonight?"

"Oo badtrip nga maaga ako pinapauwi ni Grandma." inis na sagot ko.

"Eh ba't badtrip ka? Ikaw, minsan na nga lang umuwi si Tito Basti dapat nga happy ka."

"Yun nga minsan lang siya umuwi, it means minsan lang siya makaalaala na may dalawang anak siyang nag aantay palagi sa pag uwi niya." mapait na sagot ko. Its been a while now mula ng umuwe si daddy dito sa Pilipinas. Kung hindi pa maglalambing si Grandma noon 3 or 4 years ago hindi pa siya uuwe para pagbigyan ang kahilingan ni grandma.

"Bro, busy lang si Tito Basti ganyan din naman madalas si Daddy palagi kaming naiiwan ni Mommy sa bahay." pilit na paliwanag niya. Oo naiintindihan ko naman ang sinasabi niya dahil madalas ding nasa labas ng bansa si Tito Ric sa pag aasikaso ng mga business nila. Pero atleast sila inuuwian kami ni Ate Joi minsan lang at mukhang napipilitan pa.

"Psh! Palibhasa paborito ka ni daddy kaya ipinagtatanggol mo siya." natatawang sagot ko sa kanya.

"Yan na naman tayo 'e alam mo namang natutuwa lang si Tito Basti sa kakulitan ko kahit noon pa diba?" kahit di ko nakikita alam kong naka nguso na naman si Wesley. Palibhasa isip bata kaya paboriton gpaborito siya ni daddy.

"Sige na may lakad ako nasa bahay na ako before mag start yung dinner." putol ko sa usapan namin.

"Don't tell me may ka date ka?" Hindi agad ako nakasagot sa tono niya alam kung hinuhuli niya lang ako. "Wala si Kenneth may date pa! Ha ha ha!" at tumawa siya ng malakas sa kabilang linya.

"Baliw si Fred ang kasama ko bibili kami ng bagong rubber shoes sa mall." iritabling paliwanag ko.

"What ever Kenneth James Ang! Enjoy your date. He he he!" at nawala na siya sa kabilang line. Kahit kelan hindi din makausap ng matino 'tong si Wesley parang si Lucky lang kapag kausap ko. Napahinto ako bigla sa pag da-drive dahil sa naisip ko. Oh paano naman pumasok si Lucky sa usapan? Ay Kenneth ano bang iniisip mo. At bigla may bumusina sa likod ko at mabilis ulit akong nag drive.

'GRRRRRRRRRRRR!'

Pagdating sa Edsa Shangrila nagkita kami sa parking area ni Fred at sabay na kaming pumasok sa loob ng mall. Wala pang 15 minutes nahanap na namin yung store ng paborito naming brand ng sapatos.

"Ayos to bro naka tig tatlong shoes tayo pareho ha ha ha!" ani ni Fred na parang batang excited bitbit ang tatlong paper bag ng pinamili namin. Nag ikot ikot muna kami baka sakaling maghanap pa ng ibang mabibili.

"Thanks bro, buti nalang ni-remind mo ko dahil hindi na ako komportable sa ginagamit kong rubber shoes hindi kasi yun yung gusto kong style." wika ko at nag fist bomb kami sa tuwa sa mga napamili namin.

"Oh paano Kenneth mauna na ako, dadaanan ko pa kasi yung girlfriend ko sa school nila. Alam muna baka awayin ako kapag ma late na naman ako ng sundo." napapakamot sa ulong paalam niya.

"Sure. Ingat ka sa pagda drive." tinapik ko siya sa balikat.

"Ikaw wala ka bang susunduin o wala bang nag aantay sayong chicks bago ka umuwe?" nang aasar pang tugon niya.

"Baliw! Hindi ako si Brian o Steffano!" napapailing na sagot ko. Yan ang hirap kapag napapasama ka sa mga babaero napagkakamalan karin. Tch!

Naisip ko munang mag lakad lakad sa loob ng mall habang naghahanap ng pwede kong matambayan. Ang totoo tinatamad pa akong umuwi sa bahay. Nakita ko yung paboritong bake shop ni Grandma na madalas naming kainan ng masarap na desserts after sunday mass.

"Okay, mag ti-take na lang ako ng paboritong cake ni Grandma." bulong ko sa sarili ko habang nakayuko at kinakapa ang cellphone ko sa bulsa. Pagtulak ko ng pinto nabangga ako ng isang babaeng nakasalubong ko at sabay kaming napahinto.

"I'm sorry, my mistake hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko." malambing ang boses na paumanhin niya kaya napangiti nalang ako.

"No worries Ma'am, its also my fault hindi ko po napansing palabas din kayo." Tinitigan ko siya at sa edad niya mababakas mong maganda at mukhang edukada. Simple manamit pero alam mong may pinag aralan at napaka sweet ng boses at maging ang simpleng dating niya. I think nasa mid forties pa lang siya.

"Sorry to keep you waiting ang haba kasi ng pila sa counter." Bigla nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan hanggang batok dahil sa pamilyar na boses na narinig ko at saka ako nag angat ng tingin.

"S-Son?" Pareho kaming nagulat ni Daddy ng makita namin ang isa't isa.

"D-Dad.." pabulong na tugon ko dahil nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa siko ng babaeng nakabangga ko kanina at sa kabilang kamay may isang box ng cake na paborito ni Grandma.

"What are you doing here?" casual na tanong ni Daddy. Nagngitngit ang kalooban ko dahil parang wala lang sa kanya na nahuli siya ng anak niya na may ibang babaeng kasama.

"N-Nothing i have to go Dad.." paalam ko at mabilis ko silang tinalikuran kahit magmukha akong bastos sa harap nila. Ngunit mabilis akong nahawakan ni Daddy sa braso.

"Son i can explain its not what you think it is. This is---"

"Dad please stop." Pinutol ko na kung ano man ang gusto niyang sabihin. Wala akong pakialam sa kung anumang sasabihin niya.

"Please listen to me for a second.." giit niya pa pero umiling ilingna ako bilang pagtanggi.

"You don't have to explain. Please let me go, i have a family dinner to attend to.." sinadya kong bigyang diin yung word na "Family" sa harap nilang dalawa. At saka lang niya ako binitawan. Ang sama sama ng loob ko sa nakita ko after a very long period of time na hindi siya nagpapakita sa bahay? Tapos ngayon makikita ko lang siya sa Mall na may kasamang iba? WTF?! "I have to go enjoy your night." baling ko sa babaeng kasama niya at doon ko lang napagtanto na parang familiar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Sa sobrang badtrip ko naisip ko nalang na mag drive pauwi. Paglagpas ko ng Carlisle Academy may nadaanan akong supermarket sa highway kaya naisip kong dumaan muna. Naalala kong ubos na pala ang stock ko ng falovored beer sa ref ko sa room. Ngayong gabi kailangan kong uminum para makatulog ako. Ayokong mag isip sa nakita ko the whole night.

Hindi mawala sa isip ko at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. I never expected to see my dad with other woman. Nagpa flashback ang masasakit na salitang binabanggit niya sa tuwing lasing na lasing siya nung bata pa ako. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng mommy ko. Kesyo raw sa katigasan ng ulo ng mommy ko at ipinagpilitin niya paring ituloy ang pagbubuntis niya sa kabila ng kalagayan niya.

Hindi ko yun sinabi kahit kanino. Inilihim ko yun kay Ate at kahit sa grandparents ko. Ayokong malaman ang totoo dahil masasaktan ako. Minsan sinisisi ko na rin ang sarili ko dahil kung hindi sana ako ipinanganak sana buhay pa si mommy at masaya sana si daddy.

"I wished i never been born in this family." Mahinang bulong ko sa sarili ko pagkababa ko ng kotse.

Pumasok na ako sa loob ng supermarket. Kumuha ako ng maliit na basket at agad kong hinanap ang liquor section. Sa tangkad at laki ko hindi naman siguro ako pagkakamalang minor and besides 18 years old na ako this coming October.

Dumaan ako sa chocolate section mas trip ko kasing sabayan ng sweets kapag umiinum ako ng beer. Naghanap din ako ng junk food dahil naubos na din ang stocks ko sa cabinet.

"What else do i need?" Nagpalingon lingon pa ako para makahanap ng iba pang mabibili at hindi sinasadiyang napadaan ako sa noodles section mahilig kasi si Wesley sa spicy korean noodles.

Habang namimili ako nakita ko sa peripheral vision ko ang isang push cart n aitinutulak ng dalawang batang tuwang tuwang naglalaro habang tulak tulak ang push cart. Ganyan kami ni Wesley noon kapag sinasama kami ni Grandma sa supermarket. Pero iba ang mga batang 'to, wala silang control sa bilis ng takbo ng push cart at kung hindi ako iiwas mababangga ako.

Mabilis akong umiwas pero ang pagkakamali ko siniksik ko ang sarili ko sa estante ng mga noodles kaya naitulak ko ito ng hindi sinasadya at muntik na itong matumba buti nahawakan ko agad.

"ARRRAAAAAYYYYY!" Malakas na sigaw ng kung sino mang tinamaan sa kabilang side ng estante. Napakagat ako ng mariin sa lower lips ko sa sobrang guilty.

Mabilis akong umikot sa kabila bitbit ang basket ko at laking gulat ko sa nakita.

"Uuwi nalang puro pa kamalasan aabutin ko dito." Bulong niya habang dinadampot ang mga nalaglag na noodles sa sahig.

"L-Lucky?" hindi ko alam kung matatawa ako matapos kong bigkasin ang pangalan niya.

"Oh?" nag uuntugan ang kilat at nakangusong sagot niya.

"L-Lucky are you okay? Oh God i'm so sorry.. " lumapit ako at tinulungan ko siyang damputin ang mg analaglag na instant noodles sa sahig.

'I'm sure katakot takot na pagbubunganga na naman to!'

"Don't tell me ikaw ang tumulak sa estante?!" singhal niya paglapit ko. Palagi nalang siyang galit.

"May mga bata kasing naglalaro ng push cart at tumatakbo iniwasan ko lang kaya nasisik ako sa estatnte." Tinitigan lang niya ako bago napabuntong hininga ng malalim. "I'm sorry i didn't mean to do that.."

"Lucky Me!" itinaas niya ang dalawang Lucky Me Nodles sa ere at gusto kong tumawa sa naging sagot niya.

"Lucky Gonzaga ang magnet ng kamalasan." Bulong ko malapit sa tenga niya na ikinagulat niya at hinampas ako sa braso.

"I told you.." aniya bago damputin ang pulang basket sa paanan niya.

"T-Told me what?" nalilitong tanong ko sa kanya at huminto siya sa harap ko.

"Na ikaw Kenneth James Ang ang nagdadala ng malas sa buhay ko.." dinutdot niya ng hintuturo ang dibdib ko. Ngayon ko lang narinig na banggitin niya ang buong pangalan ko at aaminin kong kakaiba ang dating nun sa pandinig ko.

"Tss, ako pa talaga ang malas sa buhay mo."

"Oo diba sinabi ko naman sayo noon kapag nandiyan ka sa paligid ko mamalasin ako." kompyansang sagot niya at muling naglakad.

"May balat ka kasi sa pwet kaya ang malas malas mo!" ganting sagot ko sa likod niya. Unbelievable! Me? Si Kenneth James Ang na tinitilian ng mga maraming babae sa Carlisle Academy isang malas? Malaking kahangalan yun!

Huminto siya sa paglalakad at bahagyang humarap sa akin. "May balat ba ako sa pwet?" nanlaki ang mata ko ng bahagya niyang hilahin pababa ang suot niyang black skinny jeans at sinilip ang likuran niya. Tumambad ang makinis at maputing niyang balat. Napalunok ako ng ilang ulet habang pinagmamasdan ko ang ginagawa niya.

'WTF?!'

"Are you insane?" pinagpawisan ako ng malamig ng makita ko ang light blue undies niya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malutong natawa niya habang nakaturo sa mukha ko. Tangena. Huli ko ng nalamang pinagti-tripan niya lang pala ako. Hindi na ako nadala. Sigh.

"L-LUCKY!!" literal na umuusok ang ilong at tenga ko sa inis. Mabilis siyang tumakbo papalayo habang tumatawa bitbit ang basket niya. Wala akong nagawa kundi sumunod. Gusto ko siyang durugin sa mga palad ko sa gigil.

Bakit naman sa dinami dami ng taong pwede kong makita ngayon bakit siya pa ang natiyempuhan ko? Padabog akong naglakad at sumunod sa kanya. Nakita ko siyang nakayuko habang dumadampot ng tatlong plastic ng Frutos na candy. Kinawayan niya ako ng mapansin niyang nasa dulo ako ng hallway. Nagtata-talon pa siya na parang bata ng makitang papalapit ako. Sigh. Bagay na bagay talaga sila ng pinsan ko.

"Umayos ka nga para kang bata." masungit na saway ko at nakasimangot siyang napatitig sa akin.

"Bakit bata pa naman ako ah?"

"Oo isip bata!"

"Sorry po Lolo Kenneth." sarkastikong sagot niya.

"Bakit ka nag iisa ngayon nasaan ang mga kasama mo?" pagiiba ko ng usapan napansin ko kasing hindi niya kasama yung dalawang kaibigan niya. Magkasabay naming binaybay ang direksiyon papunta sa counter.

"Umuwi na sila dumaan lang ako dito naubusan na kasi ng cat food si Muning ko." Nakangusong sagot niya at dun ko lang nakita sa basket na bitbit niya ang mga cat food, junk foods at Lucky Me noodles.

"Ahh yung pusang kalye na niligtas mo sa parking lot sa Carlisle?" natawa ako ng bahagya dahil sa mga nalala kong eksena namin kasama ng pusang yun. Napapangiti ako madalas sa tuwing nakakakita ako ng pusa at si Lucky ang unang pumapasok sa utak ko.

"Excuse me pero hindi siya ordinaryong pusang kalye. Mukha na siyang tigre ngayon!" mayabang na sagot niya.

"I see." tango ko. "Ako na magbabayad ng pinamili mo makabawi man lang ako sa nangyari sayo kanina." Lakas loob na alok ko sa kanya.

"Huwag na may budget pa naman ko." Nakangiting tanggi niya at dinukot ang wallet sa bulsa.

'Doraemon Wallet? Ha ha ha!'

"Ako na Lucky." At inagaw ko ang dala niya.

"Okay lang Kenneth ako na.." Naghilahan kami ng basket habang nakapila.

"Ako na kasi." giit ko pa.

"Next po." sabay kaming napalingon sa cashier at nakahawak parin kami sa basket niya.

"Ako na Kenneth, okay lang promise." aniya sa mahinahong tono. Napilitan akong bitawan ang basket niya. Nakakainis minsan na nga lang ako magmagandang loob palpak pa. Ang totoo naiinis ako dahil hindi ako masunod sa gusto ko.

Matagal ko ng napapansin kay Lucky ang pagiging boyish niya. Kabaliktaran siya ng dalawang kaibigan niya na puro make up, mahinhin at may konting arte kapag nagsasalita. Simple at may pagka weird ang pananamit at style niya, palaging messy looking but very cute kasi nadadala niya ng maayos ang sarili niya. Maangas ang dating niya parang palaging makikipag away. Matigas ang ulo yung tipong hindi mo ma mamanduhan o mako-kontrol.

After naming magbayad sa counter sabay kaming lumabas ng supermarket. May natanaw akong coffee shop malapit sa parking lot.

"So.." paulit ulit niyang kinakagat ang labi niya pagharap. "I guess.. see you tomorrow?" natatawang sabi niya. Naiinis ako sa tuwing napapangiti siya ng ganyan pakiramdam ko may gagawin na naman siyang kalokohan. "Hoy! Natulala kana diyan." tinapik niya ako sa binti gamit ang bag ng hawak niya.

"H-How about coffee siguro naman hindi mo na ako matatanggihan.. My treat?" nag aalangang aya ko. Sobrang awkward pakiramdam ko ipinagpipilitan ko ang sarili ko ngayon sa harap niya para sumama sa akin. Ang weird pero hindi ko din maintindihan ang sarili ko ngayon. Gusto ko lang siguro ng makaka usap dahil tinatamad pa akong umuwi sa bahay dahil maba-badtrip lang ako sa dad ko.

"Coffee.." napakamot sa ulong sagot niya. "Sige pero KKB tayo. Baka isipin mo wala akong pera." yan na naman yung ngiti niyang nakakaloko. Ano yung KKB? Bago pa ako makasagot nauna na siyang naglakad papunta sa coffee shop na nakita ko.

"Tingnan mo 'to nagmamagandang loob na nga yung tao iniwan pa ako!" tiim bagang na humabol ko sa kanya. Sa coffee shop nakita ko siyang nakapila sa counter habang nakatingala sa menu at namimili na ng order.

"Frappuccino with Cream Cheese Mousse and one slice of Banoffee pie please." At inabot ang 1000 peso bill sa cashier at umalis sa pila at tinabihan ako.

"Bilisan mo order ka na nagugutom na ako." tumambad sa harap ko ang tiyan niya na paulit ulit niyang hinihimas dahilan para umangat ang t-shirt niya. Kahit kailan talaga walang pakialam sa paligid niya.

"Ayos ka ah.. iniwan mo ko sa labas tapos ngayon mamadaliin mo ko." Saka ako umusad sa counter.

"Nye nye nye nye nye.." dinig kong panggagaya niya pagtalikod ko.

"Caramel Frappuccino and a slice of Chocolate Banana Cream Cake please." Nginitian ako ng babaeng cashier at medyo nailang ako kaya gumanti na lang din ako ng ngiti.

Naunang dumating ang order ni Lucky at mabilis niya itong kinuha sa counter.

"Tss! Nag papa cute pa.. sunod ka nalang sa labas dun ako maghahanap ng table." at walang paalam na iniwan ako sa pila. Sinundan ko siya ng masamang tingin. Kahit kailan talaga napakawalang kwentang kasama.

"Here's your order sir." Nilapag ng cashier yung order ko at mabilis kong binuhat ang tray at mabilis na sumunod kay Lucky sa labas.

"Ikaw kahit kailan wala ka lagi sa hulog." Sinadya kong ilapag ng padabog yun tray na dala ko at nakita kong nagulat siya sa inasta ko.

"Bakit may problema ba?" painosenteng tanong niya habang kumakaen ng cake na order niya. Pati sa pagkain wala ring manners, may maisubo lang wala ng pakialam kong may kalat ba siya sa bibig o wala.

"Wala naman pero kanina mo pa ako pinapahiya 'e." Matalim na tingin ko sa kanya at napanganga siya ng bahagya at nakita ko yung cake sa loob ng bibig niya habang dahan dahang ngumunguya. Hayst. Inabutan ko siya ng tissue at sinenyasang magpunas muna ng bibig.

"P-Pinahiya kita kailan?" at halos maubo na siya sa dami ng laman ng bibig niya at mabilis niyang tinungga ang drink niya.

"Oo Lucky Gonzaga kanina pa." gigil na sagot ko. "Una tinanggihan mo ang alok kong bayaran ko yung pinamili mo sa supermarket. Pangalawa, tinanggihan mo ulet ako ilibre ka ng coffee.. AT PANGATLO!" tinulak ko ng mahina ang noo niya gamit ang daliri ko. "Pangatlo, iniwan mo ko sa labas ng supermarket at nauna ka sa coffee shop tapos mamadaliin mo ko?! Now tell me Lucky kung nasa hulog ka!" hinihingal na paliwanag ko sa kanya.

'Nakaka badtrip!'

"Ahh ganun ba so ako pa ngayon ang wala sa hulog?" tumuwid siya ng upo at nag cross arm. "Alam mo ba kung gaano karaming noodles yung nahulog sa ulo ko kanina huh?" mayabang na tanong niya at may kinuha sa bulsa ng bag niya. Isang kaha ng Marlboro Lights at dumukot ng isang stick at parang lalaking nagsindi.

'Ngayon nakuha niya pang mangunsensiya? Magaling Gonzaga!'

"See hindi ka makasagot, kasi hindi ikaw yung nasaktan. Ano tanggap tanggap lang ako ng sakit tapos wala akong karapatang magalit? Tapos ikaw tinanggihan ka lang dahil sa nahihiya akong magpalibre sayo, pwede ng magalit any moment?" at saka humithit ng sigarilyo at mabilis na binuga ang usok.

Na guilty ako sa sinabi niya. Nag over react lang siguro ako sa inasta niya kanina, hindi kasi ako sanay na bina-balewala ng iba. Simula pagkabata sanay ako sa special treatment, nasanay akong nasa akin ang attention nilang lahat kahit madalas hindi ko sila pinapansin. Tama nga si Wesley something is wrong with Lucky. Hindi siya affected sa presence naming mag pinsan. Kung ibang schoolmate ko siguro ang kasama ko o nilibre ko ngayon malamang magtatatalon pa yun sa tuwa.

The famous varsity player, model, rich and handsome Kenneth James Ang are nothing to a Lucky Gonzaga. As if im not that interesting person to him at all. Anong sekreto niya? Or else nagpapakipot lang talaga siya. Gusto kong mapansin din niya ako parang ako na madalas na napapansin siya.

"Sorry na naiinis kasi ako sayo.. tapos sinabihan mo pa akong nagpapa cute sa cashier kanina." pahina ng pahinang sagot ko sakanya.

"Eh bakit hindi ba? Anong gusto mo maging audience mo ako habang nag papa cute ka sa kanya?" singhal niya.

'Sandali, napapansin ko lang bakit ba ako na lang ang palaging nag a-apologize sa kanya? Sumusobra na 'to ako ang may pinag dadaanan dito ngayon pero parang ako pa yung aping api.'

"Huwag mong ibahin ang usapan dahil hindi yun ang issue dito." naiinis na sagot ko.

"Fine, kung yan talaga ang gusto mo simula kanina.." may dinukot siya sa bulsa. "Oh ito kompyutin mo." Sabay lapag ng mga resibo galing sa supermarket at coffee shop.

"A-Anong gagawin ko diyan?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa mesa.

"Bayaran mo ako, 988.75 lahat ang nagastos ko ngayon. Hindi pa kasama yung injury ko kanina sa loob ng supermarket." Nakangiting paliwanag niya.

"At bakit naman kita babayaran?" taas noong sagot ko.

"Diba yan naman ang pinuputok ng butse mo simula pa kanina? Dahil feeling mo binabalewala kita." hindi agad ako nakasagot. Paano niya nalaman? Ganun na ba ako ka transaprent at nababasa niya ba ang laman ng isip ko? Nakakainis hindi ko maamin sa kanya ang totoo. Tama naman siya naiinis ako dahil sa pambabalewalang ginagawa niya.

"A-Anong binabalewala? Nanaginip ka ba Lucky?" Nakikipaglabanan ako ng titigan sa kanya pero una akong sumuko kaya padabog akong napaupo sa tapat niya.

"Eh bakit hindi ba Kenneth?" pang aasar niya. Kapikon! Hindi ako makapalag sa kanya.

"At anong injury injury ang pinag sasa-sabi mo? Hoy, kasalanan ko ba kung napaka UNLUCKY mo?" ngumiwi paitaas ang nguso niya.

"Hiyang hiya naman ako sayo UNGAS!" bigla siyang tumawa at napatingala sa langit habang umiiling. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang tumawa ng malakas pero kakaiba yung dating ng tawa niya ngayon. Masaya at walang pakialam sa iba basta masaya lang siya. Mahahawa ka.

"A-Ako u-ungas?" mautal utal na sagot ko.

"See? Ungas ka talaga!" At tuloy pa din siya sa paninigarilyo niya habang tumatawa.

"Itigil mo na nga yang paninigarilyo mo, alam mo bang masama yan sa kalusugan lalong lalo na sa aming mga second hand smoker?" mahinang bungisngis lang ang isinagot niya sa panenermon ko.

"Aal aal mo! Bakit nung nagpapa cute ka sa cashier kanina pinagbawalan ba kita?" at dumila siya na parang bata.

"Eh bakit di mo ko pinigilan?"

"At bakit naman kita pipigilan?"

"Bakit nga ba hindi mo ako pinigilan?"

"Bakit inaatay mo bang pigilan kita?"

"Sino bang nagsabi sayong hindi ako magpapapigil?"

"Kakaltukan kita kapag hindi ka tumugil Kenneth James Ang!"

"Eh 'di titigil na ako Lucky Shane Gonzaga!" nakita kong natawa siya kaya napangiti na rin ako. Aaminin ko biglang nagbago yung mood ko. Nawala yung inis na nararamdaman ko mula pa kanina. Nag e-enjoy akong makipagbangayan sa kanya. Sa isang iglap nawala ang bigat na nararamdaman ko at parang ready na ulit akong humarap sa kahit kanino.

"Bakit mukhang malungkot ka kanina?" tumuwid siya ng upo at sumandal. "Sayang naman ang kagwapuhan mo kung lagi kang nakabusangot." Itinaas niya sa upuan ang isang paa akala mo nasa bahay lang siya. Lumingon ako sa paligid buti nalang kami lang ang naka occupy ng mga table sa labas.

'Paano niya naman nalaman na malungkot ako? Siguro kanina niya pa ako pinagmamasdan? Tsk Tsk Tsk. Sinasabi ko na nga ba 'e napapansin talaga niya ako at isa din to sa mga taga hanga ko.'

"Something came up a while ago and i was very disappointed." labas sa ilong na sagot ko. "And to be honest I'm not fond of surprises anymore." nahihiyang confessions ko.

"Pareho tayo ayoko sa lahat yung sinu-surprise ako." salubong ang kilay na sagot niya.

'Whoa! So may something in common din pala kaming dalawa kahit papaano. Interesting.'

"Pero okay na ako ngayon, thanks for asking. Siguro na absorb muna lahat ng negative vibes sa katawan ko." automatic na umikot ang mga mata niya sa kawalan. Ewan ko kung bakit ganito ka wierd ang pakiramdam ko. Masiyado akong nagiging totoo sa sarili ko kapag siya ang kausap ko. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala at ngayon lang ulit kami nagkita.

"Pansin ko nga eh. Sabi ko naman sayo ako ang lucky charm mo Kenneth James Ang." Yun na naman yung kakaibang pakiramdam kapag binibigkas niya ng buo ang pangalan ko.

"Well kung ikaw nga ang lucky charm ko.. malugod kong tatanggapin ako ang malas sa buhay mo." at sinabayan ko ng malakas na tawa na nakakainsulto para mainis siya.

"E di inamin mo rin. Abnoy ka rin e." natatawang sagot niya.

"Kamusta na kayo ni Jasper" pag iiba ko ng usapan.

"Ayon magkaibigan pa rin kami." nakangiting tugon niya habang naka taas ang parehong braso sa batok kung saan nakasandal ang ulo niya.

'Tch, para siyang lalake umasta!' Bakit lalake naman talaga siya ah. Hayst!

"E ikaw kamusta ang lablayf natin?" napapangiting tanong niya.

"Ito single.." pormal na sagot ko bago ko damputin ang drink ko.

"Oh, pareho pala tayong single?" Inalis niya ang parehong kamay sa batok at inilapit ang katawan sa mesa. "Gusto mo tayo na lang?" seryosong tanong niya at biglang bumara sa lalamunan ko ang caramel frappuccino kaya paulit ulit akong naubo.

'WTF? Seryoso ba siya?'

Hindi ako alam kung anong isasagot ko sa tanong niya at pinagpawisan ako ng malamig. Fuck this! Nakatitig lang siya sa akin at hinihintay akong sumagot.

"Charoowwt lang! Gusto lang kitang mapatawa ang seryoso mo kasi palagi 'e." At tumawa siya na parang baliw.

"Kahit kailan hinding hindi ka talaga pwedeng kausapin ng matino." binato ko siya ng tissue sa mukha at tuloy parin siya sa pagtawa. Nakakainis talaga ang lahi niya!

"Eh bakit kapag sineryoso ba natin yung tanong ko may isasagot ka ba?" Hindi ako makasagot dahil titig na titig siya kaya napayuko lang ako sa hiya. At bigla ulit siyang tumawa.

Nakakapikon na siya sobra! Pinag ti-tripan niya lang niya ko simula pa kanina. Hindi ko alam kung kailan siya makakausap ng matino o kung may ibig sabihin ba ang mga kakaibang ikinikilos niya sa harap ko sa tuwing magkasama kame. Ayokong mag assume. Sanay na ako sa mga babaeng lumalapit at harap harapang umaaming may gusto sila sa akin. Pero ito ang kauna unahang pagkakataong kinabahan ako.

"Manligaw ka muna!" nagulat siya sa pagsigaw ko at saka lang siya tumigil sa pagtawa.

"Ano manligaw muna ako?" dumukot siya ng sigarilyo sa kaha at inipit sa labi niya. "Tss! Huwag na mamaya mautot ka pa sa kilig." at biglang sumindi ang lighter malapit sa mukha niya. Kakaiba talaga siya. Lalake siya pero mukha siyang babae. Bakla siya pero mas mapagkakamalan mo siyang tomboy kung paano siya umasta. Dumaan ang ilang oras ng hindi namin namalalayan dahil nag e-enjoy akong kakwentuhan siya.

"Umuwi na tayo gabi na." At napatingin ako sa relos ko at nakita kong past 9:00PM na. Shit! Tapos na siguro ang dinner sa bahay.

"May dala ka bang sasakyan? Gusto mo ihatid na kita?" alok ko sa kanya kahit alam ko naman ang magiging sagot niya.

"Oh kelan pa nangyari ang manliligaw ang ihinahatid ng nililigawan?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nag uumpisa na namang uminit ang ulo ko sa mga wala sa hulog na banat niya.

"Manahimik ka Lucky Gonzaga sasamain kana talaga sa akin!" hindi man lang siya natinag sa pagbabanta ko.

"Biro lang." nag peace sign siya. "May dala ako broomstick, Nimbus 2016 fresh from Diagon Alley!"

"Baliw!"

"Seryoso hindi na magdyi-jeep na lang ako pauwe."

"Kahit kailan sarap mong kausapin Lucky!"

"Masarap talaga, tingnan mo yung ex kong si Jasper binabalik balikan ako." Seryosong sagot niya at pareho kaming tumawa ng malakas. Siraulo!

"Sige na thank you sa time kahit wala kang kwentang kausap." taboy ko sa kanya.

"Ikaw din salamat sa mga kamalasang dala mo. Mag uwi ka kaya ng isa sa inyo para may nguyain ka bago matulog."

"Sumusobra ka na talaga!" susugod sana ako kaso mabilis siyang tumakbo papalayo at kumaway ng makarating sa sakayan ng jeep.

LUCKY'S POV

SUNDAY.

Maaga akong nagising dahil ngayon ang usapam namin nila Andi na magsisimba kami sa Quiapo Church para mabasbasan ako at matanggal ang lahat ng kamalasan ko this past few weeks.

Kahit tamad na tamad akong bumangon pinilit ko paring tumayo.

"Kapag hindi na alis ang kamalasan ko mga bakla kayo palalagyan ko kayo ng tig labing apat na balat sa pwet sa albularyong makikita ko!"

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako ng kwarto nagulat ako dahil nasa sala na sina Andi at Marlon kausap si Kuya Jiggs at si Nanay.

"LUCKKYYY!" excited na bungad sa akin nung dalawa at niyakap ako.

"Oh ang aga niyo akala ko 11:00AM alis natin?" gulat na tanong ko at napatingin ako sa relos ko 10:00AM pa lang.

"Diba sabi namin sayo sabay sabay na tayong mag bi-breakfast ses?" Excited na sagot ni Marlon.

"Seshie nagdala ako ng maraming kakanin, pinakway ko yung buong bilao na tinda ni Manong sa kanto!" pagyayabang ni Andi at nakita ko nga yung malaking bilao na may lamang assorted na kakanin.

"Ang sabi ni Kuya Jiggs mahilig ka daw sa kakanin." Si Marlon.

"Lalo na sa Palitaw!" si Andi.

"At Nilupak! Ha ha ha" si Marlon.

'Aga aga may mga saltik mga bisita ko. Kailangan ko na nga talaga magsimba Lord!'

"Salamat sa suhol alam ko namang si Kuya Jiggs ang pinunta niyo eh." Naka ngusong sagot ko.

"Hoy hindi naman! Grabe siya, sinabi na namin kay Tita magsisimba tayong tatlo." Nakangiting depensa ni Andi.

Buti naman at di nila sinabing pababasbasan ako kundi konyat na naman sa akin tong dalawang 'to.

"Psh, kunwari pa kayo eh nung friday pa kayo excited makita yang kulugo na yan." Turo ko kay Kuya Jiggs na bigla nalang tumayo at niyakap ako.

"Hay naku, hanggang ngayon seloso padin ang bunso namin." Natatawang sabi ni Kuya habang niyayakap ako.

"Ahhhhhhhhhhyyyyyyyy ang sweet mo talaga Kuya Jiggs kay Lucky nakaka inggit." Sabi ni Marlon habang yakap ang sarili.

"Oo naman kaya nga hindi ako makapag asawa dahil ayokong iwan tong dalawa." At hinila din ni kuya si Nanay at sabay kaming niyakap." At natawa sila Andi at Marlon.

"Mag asawa kana para umalis kana dito sa bahay!!" turo ko kay Kuya.

"Huwag na ma miss mo pa ako at umiyak ka pa kapag wala kang kasama. Ha ha ha"

"Lucky, sinong aalis sa bahay?!" Si Nanay na OA din kapag nagtatalo kami ni Kuya.

"Joke lang 'nay! He he he"

"Oh gising na pala si bunso." si Tita Jack habang may dalang kape sa tray para sa lahat.

"Morning Tita Jack." At nag flying kiss ako na sinalo niya kaagad.

"Balita ko magsisimba kayo sa Quiapo? Bumili ka na din ng Anting Anting pangontra sa malas!" Natatawang biro ni Tita Jack at nagtawanan bigla si Andi at Marlon.

"Bibili din ako ng mga halamang gamot balato ko kay Andi para mawala yung sumpa niya sa tuwing nauutot!" At nag high five kami ni Marlon.

"Ay BET ko yan ses pakyawin natin sa laki nitong si Andi kulang ang buong farm ng herbal medicine!"

"BWAHAHAHAHAH HAHAHA" malakas na tawa namin ni Marlon.

"Lucky tama na yan hindi magandang magbiro ng ganyan sa kaibigan niyo." awat ni nanay sa amin.

"Ganyan po talaga sila Tita lagi nila akong pinagtutulungang dalawa."

"Huwag mo ng intindihin yang mga yan, inggit lang sila sa figure mo." Pagtatanggol ni Nanay kay Andi.

Natigil kaming lahat sa pagkain at napa nganga except kay Nanay.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"AHAHAHAHAHA AHAHAHAHAHA"

Malakas na tawa namin nila Kuya Jiggs, Tita Jack, Marlon lalo na ako.

"Di bale ng mataba kapag dumating ang tag gutom ako papayat pa lang, sila maagnas na!" At biglang sumubo ng dalawang palitaw ng sabay.

"Taray nito maka hugot, mamaya lang uutot na yan!" At pinigilan ko ng tumawa dahil tumungin si Nanay sa akin.

"Kain lang Andi marami yang dala niyo." At narinig kung bumungisngis si Kuya sa tabi ko.

To be continued....


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C34
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン