アプリをダウンロード
46.03% Lucky Me / Chapter 29: LUCKY TWENTY NINE

章 29: LUCKY TWENTY NINE

CHAPTER 29

LUCKY'S POV

Matapos ang madramang paalamanan namin ni Jasper mabagal akong naglakad patungo sa malaking bahay ng mga Trinidad. Mabigat ang bawat pagkahbang ko at tila tamad na tamad akong kumilos. Mukhang naubos ang lahat ng sustansiya ko sa naging sagutan namin kanina.

Palagi na lang bang ganito ang eksena namin ni Jasper sa tuwing magkikita kami at parati siyang may pasabog na dala dala? Litsing buhay 'to. Ano na naman kaya sa susunod na aaminin niya sa susunod na malayong kamag anak niya si Spiderman? Batman? o isa siyang Mutant at member siya ng X-MEN?

'Lintik na lalaking yun hindi nauubusan ng surpresa sa katawan.'

Huminto ako malapit sa labas ng malaking gate nila Marlon. Umupo ako sa gutter at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tuhod at saka ako yumuko. Nagsindi ng sigarilyo at naramdaman ko nalang na namasa ang pisngi ko.

Masakit mang isipin

Kailangang tanggapin

Kung kelan ka naging seryoso

Saka ka niya gagaguhin

Di ko mapigilang mapakanta sa kagagahan ko. Nababaliw na talaga ako. Hindi pa pala natatapos ang drama ng buhay pag ibig ko may continuation pa pala.

O, Diyos ko, ano ba naman ito

'Di ba, 'lang hiya, nagmukha akong tanga

Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to

Diyos ko, ano ba naman ito..

Nagsisisi ba ako? Kinakapa ko ang sarili kong nararamdaman kung meron pa ba. Kung meron handa akong maghabol kung kinakailangan. Pero wala talaga akong maramdamang iba. Namanhid na ata ang puso at utak ko. Tuwing naaalala ko ang panloloko ni Jasper bumabalik ang lahat ng sakit at parang tinatakasan ako ng katinuan.

Wala akong makitang dahilan para maghabol pa sa kanya. Hindi ko lang talaga siguro napaghandaan ang biglaang pamamaalam niya ng ganito kaaga. Nasanay lang akong palagi siyang nandiyan. Hithit buga lang ang ginawa kong paninigarilyo, ganito talaga ako kapag sobrang na-stress.

Nagulat ako sa pares ng kulay pulang Chuck Taylor shoes na nakatayo harap ko. Sino naman kaya 'tong ungas na abala sa pang MMK na pag mo-moment ko? Dahan dahan akong nag angat ng tingin at nagtama ang mata namin ng isang lalaking madalas painitin ang ulo ko.

Ang masungit, hambog, isnabero at feeling gwapong si Kenneth James Ang.

Dali dali akong namunas ng luha. "Anong kailangan mo?"

"Dapat ba laging may kailangan muna ang isang tao sa tuwing lalapit sayo?" sarkastikong sagot niya bago siya gumaya ng umupo sa tabi ko.

"Malamang.. kung wala 'e ano yang itinatayo tayo mo dito?" Pambabara ko.

"Nakita kasi kita kaya lumapit ako." Dumampot siya ng maliit na bato sa semento at mahinang ibinato sa di kalayuan.

"Sa pagkaka alam ko doon ang party hindi dito?" turo ko sa bahay nila Marlon at pasimple akong namunas ng luha at sipon.

"A-Are you crying?" ramdam ko ang pag aalala niya.

"Ako umiiyak? Hindi ahh pawis yan pawis. Ganyan talaga ako pagpawisan intense." Natatawang sagot ko.

"Kahit kailan hindi kita nakausap ng matino." naiinis na tugon niya.

"At kailan naman tayo nagkausap ng matino? Sa tuwing nagkakausap tayo sumusugod ang ex mo." Napapangiting sagot ko.

"Bakit ba lagi mong sinasama sa usapan si Amber?" iritabling sagot niya.

"Dahil everytime na magkaroon ng chance na magkasama tayo lagi siyang may bagong eksena na gagawin sa harap ko. Proven and Tested ko na yan." Buong kompyansang sagot ko at napangiwi naman si Kenneth.

"Psh! So iniisip mong ako ang malas sa buhay mo?"

"Oo ikaw nga at ako naman ang Lucky Charm mo!" Natatawang sagot ko na lalong ikina-simangot ng gwapong mukhang niya.

"Tss.." singhal niya. "Bago pa tayo nagkakilala malas kana talaga. Nadagdagan nga lang lately." Napalingon ako ng bahagya dahil mukhang may laman ang sinasabi niya.

"Ang yabang mo ampayat mo naman!" ngalngal ko at pinandilatan niya ako saka ako natawa sa itsura niya. Nanahimik kami ng ilang minuto habang naninigarilyo ako.

"Narinig ko pala kayong naguusap ng ex mo sa parking lot kanina." Kunot noo akong napalingon sa kanya. Nalunok ko yung uso na dapat ibubuga ko na. "Sorry hindi ko naman sinasadyang makinig. Naka bukas kasi ang bintana ng kotse ko habang inaantay ko si Wesley kanina at bigla kayong nag park sa tabi ng kotse ko kaya yun." Mahaba at nahihiyang paliwanag niya. Defensive!

"Tss! Kalalake mong tao napaka tsismoso mo!" inambaan ko siyang pasuin ng sigarilyo.

"Ako tsimoso? Hoy, sino bang nagsabing doon kayo magtalo sa parking lot kung pwede namang sa loob kayo ng kotse mag usap?" pasigaw na sagot niya na ikinalaki ng mata ko. Tae, narinig niya kaya ang mga pinag usapan namin?

"E bakit kayo ng ex gelpren mo sa parking lot din naman kayo nag aaway noon ah!" siya naman ang nabigla sa sinabi ko. "Anong narinig mo?"

"L-Lahat." Para siyang batang nahuli sa akto.

'Pakshet, 'e di nakita niya din yung yakapan namin dun kanina. Tch!'

"Hinatid ako ni Jasper kanina. Siya yung ex boyfriend ko na kinuwento ni Andi.." wala ng papait pa mga salitang binitawan ko. As usual nalungkot na naman ako dahil naalala ko na naman si Jasper.

"I'm sorry." Mahinang sambit niya.

"S-Sorry saan?"

"Dahil narinig ko yung mga pinag usapan niyo ng hindi sinasadiya." Natawa lang ako sa sinabi niya habang bumubuga ng usok.

"Sana nga nakukuha sa sorry ang lahat." Iiling iling na sagot ko. "Yung tipong kapag sinabi sayong "I'm sorry" Mababawasan yung sakit na nararamdaman mo." Malungkot na sagot ko at hindi siya nakasagot. "Pero wala 'e, pinapalala lang ng salitang sorry nararamdaman mong sakit noon. And I'm fucking tired of feeling sorry for myself."

"Be careful what you wish for." Natatawang sagot niya.

"Bakit may masama ba sa gusto ko?" nakangusong tugon ko paglingon ko sa kanya.

"Kung ganun ang maging epekto ng salitang sorry sa tao, does it mean handa ka ulet masaktan ng paulit ulit kagaya ng naranasan mo?" Hindi agad ako nakasagot. Handa nga ba ako sa gusto ko kung sakali? Ang masaktan ng paulit ulit tulad ng na naranasan ko. "In an argument, the one who says sorry first is the one who love you more."

'Sige hugot pa more!'

"Wow, T-Thanks.." Im shookt. Hindi ko inaasahan manggaling lahat ng yun sa isang hambog na kagaya niya. Kaya hindi ko mapigilang tinitigan siya ng may halong pagtataka.

"Bakit?"

"Wala bukod pala sa pagiging tsismoso mo.. may laman ka din palang kausap paminsan minsan." Biro ko at inambaan niya ako ng batok.

"Siraulo ka, seryoso ako tapos pagtatawanan mo lang ako." May bahid ng pagkainis na sagot niya. Kahit kailan napaka pikon ng payatot na 'to. "But seriously, curious ako kung bakit hindi ka pumayag na makipagbalikan sa kanya? Hindi mo naman iiyakan yung tao kung hindi muna siya mahal di ba?" nagtatakang tanong niya.

"Natatakot na kasi akong masaktan." Napakamot ako sa baba dala ng pagkabahala. Ayokong isipin niyang saksakan ako ng arte kahit hindi naman ako babae.

"Sa pag-ibig daw kailangan dapat palagi tayong handang masaktan.." seryosong sagot niya at nakatingin sa malayo. Luh, seryoso naman ng payatot na 'to!

"Kailangan handang masaktan? Tangena. Ano ba yan, suntukan?!" Singhal ko at bigla siyang bumunghalit ng tawa. Abnoy. Kaya pala ganun nalang kung magpasampal siya sa ex niya tapos may pa bonus pang trending video! Magaleng magaleng Koya!'

"Hindi nga Lucky bakit nga?"pangungulit niya. Sigh. Hindi ko alam kung anong nakaen ko at hindi ako nag alinlangang ikuwento sa kanya kung ano ang tunay na dahilan at kung bakit kami nagkahiwalay ni Jasper. Pati ang hirap na pinagdaanan ko after ng break up namin nai-share ko na. Panay lang ang tango niya at maya't maya ring kumukunot nag noo at nagsasalubong ang kilay. He's so adorable para siyang batang nakikinig ng isang lesson sa klase.

"So there.. ngayon sabihin mo nga sa akin kung may mali sa desisyon ko?"

"Well, may point ka naman. Hindi nga naman naging madali ang mga pinagdaanan mo bago ka maka move on sa nangyari." Mabilis na pagsang ayon niya.

"That's exactly my point—" at nanlaki ang mata ko ng takpan niya ng isang kamay ang bibig ko.

"I understand you're situation but try to give him the benefit of the doubt Lucky. Hindi mo rin naman alam kung anong hirap din ang pinagdaanan nung tao." Mahinahong komento niya at napaisip ako kahit papaano. "Ang sabi nila kapag humihingi ng tawad ang isang tao, patawarin mo. Parang PALENGKE lang yan, hindi yan hihingi ng tawad kung hindi ka MAHAL." seryosong dugtong niya.

'Wow joker ka kuya?!' Natawa ako dun ng kaunti. Daming alam ng payatot na 'to ang tindi siguro ng pinagdaanan nila ni Barbie. Tch! Well, naiintindihan ko rin naman ang ipinupunto niya on a guy point of view. Sa part ko aminado naman akong may kasalanan din ako kung bakit kami humantong sa ganito. Maisyado akong kinaen ng pagiging bitter ko. Hindi ko siya pinakinggan kahit isang beses at ura urada ko siyang binura sa mundo ko. Dahil hindi yun ganun kadali lalo't nagkalamat na ang relasiyon namin noon dahil sa mga kalokohan niya. Sa ngayon gusto ko munang ipahinga ang utak ko sa mga bagay na posible pang mangyari.

"Pero bilib din ako sayo dahil sa kabila ng mga pinagdaanan mo nagagawa mo pa ding ngumiti at magpasaya ang ibang tao." Napairap ako sa kawalan ng marinig ko ang sinabi niya. Confirmed! Bipolar nga ang isa 'to.

"Kailangan 'e dahil yun talaga ang role ko."

"Yun din ba ang reason kung bakit ka nasa Carlisle Academy ngayon?"

"Partly.. Yes." Madiin kong kinagat ko ang dila ko bago pa masimulang idaldal ang sekreto ko. Ano bag meron sa lalakeng 'to at napapaamin ako sa past ko?

"You really really do love him, do you?"

Bumuga ako ng bilog na usok at nilusot ko ang kamay ko sa gitna. Hindi ko alam kung saan kami papunta. "Yes. He was my biggest mistake, yet my favorite lesson." Parang may kung anong tumusok sa puso ko habang naglalaro ang imahe ni Jasper sa utak ko.

"Arte mo." Singhal niya at napangiwi ako sa sinabi niya.

"Same to you."

Tahimik kaming naupo ng ilang minuto sa gutter matapos kung ilahad sa kanya ang palpak na love story ko.

"Congrats nga pala sa pagkapanalo niyo kahapon."

"Oh bakit ka nga pala biglang nawala kahapon?"

"May emergency kasi sa bahay. Anyway, varsity player ka ba sa dati mong school?" umikot ang mata ko ng bigla niyang ilihis ang topic.

"Oo for three years varsity player ako ng school namin. Pero tinanggal nila ako dahil mahina ako."

"T-Tinanggal ka dahil mahina ka?" napalunok siya ng sunod sunod. "Kung ganun ang lalakas pala ng players niyo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Malalakas pero mas malakas ako." Inangsan ko ang pagkakasabi para mas pogi sa pandinig.

"Akala ko ba inalis ka dahil mahina ka? Ano ba ba't ang anggulo mo kausap?" tinulak niya ako ng mahina sa balikat.

"Mahina nga ako.." Giit ko sa kanya. "Mahina akong sumunod sa simpleng instruction ng coach namin." saka ako tumanaw sa malayo. Mukhang nakuha naman niya ang ipinahihiwatig ko.

"Sa husay na ipinakita mo sa court kahapon napa imposible naman ata ng sinasabi mo."

Natawa ako sa sinabi niya. Binabawi ko na akala ko naman na gets niya na. Pero tama si Kenneth. Imposible talaga yung mangyare pero no choice dahil may attitude ako.

"After ng break up namin ni Jasper ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa paglalaro. Lahat ng galit na nararamdaman ko inilalabas ko sa laro. Hanggang umabot na sa puntong nakakasakit na ako ng ibang players." Tumawa ako ng mapakla sa mga naalala ko sa huling tatlong buwan ko sa QCS High.

"W-What do you mean?" nalilitong tanong ni Kenneth.

"Tinanggal ako dahil ilang beses na akong na complain ng ibang players. Nakita mo naman ang ginawa ko sa laro kahapon diba? Mas malala pa dun ang ipinamigay ko." Natatawang sagot ko.

"Alin yung pinatamaan mo pa isa isa ang grupo ni Amber?" mabilis na sagot niya. Observant naman pala siya kahit papano. Buti naman hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

"Ginawa ko lang ang yun para matapos na kami sa laro masiyado silang magaling pinantayan ko lang ng kaunting angas galing nila."

"Pero nakaka sakit ka." Seryosong sagot niya. Napalingon ako sa kanya. "N-No offense i'm just stating a fact." biglang bawi niya.

"I know. Pa sample ko pa lang yun dahil kinanti nila ang kaibigan ko." Depensa ko para naman sa sarili ko. "No offense to your ex girlfriend." Ginaya ko ang tono niya kanina at muli na naman niya akong itinulak sa balikat kaya natumba na ako sa pagkakaupo.

"ARAY! NAKAKARAMI KA NA AH!" duro ko sa pisngi niya saka siya natawa.

"Pero kahit ganun paman kahanga hanga pa din yung skills mo sa volleyball."

"Kahanga hanga hindi mo nga tinapos yung laro ko." Ewan ko ba sa dami ng nanuod sa akin ng araw na yun yung presensiya niya parin ang hinahanap ko.

"May emergency nga ako bakit ba ang kulit mo!" napipikon na namang sagot niya.

"Ang sabihin ko ayaw mong makitang kinakanti ang ex gelpren mo!" singhal ko at inirapan niya lang ako. Ewan ko kung bakit ganado akong magkipagkwentuhan sa ungas na 'to. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Masarap lang siguro yung feeling ng may nakikinig sa mga drama mo sa buhay paminsan minsan.

Wala kasi akong nakausap tungkol sa nararamdaman ko noong nagkahiwalay kami ni Jasper. Nahihiya akong mag open up sa bahay kahit alam nila ang pinagdadaanan ko. Ayoko kasing makita ang disappointment sa mga mukha nila kapag makita nila kalagayan ko. Sinolo ko yun lahat kaya siguro muntik ko ng malampasan yung level ng kapraningan ni si Sisa.

Nag vibrate yung phone ko sa bulsa ng jacket ko.

"Oh?" Dito sa labas nanlalalake."

"Pumasok kana, kasama mo ba si Jasper?" si Andi.

"Nag usap lang kami saglet at hinatid niya lang ako dito."

"Bakit pinauwe mo agad?"

"May lakad sila ng grand parents niya."

"Oh sige bilisan mo pumasok kana nagugutom na ako."

"Oo papasok na impakta ka parang hindi ka naman makaka kain kapag wala ako!" sigaw ko saka ko siya binabaan ng phone. "Tara na sa loob na nanginginig na sa gutom si Andi at di maka kain kapag wala ako." At natawa naman si Kenneth sa sinabi ko.

"Grabe talaga kayong magkakaibigan lalakas niyo mag asaran, but di kayo napipikon?"

"Ang mapikon sa amin panget."

"Ahh-- Alam na.. Ha ha ha!" biglang tawa niya at nakitawa nadin ako. Nakuha mo koya!

'Abnoy!'

Pagpasok namin ng malaking bahay ng mga Trinidad bumungad sa amin ang malakas na tugtugan sa loob. Para kaming nasa isang Pub dahil sa may ginawang dance floor ang malaki nilang sala at dim light ang buong paligid na para ka talagang nasa loob ng isang disco house.

May band set na din na naka set up sa bandang gilid ng stage. Nagkalat ang mga bilog at may kataasang mga table para sa mga bisita. Maraming narin dumating na bisita si Marlon at halos lahat ay mga students ng Carlisle. Sa Mini Bar nila may nag se-serve ng alak sa mga bisita.

'ALAK SA MGA MINORS? Anong plano ni Marlon mabagansya kaming lahat sa party niya?'

Nakahanap kami ng table ni Kenneth malapit sa maliit na terrace kung saan kaunti pa ng tao at di masiyadong maingay.

"Ano ang lagay bubuking ka mag isa at ang nakakaloka kay Papa Kenneth pa?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Andi sa dilim.

"Ay anak ng baluga!" Muntik na akong mapatalon sa takot buti napahawak ako sa braso ni Kenneth. Tawa lang ang itinugon ng katabi kong bipolar sa pagsulpot ni Andres sa dilim.

"Ang ganda mo kaen ka ng damo." Sarkastikong sagot niya. Nakipag beso at sinuri ang suot ko. "Musta ang buking, solb ba?" pinandilatan ko siya sa kadaldalan niya. Si Kenneth naman hindi ata na gets ang sinabi ni Andres kaya ngumiti lang ito sa kanya.

"Wala NGANGA." Sagot ko sa kanya.

"Susmeh, sa ganda mong yan malabo seshie." Hinila niya ang magulong buhok ko. "Si Wesley nga pala bakit hindi niyo kasama?" tanong ni Andi kay Kenneth.

"On the way na may emergency lang kaya pinauna niya na ako dito." Sagot ni Kenneth habang sinisipat ang relo sa bisig.

"Bakit nga pala magkasabay kayo dumating?" malisyosong tanong ni Andres. "Don't tell me nagkemehan kayo?" nanlaki ang mga mata niya habang palipat lipat ng tingin sa amin ni Kenneth.

Sa inis ko binatukan ko siya.

'Kingenang bibig yan, di pa nakakainum ambaho na!'

"Aray LUIS MANZANO umayos ka!" sigaw niya habang nangangamot ng ulo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit masama ba magtanong?" natatawang sambit niya pa.

"Hindi pero masama ang mambintang at maghinala."

"Kutob ko lang yun hindi bintang at hinala."

"Either way Andres ang galing galing mo talagang manghula. Gusto mo hulaan ko din future mo?"

"Huwag na wala akong tiwala sa mga pangitain mo." Ngumiwi ang nguso niya.

"A-Ano ba kasi yun?" sabat ni Kenneth habang nakatingin kay Andi.

"Subukan mo Andres kung ayaw mong i-substitute ko ang katawan mo dun sa handang Lechon sa mesa nila Marlon!" banta ko sa kanya.

"Ano yun Andi tell me, i won't get offended." Naka ngiting sagot ni Kenneth.

"W-Wala yun Kenneth biniburo ko lang si Lucky. Sabihin ko lang sa celebrant na nandito kana ah." Saka niya kami nilayasan at pakembot kembot habang papalayo.

"Ano ba kasi yun bakit ayaw mong sabihin?" hinawakan niya ako sa balikat at ihinarap sa kanya.

"Wala yun ng uurat lang yun si Andi. Huwag munang pansinin." Nginitian ko lang siya at sinenyasang umupo.

"Hindi ko pwedeng malaman?" pangungulit niya.

"Hindi yun pwede sa bata."

"Hoy! Baka nakakalimutan mong kasing age lang tayo."

"Oo magka edad tayo pero usapang bakla yun, gustong maging beki?" taas noong hamon ko.

"Sabi ko nga sa inyo lang yun." At nag iwas siya ng tingin.

"Tara dun sa bar kuha tayo ng drinks nauuhaw na ako." Pagbabago ko ng usapan namin. Sabay kaming tumayo at lumapit sa Mini Bar. Sa isang board naka sulat ang mga drinks na pwedeng ma order. Good thing puro Non-Alcoholic drinks naman pala lahat kaya nakahinga ako ng maluwag. Na excite ako umorder kaya nauna akong lumapit sa bar at nakapangalumbaba akong umorder sa harap ng cute na waiter.

"Hi, one red white and sparkling blueberry punch please." Nakangiting order ko.

"And one patriotic cocktail for me please." Si Kenneth habang nakatingin sa phone niya. Inabala ko naman ang sarili sa panunuod sa ginagawa ng bar tender.

"Here's your drink ma'am." Nakangiting abot ng bartender. Ang cute kahit isa lang ang dimple niya.

"Ma'am?" nagtatakang tingin sa akin ni Kenneth at siniko ko siya at sumenyas na sumakay na lang.

"Ngengelam pa, epal ka rin 'e!" Bulong ko sa kanya pagtalikod ko sa bartender.

"Tss.." at inabot nadin ng bartender ang drink niya at saka kami umalis.

Nasa lubong namin si Andi habang pabalik sa table namin at may biglang bumangga sa akin.

"Oops, I'm sorry—" muntik ko ng mabitawan ang hawak kong drink buti nalang naalalayan ako ni Kenneth sa siko.

"L-LUCKY?!?"

"J-Justin?" Hindi ko masiyadong maaninag yung mukha niya dahil medyo madilim yung ilaw sa gawi namin pero nabobosesan ko siya.

"LUCKYYYYY!!!" malakas na sigaw niya.

"JUSTIN!" nakisigaw narin ako.

"LUCKYYYY!!"

"JUSTIN---"

"PLOOOKKKK!"

Bigla akong binatukan ni Andi at lumingon ako ng masamang masama sa kanya.

"HOY HANGGANG 2:00AM LANG ANG PARTY, KUKULANGIN TAYO SA ORAS KUNG PAULIT ULIT KAYONG MAGTATAWAGAN NG PANGALAN HANGGANG HATING GABI!" pandadarag ni Andi sa akin.

"HUUUKKKKKKK" nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Justin ng pagkakahigpit at hindi na ako makahinga.

"K-K-Kenneth h-helpp--" hirap na hirap ko sa pangalan ni Kenneth at pilit kong inaabot ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at pwersahan kaming pinaghiwalay ni Justin.

"I'm sorry Lucky, i was carried away. I miss you!" At muli sana siyang yayakap pero hinawakan na siya ni Kenneth sa dibdib. Tinitigan siya nito ng masama at nakangusong tumingin sa akin.

'Lakas din ng sapak ng batang 'to.'

"Justin this is Kenneth James Ang and Andres Bolivar." Pakilala ko sa dalawa. "Guys si Justin Kwon my new found friend."

"Nice meeting you guys." Masiglang bati niya at ng iabot niya ang kamay kay Kenneth agad itong namulsa at dinedma lang siya.

"Nice meeting you too Justin." Salo ni Andres sa nakabiting kamay ni Justin sa ere. "Grabe mas gwapo ka pala sa malapitan." Buti nalang mahusay sumegway si Andres. Abnoy talagang tunay ang payatot na 'to. Ipinakikilala ng maayos tapos mag a-attitude. Humanda ka saken mamaya pinapahiya mo ko sa bagong kaibigan ko!

"Mauna na kayo sa table kakausapin ko lang si Justin saglit." Paalam ko sa kanila.

"Psh! Hindi pa nga nakakabalik ng America yung ex niya lumandi na kaagad sa iba." Parinig ni Kenneth pagdaan sa harap ko. Literal akong napangaga sa narinig.

"Hoy! Narinig kita magtutuos tayong dalawa mamaya." Sigaw ko sa likod niya. Talaga sinusubukan niya ang pasensiya ko!

Hinila ko si Justin sa isang bakanteng mesa.

"How are you Lucky." Magiliw na bati niya.

"I don't know.. the truth is i'm mentally drained." Malungkot na sagot ko sa kanya. I'm exhausted. Konting konti nalang talaga bibigay na ang utak ko sa dami ng bagay na iniisip ko. I feel like i have nothing more to give.

"Bakit mayroon ba kayong hindi pagkakaunawaan ng special someone mo?" Panunukso ni Justin at sinabayan ng ngiting nakakaloko.

"Hindi naman sa ganun." Natatawang sagot ko. "Marami lang kaming bagay na hindi napagkakasunduan lately at nauuwi kami palagi sa away." Bakit ba parating si Jasper ang topic? Kaya siguro hindi ako maka move on sa ungas na yun palagi nalang kasi siyang nasisingit.

"Nadadaan naman yan sa magandang usapan. At sa ganda mong yan malabo ka nung iwan believe me."

"Nakapag usap na kami.. iiwanan na nga ako 'e. Ha ha ha!" natatawang sagot ko pero sa loob loob ko nilalapirot ng kung sino ang haliparot kong puso.

"Ohh really..." tumingin siya sa bandang likuran ko bago ibalik sa akin ang tingin. Bahagya siyang lumapitat hinawakan ako sa ilalim ng baba.

"Huwag ka ng malungkot. Mahal ka noon." At pinaggigilan ang magkabilang pisngi ko.

"Oo mahal na mahal naman talaga ako nun ako lang ang may problema at ako ang nagbago." Ako na ang nagbaba ng kamay ni Justin na nakakapit parin sa pisngi ko.

"Gaano naba kayo katagal ni Kenneth?" kunot noo at seryosong tanong niya. Agad akong napalingon sa likod at nagtama ang paningin namin ni Kenneth at biglang nag iwas ng makita ako. "Si K-Kenneth James Ang?" nauutal na sagot ko.

'NO WAY HIGHWAY!'

"Oo diba siya yung pinag uusapan nating special someone mo?"

"H-Hindi hindi siya ang tinutukoy ko Justin adik kaba?!" nag histerikal tuloy ako bigla.

'Sus ginoo siya pala yung iniisip niyang special someone ko. Gabaan ka 'dong!'

"Ahh akala ko siya yung pinag uusapan natin." sabay tumawa ng malakas at napakamot sa ulo.

"Hindi siya baliw!" hinampas ko siya sa braso. "Yung ex boyfriend ko yung tinutukoy ko hinatid niya ako kanina dito." maiksing paliwanag ko.

"Ahhhh—" mahabang sagot niya. "Akala ko kasi si Kenneth ang pinag uusapan naten kanina pa kasi masama ang tingin niya sa atin kaya iniisip kotuloy na siya yung boyfriend mo. Ha ha ha!" Malakas na tawa niya pa.

"Tss! Sa kahambugan at ugali nun hindi yun tatagal sa akin ng isang araw." Biro ko kay Justin at sabay kaming tumawa.

"Pero gusto mo siya tama?" Prangkang tanong niya at natulala ako sa kanya.

"A-Ako? May gusto dun? Magsa saksak nalang ako!"

"Hahahaha! Grabe ka naman."

"Bakit mo naman nasabi yan? Mukha ba akong may sapak sa ulo at magkakagusto sa payatot na yun?" nahilo ako sa malalang pag irap ko sa kanya.

"I dunno.. na vibes ko lang parang bagay kasi kayo. Isang masayahin at maingay para sa isang mayabang at tahimik na kagaya niya." At ngumiti siya ng malaki.

"Siraulo ka tigilan mo na yan dahil siya ang nagdadala ng kamalasan sa buhay ko." Naka ngiwing sagot ko.

"Yun nga ang dahilan kung bakit lalong mas bagay kayo." Inilapit niya ang upuan sa harap ko. "Look, palaging magkadikit ang swerte at malas. Parang Yin at Yang may balance, yun kayo." Makahulugang sagot niya at napaisip ako.

'Ha? Ewan.. sa tingin ko mas bagay sila ni Andi. Black and White. He he he!'

"Hoy Justin tigilan mo ako kung ayaw mong malasin ka ngayon gabi!" banta ko sa kanya.

"Joke lang!" At may pa peace sign pa siya.

"Abnoy!" At natawa ako.

"Sige na bumalik kana dun baka sapakin ako ng future boyfriend mo." mabilis ko siyang hinampas sa braso pero nahawakan niya agad ang kamay ko.

"Pahawak nalang ulit ako ng dibdib mo para swertehin ako." At pinandilatan ko siya sa inis.

"Abuso ka ah!" Sigaw ko sa kanya at nakaturo sa mukha niya.

"Joke lang ito hindi na mabiro. Sino kaya diyan yung biglang pinapahawak ang ano.. sa loob ng FX?" bulong niya sa sarili at kunwaring nag iisip.

"Deal pero hahawakan ko din yang ano mo!" hamon ko sa kanya. Ano siya lang magiging masaya? Dapat pantay pantay tayo!

"Deal!" at bahagya siyang bumuka at payag talaga siya sa sinabi ko. Abnoy ka ngang tunay Koreano!

"Suraulo ka! Babalik na ako dun." At inirapan ko siya.

"Hahaha! Talo ka! Tara na nga ihahatid na kita sa table niyo." At inalalayan niya akong tumayo. Napaka sweet ni Justin dahil hinatid pa talaga niya ako hanggang sa table namin. Singlalim ng balong malalim ang mga tinitig ni Andres sa mga extra sweetness ni Justin ng makalapit kami sa kanila. I know that look.

"Thanks Lucky." pinisil pisil ang balikat ko, ngumiti ng todo bago ako hinalikan ng mariin sa noo. Para akong tuod na nanigas habang nakatayo.

'Anak ka ng tipaklong!'

"See you guys around!" Kaway niya kay Andi at Kenneth bago umalis.

ANDI'S POV

Pagbalik namin ni Kenneth sa table. Kapansin pansin ang biglang pananahimik niya. Well, tahimik naman talaga siya as usual pero ibang pananahimik na may halong dabog, pagpaparinig at masamang tingin sa direksiyon ng kasalukuyang nag uusap na sina Justin at Lucky.

"Hey, are you okay? Nagugutom ka na ba tara kuha na tayo ng food niyo." Yaya ko kay Kenneth na nakatingin padin kela Lucky pero mabilis nag iwas ng tingin ng makitang lumingon si Lucky.

'Ay may somethingan!'

"Mamaya na pagbalik ni Lucky sabay sabay na tayo." Mabilis niyang sagot.

"Si Wesley anong balita susunod pa ba?" Pag iiba ko ng usapan.

"Wala pa siyang reply sa huling text ko." Matipid na tugon niya saka siya yumuko at kinalikot ang phone.

'Weird na nagpapaka wirdo pa!'

Ilang sandali lang nakita kong pabalik na sila Lucky at Justin. Jusme! Ang seshie ko parang prinsesa kong ituring at ingatan ni Justin Kwon. Kaingget! Maygad, kailan kaya tatalab ang mamahaling Glutathione ko ng dalawa nakaming umawra?

"Thanks Lucky." gusto kong manginig sa kilig ng pinisil pisil niya ang balikat ni Lucky at hindi ko mapigilang mapasinghap ng halikan niya ng mariin si Lucky sa noo.

'KKYYYYAAAAAAHHHHHHHHH!' Malakas na tili ko sa isip. Ang sweet nun! Impakta ka Lucky humanda ka sa akin sa Lunes!

'Juice Colored! Kailangan ko na talagang pumuti ASAP!'

"See you guys around." Kaway niya sa amin ni Kenneth at ngumiti lang ako bilang tugon.

"Hoy! Ipaliwanag mo sa akin ngayon paano kayo nagkakilala ni Justin Kwon?! Dalahira ka ayusin mo wala kang lalaktawang detalye kundi isasama kita sa desert ko!" pag mamaasim ko ng umupo siya sa gitna namin ni Kenneth.

"Sa FX.. sumakay siya sa sinasakyan kong FX nung isang araw papasok sa Carlisle." At uminum sa drink na bitbit niya kanina. "Wala bang totoong alak dito?" singhal niya habang iniikot ang tingin sa paligid.

"Nagkasabay lang kayo pero ibang ang closeness niyo?" Nagtatakang tanong ko at inirapan lang ako ni Lucky.

"Halika dito." Pinalapit niya ako na at sinenyasan niya na ibubulong niya ang sagot.

"Tss.." Nakita kong sumama ang tingin ni Kenneth kay Lucky.

Binulong niya ang buong detalye ng pagkaka kilala nila sa FX. At ang ikinaluka ko 'e yung ginawa niya sa akin nung first day ganun din ang ginawa niya kay Justin.

"BWAHAHAHAHA AHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko dahil na imagine ko yung itchura ni Justin sa takot ng hinawakan ang boob ni Lucky.

'Boob lang muna mga seshie maliit pa e. Boobs kapag malaki na. Hahaha!'

"Kahit kailan siraulo ka talagang baklita ka! Anong pumasok sa isip mo? Nababaliw ka na ba talaga?" Talak ko sa kanya at nagkibit balikat lang siya.

"Action speaks louder than voice." Balewalang sagot niya.

"ULOL PAKYU KA! ANG SABIHIN MO MAELYA KANG BAKLUSH KA!" Sigaw ko kay Lucky at nakita kong nagulat si Kenneth sa sinabi ko. "Ay sorry po Father Kenneth." nahihiyang paumanhin ko at saka ak onag sign of the cross.

"Baliw.." At napailing sa akin saka tumungin kay Lucky na nakatitig sa kanya. "Oh, bakit may problema ka?!" pagsusungit niya si Lucky. Hala, anong problema nila?

"Hoy! Anong pinagsasabi mo dun kanina ha? Anong hindi pa nakaka alis si Jasper lumalandi na ako?!" sigaw ni Lucky kay Kenneth.

'Aalis si Jasper? Saan siya pupunta?'

"Bakit nagi-guilty ka na ba? Anong tawag mo sa pakikipag flirt mo dun sa Koreanong hilaw na yun?" namumulang sigaw niya.

"Anong nakikipag FLIRT? Praning ka din pala kagaya ng ex gelpren mo 'e, bagay nga talaga kayo! HOOO! Bagay na bagay kayo pramis! Bakit di mo pakasalan ng dumami lahi niyo!" Sarkastikong litanya ni Lucky at wala ng sasama pa sa mga ibinabatong tingin ni Kenneth.

"Wow, i can't believe this.. your still dropping Amber's name whenever you had a chance in every conversation or situation we have." Sabay nilagok ang drink niya. Napalunok ako sa sobrang hot niya sa anggulong yun mga seshie. Para akong nanunuod ng isang eksena sa paborito kong mga teleserye.

"Dahil pareho kayong praning ng dyowa mo!"

"Bakit hindi ba matatawag na kapraningan ang paulit ulit mong babanggitin ang pangalan ng sinasabi mong ex ko? Ex ko na nga diba.. diba.. bakit hindi ka move on?!" taas noong sagot niya at hindi parin talaga nagpapatalo sa pagtalak. "U-UNLESS..." may kayabangang pambibitin niya sa huling salita.

"Unless what?" matapang sagot ni Lucky.

"Unless your jealous with her." prangkang sagot ni Kenneth na ikinagulat namin pareho ni Lucky.

"Unless you jealous with her."

"Unless you jealous with her."

"Unless you jealous with her."

Tama ba ang narinig kong sinabi ni Kenneth? At binalot kami ng ilang segundong katahimikan. Paulit ulit kong naririnig yung huling sinabi ni Kenneth sa isip ko.

Tagusan ang tingin ni Lucky kay Kenneth. Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa kanila. Nagsimula lang ang lahat ng ito sa biglaang closeness nila ng mag-alburutoang tiyan ko sa Loyola Grand Villas.

Nagseselos nga ba si Lucky kay Amber? Hindi ko maiwasang mag isip sa naririnig ko sa kanila. No fucking way that's gonna happened. Unless...

'WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!' Parti ba naman ako pagdududahan ang matalik na kaibigan ko?

"Why would I be jealous with her?" Seryosong tanong ni Lucky.

"Why are you asking me? Ask yourself." Inis na sagot ni Kenneth sa kanya.

'Teka teka hindi ata ako updated sa nangyayari ahh.'

"Are you telling me that i'm jealous of her because...." Binitin ni Lucky ang sasabihin niya at tinitigang mabuti si Kenneth.

"BECAUSE YOU LIKE ME." Si Kenneth na ang tumapos sa sasabihin niya.

"BECAUSE I LIKE YOU?! OH C'MON FUCK ME!" sambulat ni Lucky sa harap ni Kenneth na nanlaki ang mga mata. Literal akong napanganga at muntik ko na ngang maisubo yung mesa. Char!

'Lord birthday po ba ni Lucky o ni Marlon? Nalilito po ako double celebration ata.'

"If you say so.." casual na sagot ni Kenneth. Tengene! Kung ako ang sinabihan niya ng ganun bubula ang bibig ko sa kaba at saya!

"TINUTOKSHIT MO BA AKO KENNETH JAMES ANG!?!?!" Napatayong sigaw ni Lucky. Buti nalang malakas yung sounds sa loob at kami pa lang ang tao sa parte ng terrace kundi may bagong iskandalo na namang pag uusapan sa Carlisle Academy.

Nagulat si Kenneth at natawa sa reaction ni Lucky.

"That's the only reason i can think of why you are acting like that."

Natameme naman si Lucky.

"That's ridiculous accusation!" muntik ng matumba ang mga baso namin sa lakas paghampas ni Lucky sa ibabaw ng mesa.

"Just saying Lucky you don't have to feel guilty.." nakangising sagot niya kaya lalong nag init ang ulo ni Lucky.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa bakit kayo nag aaway?!" Nagtatakang tanong ko at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Walang gustong sumagot sa akin dahil kasalukuyang naglalabanan pa sila ng masamang tingin.

Linapitan ko sila at gumitna sa kanila na pareho naring nakatayo at nagkakainitan na.

"A-ARAY!"

"W-What the hell!"

Daing nila pareho ng sabay ko silang pingutin sa tenga.

"MAGPALIWANAG KAYO PAREHO NGAYON OR ELSE IISIPIN KONG MAG DYOWA NA KAYO!" Madiing utos ko sa kanila. Pareho silang nagulat sa sinabi ko. Sabay ring umupo at wala parin gustong magsalita. Mga vaklang 'to!"ANO NAIINIP NA AKO AT NAGUGUTOM KENNETH, LUCKY."

"Kasalanan niya. Dahil lagi niyang bino-brought up sa usapan si Amber." Parang batang duro ni Kenneth sa nakasimangot na si Lucky.

"Ako pa? Sinabihan mo akong FLIRT ungas ka!" singhal ng nagniningning kong seshie.

"Bakit hindi ba? Anong tawag mo dun?"

"Ahh—i see, so nagseselos ka din kay Justin?" ganting pang aasar ni Lucky at mukhang natumbok niya jackpot dahil muling napatayo si Kenneth.

"WTF? Bakit iniisip mo ding may gusto ako sayo? Psh! Dream on Lucky."

"That's the only reason i can think of why you are acting like that." panggagaya niya sa sinabi ni Kenneth kanina. Napasinghap ng malakas si Kenneth at napahawak ang isang kamay sa bibig na parang hindi makapaniwala sa narinig.

'Tengene nye emeyes keye getem ne getem ne eke!'

"SHUT UP BOTH OF YOU!" sigaw ko at nanahimik sila. "NAGUGUTOM NA AKO KUMAIN MUNA NA TAYO! LUCKY MARAMI KANG IPAPALIWANAG SA AKIN BAKLITA KA!" at iniwan ko sila dahil kumukulo na ang tiyan ko sa gutom kanina pa.

KENNETH'S POV

Hindi pa rin talaga ako maka move on sa pagtatalo namin kanina sa harap ni Andi. I know we both sound so childish but i actually enjoyedour small fight. Kanina lang okay na okay pa kami sa labas. Mula ng pumasok sa eksena yung koreanong hilaw na yun nagkagulo na kaming dalawa.

'WTF?! Ako magkakagusto sa kanya? Malabo pa sa blurred mangyari yun. Tch!'

'If i know pinagseselosan niya lang talaga niya si Amber kaya lagi niyang sinasali sa usapan.'

'But seriously nagseselos siya dun? What the hell? Oo maganda si Amber, sexy ay mukha siyang Barbie pero hindi ko siya type.'

'Mas gusto ko yung mahinhin, tahimik at mabait. Malayo sa mga ugali nilang bulgar at maingay pa sa maiingay.'

Hindi na ulit napag usapan pa yung nangyari kanina. Lumabas na kasi yung birthday celebrant at kinantahan namin siya. Maraming bisita si Marlon majority mga schoolmates namin. Habang kumakain kasama namin sa table yung mga ka team nila sa volleyball. Dito na din kasi sila nag celebrate ng pagkapanalo nila sa volleyball competition.

Isa isang kumakanta ng LIVE yung mga bisita ni Marlon sa stage habang kumakain kami. Mga schoolmates ko din ang tumutugtug sa banda. Kumpleto din ang family ni Marlon sa celebration niya.

"Lucky baka naman pwedeng magrequest kahit isang kanta lang sa stage after mo kumain." Naglalambing na request ni Marlon.

"H-Huh?" inosenteng tugon niya habang tuloy sa pagnguya.

"Sige na birthday ko naman gift mo na yun sa akin." Pamimilit pa ni Marlon.

"Geh geh.. magpapababa lang ako ng kinaen bibirahan kita ng kahit anong kanta." Mayabang na sagot niya.

'Tss, mayabang!'

"Yehey, i love you Ses! Kahit ano basta ibirit mo masaya na ako."

"No problemo Inday!" Saka siya sumaludo.

'Sino si Inday? Ang wiwirdo ng magkakaibigang to.'

"Andi lalabas lang ako ten minutes magbibisyo. Pagbalik ko tugtugan niyo ko nila Olive." Baling niya sa matabang kaibigan na hindi parin tapos kumen ng desserts.

"Sige sesshhie manginginaen muna ako habang wala ka."

'Kakaen pa siya? Di paba siya nabubusog ang dami na nun ah?'

Tumango lang si Lucky sa kaibigan at saka tumayo.

"Sasabay ako tatawagan ko si Wesley." Habol ko kay Lucky na biglang nangunot ang noo. Mas kumportable akong kasama siya kesa maiwan sa harap ng mga kaibigan niya.

"Bahala ka sa buhay mo." At naunang siyang lumabas at sumunod ako.

Umupo ulet siya sa gutter sa gilid ng daan kung saan ko siya nakitang umiiyak kanina.

"Ang bata bata mo pa puro kana bisyo." bungad ko habang nagsisindi siya ng sigarilyo.

"Ikaw din ang bata bata mo pa pakialamero kana."

'Tingnan mo concern na nga yung tao binabara pa.'

"Concern lang ako."

"Thanks pero pass ako diyan sa mga concern mo."

"Sorry pala dun sa sagutan natin kanina." Mahinang sambit ko at umupo ako sa tabi niya.

"You're forgiven."

"Agad agad?" nababalisang sagot niya.

"Bakit ilang weeks ba dapat?" napangiwing sagot niya.

"Tingnan mo to kahit kelan pilosopo!" inambaan ko siya ng hampas at natatawang inilagan lang ako kahit wala pa.

"Charot lang!" sabay bawi niya. Nakakainis palagi nalang akong pinagti-tripan nito.

"Bakit natatawa ka?" sita ko sa nakakainis na pagngisi ngisi niya habang naninigarilyo. Mukhang may pinaplano na naman siyang masama.

"Wala naman." Salubong ang kilay niya at kuhang kuha niya yung kilos ng mga lalaking tambay na naningarilyo.

"Meron yan sabihin muna.." pangungulit ko, ngayon pa ba siya mahihiya sa dami ng napag usapan namin kanina.

"Okay fine.. naalala ko yung napanuod ko noon sa Meteor Garden." Napipilitang sagot niya. "Ang sabi ni Dao Ming Si "Kung makukuha sa sorry ang lahat, aanhin pa ang mga parak?" sabay hithit niya hawak niyang sigarilyo. Parang lalake talaga siya kumilos hindi man lang siya kumilos ng pino kagaya ng mga kaibigan niyang bakla.

"Diba yun naman ang gusto mo ang madaan sa sorry ang lahat tapos gagaan na ang nararamdaman mo kapag nakapag sorry na sayo." Paalala ko sa gusto niyang mangyari kanina ng mag usap kami.

"S-Sinabi ko yun?" Nagtatakang tanong niya.

"I told you, be careful what you wish for."

"Sorry Genie in the bottle!" sarkastikong sagot niya at sinabayan ng malakas na tawa. Baliw!

"Bilib din talaga ako sa mga taong nakangiti kahit maraming problema." mahinang sambit ko.

"Oo naman pero mas bilib ako dun sa mga taong naka varsity jacket kahit tanghaling tapat at tirik ang araw." Seryosong sagot niya at sabay kaming tumawa ng malakas ng makuha ko yung gusto niyang sabihin.

'May sapi din to eh.'

Pagpasuk namin sa loob tapos ng kumain si Andi at ang iba nilang ka grupo.

"Seshie, ano ready na ikaw na next doon." Turo niya sa stage. "Stone Cold ni Demi Lovato nalang ang kantahin mo paborito yun ni Marlon matutuwa yun sigurado." Pangungumbinsi ni Andres. Anong kanta naman yun?

"Keri lang." Balewalang sagot ni Lucky.

"Guys kayo na ang next dun na kayo sa harap tara." Si Marlon habang hawak yung paper bag na may lamang regalo. Lumingon si Lucky sa direksiyon ko na parang nagpapaalam at hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ako bigla napatango.

"Ases.. Ases!" sabay kaming napalingon kay Andi at sa amin ito nakatingin. Pakshet! Nakita niya pa yun?

Nagpanggap akong kunwaring walang nadinig at umupo ulet ako sa pwesto ko kanina. Ibinaling ko sa stage ang paningin ko pero na kay Lucky ang buong atensiyon ko habang naglalakad sila papunta sa stage. Kasalukuyang inaayos ng mga kasama nila ang instrumento at nagkukwentuhan naman sina Lucky, Marlon at Andi.

'Astig puro sila babae. Ay, hindi pala. He he he!'

Nagpalakpakan ang mga nasa audience ng makitang naka ayos na sila. Nasa gilid lang ako nakaupo katabi yung isa pa nilang ka team si Wheng yung mukhang tomboy. Umupo si Lucky sa may kataasang itim na bar stool chair at humawak sa mic stand sa gitna ng nagsimula ng silang tumugtog ng piano si Andi.

Song Title: Stone Cold by Demi Lovato

Stone cold, stone cold

You see me standing, but I'm dying on the floor

Stone cold, stone cold

Maybe if I don't cry, I won't feel anymore..

Tahimik ang lahat ng magsimulang kumanta si Lucky. Hanggang ngayon napapahanga niya pa din talaga ako sa tuwing kumakanta siya. Mukhang hindi lang ako, tahimik at tutuk na tutok ang lahat sa kanya na para siyang palabas sa isang pelikula.

Stone cold, baby

God knows I tried to feel

Happy for you

Know that I am, even if I

Can't understand,

I'll take the pain

Give me the truth, me and my heart

We'll make it through

If happy is her, I'm happy for you..'

Hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Inaabangan ko ang bawat galaw ng mukha niya, yung pag buka ng bibig niya, pagpikit ng mata kasabay ng paghampas ng mahabang pilik mata niya kitang kita ko mula sa kinauupuan ko.

Stone cold, stone cold

You're dancing with her, while I'm staring at my phone

Stone cold, stone cold

I was your amber, but now she's your shade of gold..

Kakaiba yung hagod ng boses niya mataas o mababa man yung tono ng kanta. Para siyang professional singersa mga galawan niya. Mahusay siyang humugot ng emosiyon sa bawat lirikong ibinubuga niya. Yan ang isang kahanga hanga sa kanya dahil kaya niyang ikwento o ilahad ang kanta na siguradong madadala ka. Malamang iniisip niya ngayon yung karanasan niya sa ex niya kaya ganyan na lang siya ka drama kumanta. Tss! Kainis nakakahawa yung lungkot niya.

Stone cold, baby

God knows I tried to feel

Happy for you

Know that I am, even if I

Can't understand

I'll take the pain

Give me the truth, me and my heart

We'll make it through

If happy is her, I'm happy for you'

His voice is captivating and mind blowing. Effortless partida nakaupo lang niyang kinanta ang mataas na song number na yun. Sobrang na a-amaze ako at hindi ako makaget over sa husay niya. Nagpalakpakan ang mga bisita ni Marlon sa husay ni Lucky. Kahit ako hindi ko namalayang pumapalakpak na pala ako pagkatapos nila.

"Thank You. Thank you." At saka siya nag bow sa harap.

"Grabe ka ses effortless kinabog mo ang Asia's Song Bird. Ako manager mo kapag sikat na singer kana." Natatawang biro ni Marlon bago yakaping ng mahigpit ang kaibigan.

"Hoy assistant manager ka seshie dahil ako ang Manager niya." Singit ni Andi at hinila papalayo si Lucky.

"Mga abnoy! Hindi ko pingarap maging singer." Hinila ni Lucky ang braso at inambaan ng suntok ang mga kaibigan na halos lumuwa ang mata sa nalaman.

"Ano bang gusto mo?" Sabat ko sa kanila. Napalingon naman sa akin ang ilang kaibigan niya.

"Gusto ko?" at napanguso siya habang nag iisip. "P-Pangarap ko maging Piloto." Seryosong sagot niya habang nakatitig sa akin. Piloto? Anong na naman g trip yun? Sa ganda ng boses niya gusto niyang maging piloto?

'Tss, malamang para sundan ang ex niya sa America.'

"Bakit naman Piloto?" si Andi na nagtataka sa sagot ni Lucky. "Sayang ang naman ang talent mo seshie!" puno ng panghihinayang na dugtong niya.

"Piloto para masundo ko lahat ng mga taong iniwan sa ere." Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa direksiyon ko.

'Abnormal talaga.'

"Wala tokshit ka Gonzaga iinum mo yan!" at nagtawanan ang mga kaibigan niya.

LUCKY'S POV

"Thank you sa paghatid." Nahihiyang sambit ko paghinto ng sasakyan niya.

"You're welcome." tipid na sagot niya.

"Sorry na din pala dun sa mga pagsigaw sigaw ko sayo kanina." Sabay bitaw ko ng buntong hininga.

"Weird mo talaga. Mag ti-thank you ka tapos ngayon hihingi ka ng sorry?" kinalas niya ang seatbelt at binuksan ang ilaw sa loob.

"Ewan ko ba bipolar na ata ako eh."

"Ako dapat ang mag thank you sayo Lucky." seryoso pero nakangiting tugon niya.

"Bakit ano bang ginawa ko ngayong gabi bukod sa awayin ka?"

"Hindi ko alam pero masaya ako kahit na wala yung pinsan ko ngayon hindi mo ko iniwang mag isa sa party ni Marlon."

"Sauce meh, akala ko naman ano na. Oo naman 'e di lagot ako sa pinsan mo kung pinabayaan kita."

"Siya ang lagot sakin pag uwe ko ang sabi niya susunod siya tapos sa huli hindi na pala makakapunta."

"Yaan muna valid naman ang reason niya."

"Sabagay pero alam kong mag e-enjoy sana yung kumag na yun kung makakasama ka niya." Seryosong sagot niya.

'Mag e-enjoy? Ano to ekskarsiyon?'

"Salamat din pala dun kanina."

"S-Saan?" kunot noong sagot niya.

"Dahil nakinig ka sa isang bahagi ng drama ng buhay ko. Kahit papaano nakakahinga na ako ng maluwag luwag ngayon."

"Your secret is safe with me." Nakagiting sagot niya.

"Hindi ko kasi ugaling magkwento sa iba. Sanay akong sino-solo ko ang problema."

"Maganda din yung may pinag sasabihan ka. Mga kaibigan o pamilya dahil hindi ka naman nag iisa."

"Nahihiya kasi ako. Feeling ko hindi nila maiintindihan ang pinagdadaanan ko dahil iba ako sa kanila."

"Hindi ka naiiba sa kanila. Nagmahal ka lang at walang masama dun."

Tinitigan kong maigi si Kenneth dahil nawi-wirduhan talaga ako sa kanya sa buong gabing magkasama kami. Parang hindi kasi siya yung hambog na Kenneth na nakilala ko na pinsanng may tagas sa ulong si Wesley Ongpauco.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong niya.

"W-Wala naman. Naninibago lang ako sayo. Hindi kasi ganito yung pagkaka kilala ko sayo." Prangkang sagot ko pero hindi ko mapigilang matawa sa huli.

"Sige pagtawanan mo lang ako. Pero kapag umiyak ka ulit wag na wag kang lalapit sa akin." Mayabang na tugon niya. Nangati ang nag iisang puyo sa ulo ng marinig ko ang pasimpleng panunumbat niya.

"Ah ganun na nunumbat kana? Grabe may napansin lang.."

"Hoy hindi ako nanunumbat!" Turo niya sa mukha ko at hinampas ko agad yung kamay niya.

"HINDI SUMBATERO KA!" sigaw ko sa kanya.

"What? Are you insane?" Di makapaniwalang sagot niya at napakamot sa braso.

"ANO ISUSUMBAT MO DIN YUNG PAGHATID MO SA AKIN NGAYON!?" inunahan kona mukhang dun din papunta sa hilatsa ng mukha niya 'e. "SIGE BABAYARAN KITA! IISIPIN KO NALANG TAXI DRIVER KA!" walang prenong ngalngal ko.

"SHUT UP!" Malakas na sigaw niya.

"EH IKAW KASI ANG NAG--"

"PSSSSHHHHHHH!!!" tinakpan niya ng isang kamay ang bibig ko at ang isang daliri niya sa bibig niya na sumisenyas na manahimik ako.

"Whew! Grabe yang bibig mo ang ingay ingay! Hindi ka ba napapagod?" iritabling sagot niya saka inalis ang kamay sa bibig ko.

"Depende kapag may naka salpak sa bibig ko tumatahimik ako." Derechong sagot ko. At kitang kita ko ang biglang panlalaki ng mga mata niya at sinabayan ng pamumula ng tenga.

'Shit? May sinabi ba akong mali?'

Pinitik ko yung noo niya.

"Ouchh!" Inis at napakamot siya sa noo.

"Pagkain ang tinutukoy ko MISTER KENNETH JAMES ANG! Baka kung anong iniisip mo!" At inirapan ko siya.

'Bastos na bata.'

"B-Bakit ano ba sa t-tingin mo ang iniisip ko?" Nauutal niyang sagot at hindi makatingin ng derecho.

"Malay ko ba diyan sa maruming utak mo!"

"Hoy, wala akong iniisip na bastos sa sinabi mo. May naalala lang ako!" Namumula padin yung tenga niya.

"Eh bakit ang pula pula ng tenga mo?" mabilis kong hinawakan ang tenga niya. Ang init!

"Ano ba! Huwag mo ngang hawakan ang tenga ko!" napipikang sigaw ni Kenneth habang hinawi ang kamay ko.

"Arte mo hinawakan lang bakit mabubuntis ka ba kapag hinawakan ka sa tenga?" pang aasar ko sa kanya.

"Babae lang ang nabubuntis at lalaki ako!" present ang mga litid sa noo at leeg niya. Ang cute cute niya talaga kapag napipikon. Hahahahah!

"Joke yun Kenneth, Joke! Seryoso mo masiyado maaga ka tatanda sinasabi ko sayo." Umiiling na sagot ko.

"Hoy! Kung tatanda ako sabay tayong tatanda pareho dahil mag ka edad tayo!" Sigaw niya at hinihingal na binuksan ang bintana ng kotse niya.

"So nakikita mo ang sarili mong tumanda kasama ako? Is that what you mean?" sige tingnan natin kung tatagal ka sa asaran sa akin.

"What? Are you kidding me?" bahing nalang nag paos na gagamba mukhang sagad na sagad na ang pasensiya niya.

"No i'm serious Kenneth." Pinipigilan kong huwag matawa. Laptrip! Ang sarap niyang pikunin para siyang bata na iiyak kapag hindi nakakaganti sa kalaro.

"Are you flirting with me Lucky Gonzaga?" nanibago ako sa baba ng boses niya. Pakiramdam ko ibinulong niya yun sa mismong tenga ko. I like the sound of it. Parang bagong gising, medyo husky ang bedroom voice ni Kenneth.

'Wait, do i look like flirting with him? OMG yun ang napapansin niya eh. CHANGE OF PLAN!!'

"What if i am flirting with you Kenneth." Sinadya ko ring hinaan at husky ang dating boses ko para malaman ko kung may ilalaban ako.

Kitang kita ko kung papaano ang sunod sunod na pag galaw ng Adams apple niya at dalawang beses pa itong napalunok. Whoa! Grabe kinagat niya pa yun? Malakas na sigaw ko sa isip. Dahan dahan kong kinagat ang pang ibabang labi ko at sadya kong binasa ng laway ang lips ko.

Muntik ng sumabog ang tawa ko ng makita kong dahan dahang tumutulo ang pawis niya sa noo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nag e-enjoy ako sa nakikita kong reaction niya. Tangena, kahit kailan hindi ko pumasok sa isip kong mang akit ng kahit sino. Pumikit pikit ako sa pinaka nakakaakit na parang alam ako. Pakshet! Mukhang tinablan si loko!

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko sa loob ng kotse niya at nakita kong mabilis siyang napapunas ng pawis sa noo. "Gotcha!!" hindi ako tumigil sa pagtawa habang nakaturo sa pawisang mukha niya.

"Your crazy bastard! Get out my car!" Malakas na sigaw niya sa mukha ko. Lumapit siya akin at siya mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Masiyado kaming malapit sa isa't isa. Halos nakadikit na yung tenga niya sa mukha ko.

At may naisip na naman akong paraan para lalong asarin siya.

"Thanks for the ride payatot!" nang aakit na bulong ko. Sinadya ko talagang idiin ang lips ko sa nagbabagang tenga niya at bigla siyang natigilan sa ginagawa.

Sunod sunod ang naging paghinga niya. Sa takot ko mabilis akong kumilos at nagmamadaling kong binuksan yung pinto at saka ako bumaba.

Pagkasara ko ng pinto kumaway lang ako sa kanya at nagulat ako ng mabilis niyang pinaharurot yung kotse niya papalayo.

'Pikon ampota!'

To be continued...


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C29
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン