アプリをダウンロード
38.09% Lucky Me / Chapter 24: LUCKY TWENTY FOUR

章 24: LUCKY TWENTY FOUR

CHAPTER 24

KENNETH'S POV

Wesley O.

+639162345678

04:48pm

Bro. Saan ka? Manunuod ako ng laban nila Lucky ng volleyball. Sunod ka. :D

'Psh, siyempre papahuli ka pa ba eh halos awayin mo na nga ako kagabi sa phone dahil sa ayaw silang tantanan ng grupo ni Amber malamang bantay sarado mo ang mga yan ngayon.'

Sa totoo lang naiinis narin ako sa mga ginagawa ni Amber. Marami ng taong nadadamay dahil sa mga walang kwentang dahilan niya at ayaw niya akong malapitan ng iba. Bakit kami ba? Marami namang nagkakagusto sa kanya sa campus bakit hindi nalang yun ang patulan niya.

Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit in-entertain ko pa siya noon.

* * * F L A S H B A C K * * *

2 Years Ago...

"Hi! I'm Amber." Masiglang bungad ng isang babae sa harap ko pagkasara ko ng pinto ng locker. Hindi ako sumagot at lalong hindi ako ngumiti. Lalampasan ko na sana siya pero nahawakan niya ako sa braso. Sarkastiko akong napangiti habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso. "I said my name is Amber Gutierrez."

"Hi Amber." Walang ganang sagot ko at saka ako naglakad dahil male-late na talaga ako sa unang klase ko.

"I'm a new student here." mabilis na habol niya at hinawakan ang bag ko kaya ako napahinto. So? Hindi naman ako interesado. "Hindi ko pa kasi kabisado yung school pwede mo ba akong i-guide?" hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Obvious kasi na n agpapa cute siya dahil ilang ulet siyang pakurap kurap ng mga mata.

"I'm sorry may klase pa kasi ako kaya ako nagmamadali." Maikling paliwanag ko. "If i were you Miss punta ka nalang sa office of student affairs.. i'm sure may mag a-assist sayo doon." Sinipat ko ang relo ko. "Sorry i really have to go." nag mamadaling pa alam ko sa kanya dahil mali-late na talaga ako.

"WAIT!!" Biglang sigaw niya kaya wala akong nagawa kundi ang huminto at lingunin siya ulet. Hindi ito ang unang beses na may lumapit na babae sa akin sa parehong istilo.

"Miss, I'm sorry may klase pa ako at ayoko sanang ma late." Pormal na sagot ko.

"I know and i understand." Nakangiting sagot niya at napilitan akong ngitian siya bago tumalikod. "Nakita pala kita sa parking lot kanina magkatabi kasi yung mga kotse naten.." bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. FUCK! Nakita rin kaya niya ang nangyare ng mag park ako ng kotse kanina?

"The truth is.. i saw what happened earlier when you parked your car..." kwento niya binitin yung iba pang sasabihin at tumitig sa akin. Nice. Siguro naman hindi ko na kailangang hulaan kung anong susunod niyang sasabihin.

"So?" walang emosiyong sagot ko at umayos ako ng tayo.

"Nothing actually.." maarteng sagot niya. "Nakita ko kasi yung may ari ng sasakyan kanina but don't worry hindi kita ire-report or anything..but in one condition.." Nakangiting sabi niya at naglakad papalapit sa harap ko.

'Psh, kabago bago nang ba-blackmail na. Actually kaya kong bayaran ang damage nung sasakyan. Ang ayoko lang, malaman ng grand parents ko ang nangyare dahil malalagot ako at mabubuko nilang hindi ako umuwe ng bahay kagabi.'

"Who care's? Do what makes you happy." Iritabling sagot ko at para siyang batang nag tantrums at nagpapadiyak ang isang paa.

"Bakit ba masiyado kang pakipot?!" hinawakan niya ako braso.

"A-Anong pakipot?"

"Ikaw masiyado kang pa hard to get. Your secret is safe with me. I'll never tell anyone i saw today all you have to do is to be my guide. Sasamahan mo ako ngayong mag ikot sa campus." At hinawakan niya ako sa braso at walang sabi sabing hinila ako papalayo ng locker area.

* * * E N D OF F L A S H B A C K * * *

Nasundan pa yun ng iba pang pamba blackmail niya dahil lahat ng kilos sa loob ng campus bantay sarado niya. Ako naman si tanga pinagbigbigyan lang siya. Wala babae yun 'e baka anong isipin sa akin ng ibang students kapag binastos ko siya. Inisip ko nalang kusa naman siyang titigil kapag nagsawa siya. And besides alam naman niyang hindi ako intersado sa kanya.

Nalaman ko din na step dad niya ang owner Carlisle Academy. Yun ang kwentong narinig ko sa mga ka team ko habang na pinagkwe-kwentuhan nila one time kung sino si Amber sa locker area. Dahil matunog ang pangalan namin ng pinsan kong si Wesley sa campus madali ring umingay ang pangalan ni Amber. Hanggang umabot sa puntong pinagkakalat niyang mag on na kami. Nagtampo pa si Wesley sa akin noon dahil nagka girlfriend ako ng hindi ko man lang daw sinasabi sa kanya.

Naging maugong ang pangalan niya sa school dahil sa bali-balitang nag di-date kame at panay ang punta niya sa bawat basketball practice ko.

* * * F L A S H B A C K * * *

"Amber anong bali-balitang naririnig ko na nag di-date daw tayo?" Hinila ko siya sa isang side ng canteen para malaman niyang hindi ako natutuwa sa ipinagkakalat niyang balita.

"Sakyan mo nalang kumalat na nga diba?" maarteng sagot niya at panay ang kaway niya sa mga students na nakakita sa aming dalawa.

"That's ridiculous!" Di makapaniwalang bulalas ko sa harap niya.Hindi naman sa nagpapa hard to get ako tulad ng palagi niyang sinasabi. Hindi ko lang talaga ang kagay aniya ang mga tipo ko.

"What's wrong Kenneth single ka at single ka din naman ako." taas kilay na sagot niya.

"Yes, and i want to stay that way." Prangkang sagot ko ba ikinatulala niya ng ilang segundo.

"Bakit Kenneth hindi mo ba ako type?" taas noong tugon niya. Isang bagay na inaayawan ko. Ayoko sa lahat pinapangunahan ako sa gusto ko.

"Hindi sa pakikipag relasiyon ang focus ko."

"Really? I heard never ka pang nagkaka girlfriend." Natatawang sagot niya.

"Its none of your business."

"Its my kind of business actually. Ngayon pa na kumakalat na tayo na bakit hindi pa natin totohanin. Well, Unless.." maarteng sagot niya.

"Unless what?"

"Unless you're gay." Malakas na sagot niya kaya napatingin sa amin na naman yung mga dumaraang students. This is crazy. She's totally crazy and pain in the ass.

Sa inis iniwan ko siyang mag isa at saka ko niyayang umalis si Wesley.

"Mamaya 5PM antayin kita sa parking lot Kenneth." Pahabol na sigaw niya.

* * * E N D O F F L A S H B A C K * * *

Matagal tagal ko ring sinasakyan ang lahat ng kabaliwan niya sa school. Minsan ako ang nagiging escort niya sa mga events sa campus. Minsan na i-invite kami sa mga events outside ng school at siya rin ang madalas kong nakakapareha. Madalas hindi na ako makatanggi dahil kalat na kalat na sa campus ang tsimis na may relasiyon kaming dalawa.

Hanggang sa dumating yung puntong may nakakita sa kanyang ilang schoolmates ko na kasama ibang lalake sa isang bar. At nakunan siya ng mga pictures at videos na nakikipag yakapan. Mabilis na kumalat sa iba't ibang isang blog site sa Carlisle ang videos. At ang issue na yun ang ginamit niyang dahilan at ipinalabas sa lahat na naghiwalay na kame para hindi siya mapahiya pa sa campus.

Ngayon naman may bago na naman siyang drama. Ang awayin ang lahat ng students na lumalapit sa akin sa campus. At ang latest victim ng grupo niya ay sila Lucky at Andi.

"Tss, parehong pareho sila first day palang ang sakit n anila sa ulo." Napailing nalang ako habang naglalakad papuntang gymnasium. Hindi ako manunuod ngayon dahil imbitasiyon ni Wesley. Nandito ako dahil napapayag ako ni Amber na manuod sa game nila kapalit na hindi na niya pakikialaman ang magkaibigan.

Nagising lang ako sa malalim na pagiisip ng tawagin ako ni Wesley. Pinigilan kong huwag mapangiti ng makita ko kung sino ang mga kasama niya. Si Lucky na mukhang hindi kumportable sa maiksing PE short na suot niya at si Andi na may bitbit na plastic ng mga pagkaen sa magkabilang kamay niya.

Pero hindi pa nag uumpisa ang laban gumawa na naman ng bagong eksena at ingay si Amber at ang grupo niya. Nakaramdam ako ng awa para sa dalawa at nawalan ako ng ganang manuod.

Buti nalang tinawag ako ng isang ka team ko sa basketball na tumabi sa block nila dahil sinusuportahan niya ang girlfriend niya na maglalaro sa preliminary round. Naaliw at nalibang naman ako habang pinapanuod kong maglaro ang Tean nila Andi at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa husay nila maglaro. Bukod sa ingay ng mga bibig nitong dalawa may tinatago pala silang talento sa paglalaro ng volleyball. Lalo na si Lucky parang professional volleyball player dahil sa husay na pinakita niya sa loob ng court kanina.

Mahusay din ang team nila Amber match na match ang mga team nila. Tiyak magiging masaya at ka abang abang ang laban nila sa friday.Kahit nga ngayong tapos na ang laban pinag uusapan parin ang laban nila sa campus at maging ang magaganap na laban sa friday.

'Exciting 'to manunuod ako.'

Nang matapos ang laban ng bawat section nagpaalam na ako sa kaibigan ko at mga kasama niya. Tulad ng inaasahan ko sinalubong ako ni Amber ng makita niya akong naglalakad.

"May celebration ang team namin ngayon gusto mo bang sumama?" may kayabangang imbita niya habang tinatakpan ang pink tumbler na hawak niya.

I gave her a blank stare.

"Kailangan ko ng umalis pinuntahan ko lang si Wesley dahil may usapan kami kanina." Naglakad na ako palabas ng gym at narinig kong tinawag niya ang pangalan ko habang humahabol.

Huminto siya sa harap ko at hinawakan ako sa kanang balikat. "Ang usapan naten pupunta ka dito para panuorin ang laban ng team namin!" Yan na naman yung tono niya na kinaiinisan ko. Masiyado siyang demanding na parang may responsibilidad ako sa kanya.

"Oh? Nagpunta naman ako ah anong problema?" may pagka sarkastikong sagot ko.

"Oo pero sa ibang bench ka umupo! Ang usapan naten panunuorin mo ang laban ko!"

"Bakit tumupad kadin ba sa usapan natin?" ilang sandali siyang natameme at tinitigan ako. "See? Look Amber kung anumang bagay ang naglalaro diyan sa utak mo just get on with it.. Tutal wala namang nakakapigil sayo. And for the record hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi ang pinsan ko." Tatalikuran ko na sana siya ngunit mahigpit niyang nahawakan ang braso ko. WTF is her problem?

"Ang pinsan mo ba talaga o yung mga baklang yun ang ipinunta mo?" Galit na sambit niya habang mahigpit na nakahawak sa braso ko. 'Ano ba pinag sasabi nito?' "Bakit nagulat ka? Akala mo hindi ko alam? Halatang halata ka Kenneth para ka ring si Wesley sunod sunuran sa mga baklang yun!" bulyaw niya.

"Huwag mong idamay ang pinsan ko dito Amber. Kung may problema man dito ikaw yun." duro ko sa kanya at hinila ko pabalik ang braso ko.

"Bakit Kenneth kinakampihan mo din ba sila? Na mas gusto niyong magpinsan na kasama sila kesa sa akin at mga kaibigan ko?" nanggagalaiting sagot niya.

'Another non ending drama. Nakakasawa na talaga.'

"Bakit kailan ba ako sumama sa kanila? Sayo o sa mga kaibigan mo?"

"Huwag ka ng mag deny dahil may ebidensiya ako. Ano bang meron sa mga salot na baklang yun na wala ako at mga kaibigan ko?" nag uumpisa ng mag umpukan sa daan ang mga students na nakakakita sa pagtatalo namin. Ito ang gusto ni Amber ang palaging nasa kanya ang atensiyon ng lahat.

"Baka nakakalimutan mo ikaw lang may gusto nito ang magpanggap sa harap nila na maging tayo." Hindi ko na natiis na patulan siya dala ng inis ko. "Kahit nga hindi naging tayo nagawa mo ng manloko. Ano pa kaya kung totoong naging tayo--"

"PAAAAKKKK!" sing bilis ng pag spike niya sa bola ang pagdapo ng kamay niya sa mukha ko.

Biglang umugong ang bulungan sa paligid namin ng makitang sinampal ako ni Amber.

I think i deserve it. I was mean to hear, but it doesn't mean she can hurt anyone she likes. Masiyado din akong nagpadala sa galit ko kaya bigla kong nailabas yung sama ng loob ko sa harap niya. Pero hindi ko pinagsisisihan yun mas okay na yun para itigil na niya lahat ng kalokohang inumpisahan niya ilang taon na.

"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan na parang ako lang ang may gusto nito. Bakit kung hindi dahil sa impluwensiya ng family ko sa tingin mo aabot ka sa kinalalagyan mo ngayon? Ginusto mo din naman diba? So nag gamitan lang tayo." Galit na galit na sumbat niya. Nagtitigan kaming dalawa. Wala akong nakitang pagsisisi sa mga mata niya. Taas noo pa siyang nakatingin na parang nakaka proud ang manakit ng kapawa. Masiyado siyang kinakaen ng kapraningan niya.

"Huh—" sarkastiko akong napangiti. "Bago ka pa dumating sa Carlisle kilala na ako Amber. At kahit kailan hindi ako gumamit ng ibang tao para makilala kung sino ako. " sarkastikong sagot ko at bigla nalang niya akong binuhusan ng tubig sa mukha. Napapikit nalang ako para kalmahin ang sarili ko.

"OH MY GOD! GIRLS BINUHASAN NIYA NG WATER SI KENNETH!"

"OMG MALAKING GULO TO JEAN!"

"NAKUNAN MO BA NG VIDEO YUNG GINAWA NI AMBER, EDEN?"

"AKO PA BA LAHAT NAKUNAN KO PATI YUNG PAG UUSAPA NILA KANINA!"

"GRABE, MALAKING ISKANDALO 'TO NGAYON. KAHAPON SI LUCKY GONZAGA ANG SINAMPAL NIYA NGAYON NAMAN SI KENNETH ANG."

"KAWAWA NAMAN SI KENNETH. NAMULA TULOY ANG MUKHA NIYA."

Nabigla talaga ako sa ginawa ni Amber. Hindi ko inaasahang magagawa niyang bastusin ako sa harap ng mga students. Una sampal at ngayon binuhusan naman niya ako ng tubig. WTF!

"Now are you happy?" napaatras siya ng bahagya ng nakapamulsang yumuko ako para mag pantay ang ulo namin. Magpasalamat siya dahil ipinanganak siyang babae. Buong buhay ko siya lang ang nag iisa at naglakas loob na pagbuhatan ako ng kamay. Ang sigaw sigawan ako o utusan ako kung kailan niya gusto. Ilang taon ko na siyang pinagbibigyan. Maybe its time na ipakilala ko kung sino talaga si Kenneth James Ang. Pagtatawanan ako ni Wesley sigurado. Sigh.

Pinili kong iwan siya mag isa. At dun siya nagsimulang magsisigaw na parang nababaliw at pinagmumura ang mga students na nakiki usiyoso. Sa inis ko dumerecho ako ng parking lot at hindi ko na antay si Wesley.

LUCKY'S POV

THURSDAY.

Naka jeans kami ngayon. MWF uniform at TTH civilian. Ganyan ka cool sa Carlisle para kaming mga college students kaso hindi ganun ka cool ang mga students.

Mayayaman nga bully naman.

Magaganda nga daig pa ang huklubang mangkukulam ang mga ugali.

Mapuputi ang kulay pero maiitim naman ang budhi.

'Buti pa si Andi kahit maitim at panget sobrang mabait naman at may TALENT!'

'Peace Andres!'

Nauna akong pumasuk dahil usapan namin ulet ni Andi sabay kaming mag bi-breakfast nila Marlon para pag usapan ang mga strategy namin para sa magaganap na laban namin bukas.

Una ko ng nakita si Marlon sa tambayan namin ni Andi dahil dun ang meeting place.

"Good morning ses! Maygad ang aga aga ang ganda mo Lucky! Anong sekreto mo teh?" Masiglang bati ni Marlon na sobrang mahilig sa lalake. Nagbeso beso muna kami bago ako maupo sa usual spot ko.

"Shunga 'e di hindi na sekreto yun kapag sinabi ko sayo." Inirapan ko siya ng malala.

"Ang asim ano may mens ka?!"

"Tseh! Ano gutom ka na ba? Ang tagal ni Andres baka nagmumumog pa ng gluta." Biro ko at sabay kaming tumawa ng malakas.

"Sabihin mo yan sa harap niya para duraan ka niya ng pure Glutha!"

"Tss! Asa naman na tumalab yun dapat dun ibaon sa white sand ng two hundred years para pumuti!"

"Kawawang Andres!" buntong hiningang sagot niya.

"Yan ang napapala ng palaging late sa usapan."

"Tara ses samahan mo nalang ako sa Gym dun sa Pool Area nandun kasi si Ser Vasquez kukunin ko yung schedule ng laban natin bukas at yung excuse letter ng mga players para sa last subject natin before ng game."

"Tara tara text ko nalang si Andi para sa canteen na siya dumerecho baka magka salisi pa tayo 'e." Mabilis na sang ayon ko atleast may gagawin kaming iba habang nag aantay kay negra.

Naglakad kami papuntang Gymnasium dahil sa kabilang side lang ang Olympic size pool na ipinagmamalaki ng Carlisle. Tumuloy kami dun sa faculty office ng Physical Ed Department para i-check pero wala si Sir Vasquez. Nasa pool area na daw at may klase. Kaya kailangan pa naming hagilapin siya kung saan siya nagtuturo.

Pagpasok namin biglang nanlaki yung mata namin pareho ni Marlon dahil nagkalat ang mga lalakeng naka trunks sa boung pool area. Napalunok ako ng tatlong beses habang naglalakad sa pool side.

'In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Amen.'

Halos matuyuan kami ng laway ni Marlon sa mga ipinagmamalaking tourist spots ng Carlisle Academy. Ang mga nagtataasang bundok ng Sierra Madre, ang mga bukol bukol na bundok ng Chocolate Hills, ang matulis at matayog na Mount Mayon at ang mga nawawalang nutriban at red bull sa canteen.

Nandito sila sa harap namin ngayon mga ses at seshie. 'Juice Colored dapat pala dito kami mag almusal mamaya hindi sa canteen!'

"Ang malas ni Andi hindi natin siya kasama." bulong ni Marlon na parang napo-possess ang mga mata sa dami ng sumanib na malalanding kaluluwa.

"Ayos lang atleast safe ang mga yan sa mata ni Andi mamaya sakmalin na lang niya lahat yan ng walang paalam 'e." Mahinang bulong ko at sabay kaming natawa.

"WIT-WEEWW!"

Sabay kaming napalingon ni Marlon sa isang grupo ng mga lalakeng naka blue trunks sa kabilang side ng pool.

"HI BOYS!" Malanding kaway ni Marlon sa kanila.

"Hi Lucky!" nagulat ako ng banggitin ng isang lalake ang pangalan ko. Kumaway lang ako bilang sagot.

"Kamusta laban niyo kahapon sa volleyball sino lamang?" Tanong ng isang cute na student na nadaanan namin. Pinagpawisan ako ng malamig ng mabaling ang tingin ko sa naghuhumiyaw na four packs na abs niya.

"Ahh--ahhh--" hindi makasagot si Marlon dahil tutok na tutok ang mga mata niya sa nakabukol sa harap ni kuya. Pasimple ko siyang siniko."Ayon mukhang lamang yung Purefoods sa Alaska." napapangangang sagot niya habang nakatitig sa hindi pantay na balls ni kuya. At biglang nagtawanan ang mga kasama nito ng ma-gets ang ibig sabihin ni Marlon. Nakitawa narin ako kasabay nila. Taena ayokong ma gang rape kapag di ako makisama.

"Gagah, yung game naten kahapon ang tinutukoy niya." Bulong ko kay Andres.

"Ahh yun bukas ang finals at yung Scarlet Macaw ang makakalaban namin." Biglang bawing sagot ni Marlon.

"Sige manunuod ang buong section ng PEACOCK i-cheer namin kayo! Lalo na ikaw Lucky sobrang galing mo pala sa bola." Iba ang naging translation ng utak ko sa sinabi niya. Nakangiting lumapit habang nakatingin sakin.

"Basta balls magaling ako diyan." Sinakyan ko nalang.

"I'm Dave by the way." Pinunas niya muna sa abs niya ang basang kamay bago iaabot ang kamay sa akin.

"L-Lucky Gonzaga." Tipid na sagot ko.

"Mas maganda ka pala talaga sa malapitan." Napakamot ang isang kamay niya sa ulo.

"I-Ikaw din mas malaki... este mas matangkad ka pala sa malapitan.." kinakabahang sagot ko habang nakikipag kamay.

'Lintek na abs yan ilayo niyo yan saken at na di-distract ako!'

"Nice meeting you Lucky. Manunuod kami ng buong team sa laban mo." Hindi ko alam kong nag papa cute siya o ano dahil kahit hindi siya mag effort cute naman talaga siya.

"Eherrm. Laban ko rin yun Dave kasali ako sa team." Singit ni Marlon. "Anyway, boys kapag nag cheer kayo ganito dapat ang sigaw niyo."

"I WANNA SEE YOUR PEACOCK COCK! COCK! YOUR PEACOCK COCK! COCK!" panggagaya ni Marlon sa kanta ni Katy Perry na Peacock habang nakatingin sa pea'cock ni Dave kaya nagtawanan muli ang mga ka team niya. Pisti!

'Kingenang 'to mas malala pa kay Andres, dalian mo neng baka ma gang rape tayo dito!'

"Oh sige mauna na kame. Nuod kayo boys ahh dapat naka trunks pa din kayo. He he he." At hinila ko na siya papunta sa dulo kung saan nakita ko na si sir Vasquez.

Matapos naming kunin ang schedule dumerecho na kami sa canteen para mag take out ng food. Habang naglalakad nakita naming nag uumpukan ang mga students sa mga bench sa ilalim ng mga puno.

"Marlon ses, halika dali nakita mo na ba 'to?" Biglang sigaw ni baklang Eric na kaibigan din namin ni Andi sa ibang section.

"Ano yan ses? Mga baklang 'to! Aga aga dito pa kayo nanuod ng mga sex scandal kaloka kayo!" sigaw ni Marlon habang papalapit kami sa kanila. Inabot ni Eric ang phone niya sa amin. Hindi ko masiyadong pinagtuonan ng pansin ang video pero sumisilip silip ako.

Sa video makikita ang dalawang student na magkaharap at mukhang seryosong nag uusap. Maya maya sinampal ni girl si boy. Usap ulet. Maya maya dinuro ni girl si boy at biglang binuhusan ng tubig sa peslak.

'Wait! Wait! Wait! SINAMPAL at BINUHUSAN NG TUBIG?!?'

Inagagaw ko bigla sa kamay ni Marlon yung phone. Juice Colored wala talagang patawad. Tama nga ang hinala ko. Si Kenneth James Ang. Sinampal ni Amber at ang tibay 'di pa nakuntento binuhusan pa ng tubig.

"Alam niyo bang andami ng views ng blog na yan at may nag post din niyan sa student portal ng Carlisle." kwento ni baklang Eric pagkatapos naming ibalik yung phone niya.

"Walang hiya talaga yang babaeng yan!" gigil na sagot ni Marlon.

"Kawawa si Papa Kenneth mga atcheh!" Emote ni baklang Eric na parang siay yung nasampal sa mukha.

"Wala pang nambastos ng ganyan kay Kenneth sa school na 'to. Sumusobra na talaga yang si Amber." Napapailing na komento ni Marlon. "Tara na ses, baka dumating na si Andi. Salamat Eric!" At hinila ako ni Marlon papalayo.

Pero bago pa kami makarating ng canteen hinirang na naman kami ng tatlong cheering squad members na humarang sa amin kahapon. Ano bang problema ng MJ Belmonte na 'to at nukhang trip na trip ako?

"Wait, wait wait.." Lalampasan ko na sana kaso hinila pa ako sa braso.

'Kasuya ng mga toh!'

"Siguro naman napanuod niyo na yung video ni Kenneth at Amber." saka niya ako binitawan ng magkaharap kami.

"Sorry pero hindi kami fans ng love team nila." pambabara ko sa kanya.

"Hindi mo kailangang maging fans nila BAKLA!" malautong na pang iinsulto niya sa lahing pinagmulan ko.

"Good. Kasi hindi rin ako interesado maging fan nila." Pagtataray ko. "Tara na Marlon." Hinila ko sa braso si Marlon.

"NOT SO FAST FAGGOTS!" malakas na sigaw niya. I swear kung di lang sa layo ng distansiya namin ngayon sinungalngal ko na siya ng Jumbo Hotdog na binili ko.

"Ano pa bang kailangan mo negra? Wala naman kaming special participation sa bidyo na yun ah!" ganting sigaw ko sa gigil ko. Nanlaki ang mga mata niya sa ibinansag ko sa kanya.

"What did you just call me?" hindi makapaniwalang sambit niya habang naglalakad papalapit.

"Huwag na maiyak ka pa." Pang aasar ko.

"Matapang ka Gonzaga." Nag cross arm siya at taas ang kilay na pinasadahan ang nakakainsultong tingin ang kabuuan ko. Tumayo ako ng maayos at umikot ng dahan dahan sa harap niya.

"Pasado ba sa mapait na panlasa mo?"

Susugurin sana niya ako naawat lang siya ng isang kasama niya.

"Mayabang ka. Huwag kang mag alala sa susunod ikaw naman ang ipapalabas dun para sumikat ka!" Duro niya sa mukha ko.

"Oo basta ikaw ang kasama ko. I de-demo naten sa lahat kung papaano ang tamang pag respeto sa kapwa tao." at hinawi ko ang daliri niya sa mukha ko.

"Hindi ka tao bakla ka. Kami yung totoong tao!" Sigaw niya sa mukha ko.

'Tsk! Mag kaibigan nga sila ni Barbie parehong talsik laway!'

"Ah--kayo ang tao? Eh kung ganun naman pala ang lagay mas nanaisin ko pang maging bakla kesa maging TAE este TAO?!?" pambabara ko at narinig kong natawa si Marlon sa likuran ko.

"Mayabang ka parin talaga sa kabila ng ginawa sayo ni Amber."

"Matagal na, bago kapa nagkatawang TAE este TAO."

"Magpa kasaya pa kayo habang nandito pa kayo ng ulikbang kaibigan mo dahil bilang na ang mga araw niyo sa campus." mariing banta niya at literal na nagliliyab ang mga mata niya. Naks! Kaya pala nagkulay uling siya. Hehehe!

"Sige bumilang ka lang mga wantu wan handred tas try mo iba't ibang language para may challenge din." Naka ngising pang aasar ko.

"Siya nga pala ang sabi ni Amber kayo." Turo niya sa amin ni Marlon. "Lalo ka na Lucky. Ikaw ang dahilan ng away nila kayaniya nasampal si Kenneth sa video. Kaya humanda ka dahil hindi kami titigil hangga't hindi ka napapatalsik sa campus!" At saka maarteng tumalikod at iniwan kami ni Marlon.

Sandaling natigilan ako sa narinig ko. Ako? Kame? Bakit inagaw na naman ba namin yung payatot na yun sa kanya? Napunta na ata lahat sa buto ang laman ng utak ni Amber kaya 'di na makapag isip ng matino kaya pati si Kenneth napag buhatan na niya ng kamay.

Buong araw akong natutulala hanggang sa natapos ang lahat ng klase namin. Wala padin ako sa hulog dahil sa ipinagkakalat niyang balita at kumakalat na video sa campus. Lalo na't ako, kami ni Andres ang sinisisi ng mga Pink Rangers sa sampalan na yun. Wow! Hindi ko alam na airborne na ang pagiging praning at lahat pwede ng mahawa.

'May araw ka din sa kin Amber. Ibabalik ko lahat ng sampal sa mukha mong punong puno ng make up kaya ka nagmukhang tao ng kaibigan mong negra bandida!'

To be continued..


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C24
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン