(Cedrick POVs)
Naihiga ko siya sa kanyang higaan ulit. napatitig sa mukha niya. I understand na di siya makapaniwala sa narinig. I understand na nagulat siya. I am sorry. mas makakabuti na makita kitang umiiyak. Mas katangap-tangap yun sa akin. Di ko tatalikuran kung ano man nga itong nagawa ko sayo. I hate it Monina.
Sobra.
Pero kahit nga magalit ka sa akin… You will still stay at my side. Di ko hahayaan na sumiksik ka ulit sa balikat nang ibang tao. Dahil sa mundong ito, dapat talaga iniiwasan mong magtiwala.
Inipit ko sa tenga niya ang gumugulong buhok sa mukha nito. Pinakiramdaman ko ang pulso nito. Magigising siya mamaya lang.
pagkatapos ko siya kumutan, binalingan ko na si Rhoa.
"Prepare a hot meal for her. Lock the window and door. Ikaw at ako lang ang maaring pumasok sa silid na ito. Nagkakaintindihan ba tayo Rhoa?"
Napatango ito sa akin.
Saka umalis ako sa harapan niya.
Sa labas naghihintay si Vanessa.