章 452: Chapter 235 Do what I say
Natutuliro ako at di nga ako makapagsalita habang nasa loob ng sasakyan. Yung pakiramdam na ayokong malayo kay Missamy. Shit! Uuwi din naman ako!
"Jeff." tawag sa akin ni Ivy dahil naramdaman niyang di ako nagsasalita. Lumapit sa akin at napasandal ang ulo sa balikat ko. Then I remember Missamy, everytime na ginagawa niya yun. Hanap ko yung amoy ng buhok ni Missamy. Malayo na nga talaga ang loob ko kay Ivy, bakit nagkaganito ang pakiramdam ko sa kanya.
"May bumabagabag ba sayo?" di ko pinansin ang tanong niya, kilala niya ako na di ako gaano nagsasalita kapag tinatamad nga ako. Gusto ko lang making, kaya lang pati ang pakikinig ko sa kanya, sumasara na.