Miss Claire, nakahain na yung pagkain."
"Ah, opo."
Lumabas na ako at bumaba ng silid. Sayang di man lang kumain muna si Zhio.
"Si Master Zhio, nakita kong umalis na naman."
"Oo nga po eh, may tumawag kasi sa kanya. May problema bang kinakaharap sa kompanya si Zhio?"
"..Ah, eh...di mo ba naitanong sa kanya?"
"Wala pong sinasabi."
"Yun dahil ayaw ka niya mag-alala. Ipanalangin mo na lang na kung ano man ang problema niyang yun ay agad niyang masulosyunan."
Pagkatapos kong kumain. Nakaduwang ako sa bintana...nagbabakasakali na umuwi si Zhio.
Wala pa. Hangang sa lumalim na ang gabi.
"Miss Claire...kailangan na po ninyong matulog."
"...Uuwi pa ba si Zhio."
"Di po namin alam."
Malumanay na tinunungo ko ang higaan.
Naupo ako...habang pinagmamasdan sila na sinasarhan ang mga bintana at terrace.
Hangang sa nahiga ako...
Ng biglang sumipa ang bata sa tiyan ko.
Ang sakit...
Oo na matutulog na nga ako.
Kinabukasan...pagmulat ko...agad kong tinignan ang katabi ko...
Unan...
Nyahahhaha. Opo, mahaba pa talaga... ewan ko sa ulo ni Author... upakan ko na to. Grabe na ang paghihirap ng Zhio my lalabs natin...