アプリをダウンロード
46.15% That Bisaya Girl / Chapter 6: Chapter 5

章 6: Chapter 5

  "Wait, what the! Ahh! anong nangyari dito?"  kakapasok ko pa lang sa kwarto ko nang tumambad sa akin ang mga kalat. Nagkalat ang mga sketchpad ko sa sahig pati na rin ang mga damit ko.

Kahit naguguluhan at gusto ko ng magwala ay isa-isa ko na lang pinulot ang mga damit ko. Nakakalat din 'yung kumot, bedsheets at unan  ko. Ano ba namang klaseng kalokohan 'to?

Bumagyo pa at itong kwarto ko lang ang na pinsala? Ang unfair nun ah haist kapoy kaha!

   "Do you like it?" sambit ng isang boses at kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng hambog na boses na 'yun.

"Vans? ikaw ang may gawa nito?" nakakunot ang noong sambit ko. Sabay buhat sa kama na nakataob. Adik ma ni siya uy. Unsa man akong nabuhat nija para buhaton nija ni nako? Kaloka ang bigat pala nito gawa ba 'to sa semento? sa amin kasi gawa lang sa kahoy 'yung katri/kama.

  "Haha hindi mo kayang buhatin 'yan dahil patpatin ka." sambit pa nito sabay pumasok at umupo sa unan ko na pinagpatong-patong ko kanina. Magka tigyawat sana pwet mong leshe ka! Ano bang nagawa ko sa isang to.

   "Oh, eh ano ngayon? akala mo kung sino ka-"

"Cass! Thanks wait, w-what happen here?" bungad na tanong naman ni Nick na ikinatigil ko sa pagtataray.

   "Ay, Hi Nick!" nakangiting sagot ko pa dito. Narinig ko pang nag tsk si Vans. Tsk rin siya papansin hmp!  "Wala naman ahhm... nag hatsing este bumahing kasi ako tapos alam mo na sa lakas nito ayan nagkalat mga gamit ko hehe." sagot ko pa sabay ngiti para lumitaw 'yung dimple ko. Cute daw kasi ako pag ginagawa ko 'yun sabi ni Lolo dati.

Tumawa naman si Nick bilang sagot sa akin at pwede na kaming magpakasal tara na sa simbahan bebe ko. Bakit ba ang cute kasi niya? Bagay na bagay kami. Teka lang nababaliw na nga ako haisst! rupok mo te!

   "Psh!" rinig kong reklamo na naman nung isa sabay pabagsak na isinara ang pinto. Ayun! mabuti at lumabas na. Distorbo siya eh.

   "Ah, tulungan na kita," presenta naman ni Nick kaya tumango nalang ako. Saka mag isa niyang binuhat at inayos ang kama ko. Ito talaga 'yung dream guy ko eh! gwapo na cute pa plus mabait pa edi win na win na.

   "Thank you," sagot ko saka ngumiti ulit. Pagkagwapa baya nako ha. Malunod ka sa aking kagandahan bebe ko.

   "You are indeed Gwapa Cass,"

     "Ha?" Marupok din ba siya? hala siya! ayoko sa mga easy to get na guy. Gusto ko 'yung pahirapan.

   "Baby! i-penta mo na kasi ako. Please?" gulat naman akong napalingon sa likod ng marinig ang boses ng batang kinulang 'yata sa aruga. Bakit ba dikit ng dikit sa akin ang batang 'to? may moments pa kami ni Nick eh.

    "Mamaya na boy," malamig na sagot ko saka umupo sa kama at humiga na rin. Bigla kasing sumakit ang ulo ko.

  "By the way Cass. Nagpunta lang pala ako dito para magpasalamat at magpaalam. Kailangan ko na kasing umuwi sa amin because my Mom called me." sambit naman ni Nick nako! Huwag ka munang umuwi.  Mamimiss ko ikaw be.

   "Ah sige--" sagot ko nang putulin na naman ni Jareid ang sasabihin ko. Putulan ko to ng dila eh makikita niya.

   "Tama! Umuwi ka na sa inyo para ma solo ko na ang babe ko. Huwag kang magkakamaling pormahan siya ha? Akin lang si Baby Kathina," sambit nito sabay sukbit ng mga kamay niya sa braso ko. Aba't! hawakan ba daw ako? Sasapakin ko na 'to.

   "Come on kid, You can't be serious. Mabuti pa mag-aral ka na lang and leave Cass alone. She's not feeling well you see? She needs to rest." sambit pa ni Nick sabay tanggal niya sa kamay ni Jareid sa'kin.

"Back off I already told Lola, she's going to marry me when I finish college. Kaya off limits na siya." Aba't anong pinagsasabi ng batang 'to? Off limits gaga sarap kutongan eh. Tinawanan naman siya ni Nick habang naghihilahan sila. Ayaw pa kasing lumabas.

  "Ah, Mawalang galang na mga tol ano? Pero pwede ba lumabas na kayo? Magbibihis 'yung tao eh." Sabay naman silang napalingon sa"kin. Oh, ano na namang nasa utak ng mga 'to? Wala naman talaga akong balak magbihis. Gusto ko lang na lumabas na sila.

    "Sige lang magbihis ka diyan Cass," sagot ni Nick sabay pilit na binubuhat si Jareid.

    "Anong sige lang? Bastos! gawas mo! Gawas!" sigaw ko pa at gulat naman na napatingin si Nick sa'kin. Siguro ngayon niya lang narealized 'yung sinabi niya.

    "A-Ah I swear I did not mean it that way Cass... ahhm I'm sorry Sige aalis na ako... k-kami," tarantang sambit pa nito saka binuhat si Jareid at pabagsak na isinara ang pinto. Rinig ko pa na sinisigawan ni Jareid na ibaba siya nito kaya natawa na lang ako. Cute niya talaga eh. Lalo na pagnatataranta.

Mabuti naman at lumabas na ang dalawang 'yun. Makakatulog na rin ako. Pabagsak akong humiga ulit nang may tumama sa likod ko na isang bilog.

    "Aray! Paita!" sigaw ko pa saka bahagyang na pa arko ang likod ang sakit-sakit kaya! Nasaan na ang salarin! agad ko itong hinanap sa ilalim ng kumot at hindi naman ako binigo ng aking mga mata.

   "Teka, Singsing?" hala! nganong naa na man sad ni siya diri? ka bigaon gud nimo nga singsing no? bisan asa ra jud ka mo abot.

P-pero, bakit isa lang 'to? A-Asan na 'yung isa pa?

    "Waaa! asa raman to!" Agad kong pinagtatapon ang mga unan sa sahig pati na ang kumot at bedsheet para makita 'yung partner nito pero wala. Asan na 'yun?

  Asa naman to siya uy! Ang sabi pa naman ni Lola alagaan ko daw 'yun. Tapos nawala na lang bigla? Itinago ko na 'to eh, bakit biglang lumabas na naman? ang Vantot na 'yun! Siguro kagagawan niya na naman 'to?

"Is this what you are looking for?" Speaking of the devil!

"Hoy! boang ka!" sigaw ko dito. Teka bakit baliktad siya? Wengya! nakatuwad pala ako!

Agad ko naman na inayos ang sarili saka tumayo. Tumikhim muna ako bago nagsalita ang God knows kung gaano kasarap sapakin ng taong nasa harap ko. Nakangisi kasi ito habang nakatitig sa hawak niyang singsing.

   "Nganong naa man na nimo?!" inis na sambit ko sabay pilit na kinukuha sa kanya ang singsing. Pero dahil sa likas na taong kahoy siya ay hindi ko maabot kahit nakatingkayad na ako. Sipain ko na betlog nito makikita niya.

    "What? Why? this is mine now. Ako ang naka kita kaya akin na 'to,"

   "Hindi pwede! sabi ni Lola ibibigay ko lang daw 'yan sa taong pakakasalan ko. Kaya akin na kasi 'yan!" sigaw ko pa dito kahit ang corny kong pakinggan si Lola kasi eh. 'Yun ang sinabi niya kaya susundin ko nalang. Wala namang masamang mangyayari kung susundin ko siya.

   "Psh, Weird probinsyana girl." sambit nito sabay suot sa singsing na ikinalaki ng mata ko.

     No!

      "Wag mo hahayaang masuot ito ng taong hindi mo mahal kundi--"

    "Wag!" kasalukuyan ko ring suot 'yung isang singsing para hindi na mawala kanina kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi na nga ako halos huminga. Naghintay ako ng mga limang minuto pati rin sa Vantot ay nakakunot ang noo habang nakatitig lang sa'kin.

Wala namang nangyari kaya nakahinga ako ng maluwag. Para pa nga akong tangang nakanganga ang bunganga sa harap ni Vantot.

        Ngunit, akala ko lang pala.

Biglang umilaw ng napakalakas ang mga singsing namin at halos mabulag ako sa sinag nito. Humangin sa loob ng kwarto at talaga namang sinasampal ako ng sarili kong buhok.

Lola is this you? Huhu sorry na, hindi na mauulit.

   "Inday Kasa, tungod sa imong pagsuway sa atong kasulatan. Ikaw ngayon ay  nasa loob ng isang sumpa. Wala kaming magagawa para matulungan ka dito. Pero isa lang ang masasabi ko na maaaring makatulong sa'yo."

   "Look and you will find. Believe and you will own. No matter what remember to always Use your hearts eye. And everything will be in it's  place just the the way it is. Remember Kasa... use your heart's eye and you will see the beauty. Even the baddest has it's own good side. Learn to see it even at it's darkest hour."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C6
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン