アプリをダウンロード
90.9% After You Fall Asleep / Chapter 20: Chapter 19

章 20: Chapter 19

Marj' POV

Nagising ako na siya pa rin ang katabi ko. Last night is the best night I've ever had. Ano ang masama sa ginawa namin kung mahal naman namin ang isa't isa? We know that it was a mistake but who cares? Basta masaya kami sa ginawa namin 'yon.

"Good morning baby," bati niya sa akin nang magising siya at hinalikan ako sa noo.

"Good morning," bati ko pabalik sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko kaya sinampal ko siya ng mahina. "Ano ang ibig sabihin ng ngiting 'yan?"

"Wala. Naalala ko lang yung kagabi. Pinagod ba kita?"

Seriously? Tinatanong niya 'yan?

"Langya ka naman, Jason! Ang aga-aga 'yan ang tinatanong mo?!"

"Hahaha! Chill baby, I know that you're tired last night!"

"Tse!" sabat ko sa kanya at tumayo na at didiretso na sana sa banyo pero natigilan ako nang mapansin kong… yeah, never mind.

"Witwew," sipol niya. "Ganda mo talaga baby," hindi ko na lang siya pinansin.

Ang adik niya! Kagabi siya pa 'yong naghihinayang na kung gagawin o hindi namin 'yon, dahil sa nahihiya daw siya sa akin. Eh siya pa nga 'yong unang naghu—

Natigilan ako sa kakaisip nang may humalik sa leeg ko. Sino pa nga ba?

"Let's do it again here." Seryosong sabi niya.

"Ano ba Jason?! Maliligo na ko! May pasok pa ko!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya!

"Sabay na tayo." Sabi niya sabay halik ulit sa leeg ko, patungo sa dibdib ko, at sa labi ko.

Wala na akong magawa, nadala na naman ako sa sensasyon na ginagawa niya. At napaungol ako ng ipasok niya ang kanya sa akin.

"Wala ka na talagang kawala sa akin, Marj. I love you so much." Bulong niya.

"I love you too, Jason." Sagot ko.

--

"Miss Choi, why are you late again?" Sabi ng teacher namin pagkapasok ko pa lang sa room.

Yeah, I'm late again. Paano ba naman eh may asungot na pumasok sa banyo at nakipag—

"Take your sit. Hindi 'yong parang lutang ka na naman." Sabi ni ma'am.

"Sorry po." Nahihiyang sabat ko at umupo na sa upuan ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa na namin ang bagay na 'yon. Kahit na mas matanda siya sa akin ng 170 years, siya pa rin ang minamahal ng puso ko. Age doesn't matter, right? At alam kong walang bawal sa pag-ibig.

"Hoy Marj," siko sa akin ng katabi ko. "Tawag ka ni ma'am."

Tumingin ako sa harap, lahat sila nakatingin sa akin. Anong problema nila?

"Miss Choi, kung masama ang pakiramdam mo sa clinic ka muna."

Ha? Lutang na naman ba ako?

"Ah… okay lang po ako ma'am." Kahit gusto ko talagang mag ditch ng klase ngayon.

"You sure?" Tanong niya ulit.

"Yes ma'am."

Nagpatuloy ang klase, syempre lutang na lutang ako hanggang sa matapos sa hapon. Ganito ba talaga ang feeling kapag nakipag make love?

"Namumutla ka," sabi ni Joe, classmate ko. "Gusto mong pumunta muna sa clinic?"

"Hindi ayos lang ako."

"Sure ka talaga niyan ha?" halatang nag-aalala siya.

"Oo kaya ko na sarili ko."

"Sige mauna na ko. Kita na lang tayo ulit bukas."

"Sige. Bye."

"Bye." Sabi niya at umalis na.

"Saan ka na ba Jason?" bulong ko sa hangin. Kalahating oras na ako naghihintay dito sa labas ng gate pero wala pa rin siya. Sabi niya kanina susunduin niya ako, pero saan siya? Mag-aalas sais na ng gabi. Konti na lang din ang mga tao dito kasi nagsiuwian na.

"Nauuhaw at nagugutom ako," sabi ko. Hindi ako kumain kaninang lunch.

Lalakad na sana ako sa kabilang kanto ng may yumakap sa likod ko. Sa amoy pa lang alam ko na kung sino siya.

"Marie!" sigaw ko.

"Nu ba naman 'yan! Kilala mo agad ako!" nagtatampong singhal niya.

"Hahaha! I miss you sis." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"I miss you, too. Tara sama ka sa akin." Excited na sabi niya.

"Saan naman?" napahiwalay ako sa yakap.

"Basta!" Sigaw niya. Now you know kung ano ang pinagkaiba namin? Maingay siya at ako yung tahimik.

"Teka lang, nagugutom ako eh. Jollibee drive thru muna." Aya ko.

"Sige, libre mo ko ah?" Napabuntong hininga na lang ako. Kung hindi ko lang 'to mahal eh.

Nakabili na kami ng makakain. Take out na lang kasi nagmamadali siya.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka susunduin ako ni Jason sa school."

"Basta nga. Itext mo na lang na kasama mo ako." At katulad nga ng sabi niya, tinext ko si Jason na kasama ko si Marie para hindi na niya ako susunduin. Walang reply. Bahala siya dyan!

Naglalakad lang kaming dalawa patungo sa hindi ko alam habang kinakain ang fries at coke float ng may tumawag sa kanya. Kinuha niya yun at sinagot sa malayo, sa kabilang kanto. Napapikit na lang ako.

"Tara na." Sabi niya.

"Sino ba 'yon?" Tanong ko.

"Classmate ko lang." Sagot niya at hinila na ulit ako.

--

JASON's

Naghahanda ang lahat sa pagdating niya. Noong isang araw ko pa 'to plinano ang lahat. Sana tagumpay. Plano ko din ang hindi pagsundo sa kanya sa school. Buti na lang dumating ang kapatid niya at siya na lang ang sumundo. Tinawagan ko si Marie kung nasaan na sila.

"Saan na kayo?" tanong ko nang masagot niya ang tawag ko.

"Malapit na." sagot niya.

"Ah sige. Bilisan niyo ah."

"Bro, hinay-hinay lang." natatawang sagot niya.

"Anong ginagawa niya?"

"Kumakain. Nagutom kakahintay sayo."

"Tsk. Bilisan niyo na. Tapos na lahat dito."

"Oo na, bye."

Pinatay ko na ang tawag nang lumapit sa akin ang mga magulang ko.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong ni Mama.

Tumango ako, "Opo Ma. Kinakabahan lang."

"Huwag kang kabahan. Atleast napatunayan mo na talaga kung saan ka masaya." Sabi niya at pinunasan niya ang pawis ko. Namamawis ako ng malamig dahil sa kabang nararamdaman ko.

Paano kung hindi niya masasagot ang gagawin ko?

"Nandito na sila." Sabi ni Papa.

Nang makita ko siya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Sorry baby, may ginawa lang ako."

Hindi siya kumibo pero ramdam kong galit siya.

"Galit ka?" tanong ko. Humiwalay siya sa yakap.

"Ewan. Akyat na ko. Pagod ako." Malamig ang pagkakasabi niya sa akin.

"Maya na. Kain ka muna."

"Busog na ko." Umalis na siya sa harap ko at umakyat na.

Not this night again!

Tahimik lang ang mga nakapaligid sa akin. Bagsak lahat ang mata at balikat. Lahat sila nagulat sa sinabi ni Marj.

Inakbayan ako ni Papa. "Baka pagod lang talaga, 'nak. Try mong suyuin."

Umakyat na agad ako nang masabi yun ni Papa. Sana matanggap niya ang sorry ko. Para din naman sa amin yung ginawa ko.

Pumasok ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya at nakatalukbong ng kumot. Umupo ako sa gilid niya.

"Baby, baba ka daw muna saglit." Pagsuyo ko, hindi siya sumagot. Kinuha ko ang kumot na nakatakip sa mukha niya, umiiyak siya.

"Ba't ka umiiyak?" tanong ko pero hikbi lang ang narinig ko sa kanya. "Marj…"

"Umalis ka na!" sigaw niya. Hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong galit na galit siya.

"Ano bang problema?"

"ACCCCKKKKK!!!"

--

MARIE's

Nakaupo lang kaming lahat dito sa sala. Wala ni isa sa amin gustong magsalita. Pati sila nabahala sa mga malamig na sinabi ni Marj kay Jason. Alam ko kung anong nangyari kanina nang pauwi na kami pero kinakabahan ako na sasabihin sa kanila.

"Marie," tawag ni Papa sa akin. "Anong problema ng kapatid mo?" Seryosong tanong niya. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag. Lahat sila nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Napayuko na lang ako.

"Marie…"

"Hindi ko alam Pa! Kanina nang pauwi kami bigla na lang siyang nags—"

Natigil ako sa pagsalita nang marinig namin ang sigaw ni Jason sa taas at nagmadali naman kaming umakyat.

"Anong nangyari?" Tanong naming lahat.

"BUNTIS SI MARJ!" Sigaw ni Jason. Halata sa kanyang masaya siya.

"ANO???" sigaw ng mga magulang namin.

"Buntis si Marj!!!" Sigaw niya ulit sabay yakap kay Marj. Ang kapatid ko naman napapailing na lang sa kanya.

Don't tell me, nagawa na nila ang bagay na yun?

"Aray ang puso ko!" Sigaw ni Mama sabay tapik sa dibdib niya. Nilapitan naman namin siya ni Papa.

"Ma, kalma lang."

"Paano ako kakalma kung ginulat tayo?"

Oo nga naman.

"Paano at kailan niyo ginawa ang bagay na yun ha?" Tanong ni Papa sa kanila. Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Kagabi po." Sagot ni Jason.

"Aba't! Bata pa kayo!"

"Alam naman po naming bata pa kami pero hindi ibig sabihin nun na hindi naming gagawin yun. Nagmamahalan kami at handa ko naman pong pakasalanan si Marj." Sagot niya.

"Pakasalan? Dapat lang!" Sigaw ni Mama kay Jason.

"Kaya nga po diba pinahanda ko na kayo kanina kasi alam kong mangyayari 'to?"

"Anong handa?"

--

MARJ

"Anong handa?" Tanong ko sa kanya.

"Tara sa baba." Sabi niya at hinila ako.

Hindi ko alam kung masaya o magagalit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kasama siya. Pero ngayon napatunayan ko nang may balak siyang buhayin kami ng anak namin at plinano niya talagang lagyan na kagabi kaya nakabuo. Oo buntis ako. Hindi ko nga alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding gutom kanina kaya lang bigla ko na lang din isinuka ang mga kinain ko. Yun na pala ang senyales na buntis ako. Kung hindi lang sinabi ni Marie na dumaan muna kami sa clinic ng isang doctor dito sa subdivision namin hindi ko malalaman ang kalagayan ko ngayon.

"Halika." Sabi niya at hinila ako papunta sa garden. Tinakpan niya muna ang mata ko gamit ang panyo at umalis sa tabi ko.

Ano namang pakulo 'to? Ito na ba ang sinasabi niyang pinaghandaan niya kaya hindi niya ako sinundo kanina?

May tumunog na kanta, at alam kong paborito kong kanta yun… siya ang kumakanta.

[ Never Be by 5SOS ]

Masarap pala ang feeling na yung mahal kumakanta ng paborito mong kanta. Special kumbaga.

Lumapit siya sa akin at sumayaw ng parang baliw, napatawa na lang kami sa kanya.

Nang matapos siyang kumanta, hinarap niya ulit ako. Mabilis ang tibok ng puso ko. Pinipigilan kong huwag lumuha sa harap niya baka magbago ang isip ko.

"Margarette, this night, please be serious. Just tonight!" nanginginig na pahayag niya. Tumango na lang ako. Pinipigilan kong matawa sa kanya. Be serious nga diba?

Hinawakan niya ako sa kamay at nag-umpisa na siya sa gusto niyang sabihin, nakikinig lang ako.

"Nung una pa lang, na hindi pa tayo magkakilala, na hindi pa tayo nagkasama sa iisang bubong, na hindi mo pa alam na ako'y bampira… gusto kong malaman mong sa mga panahon na yun, ikaw na ang mahal ko. Lagi kitang tinitignan kapag dumadaan ako sa harap ng bahay mo. Lagi kitang sinusundan kung saan ka man magpunta. Lagi kitang iniisip kung nakakain ka na." huminto siya at humingang malalim.

So, totoo ngang stalker ko siya noon pa?

"Noong oras na sabi mo nagugutom ka na, saktong naglalakad ako sa harap ng bahay mo at sakto ding narinig ko ang sinabi mo kaya binigay ko sayo yung pagkaing dala ko na dapat para sa akin. Okay lang na magutom ako basta busog lang ang mahal ko."

Napangisi na lang ako at napapitlag ako nang punasan niya ang mukha ko. Hindi ko namalayan natumulo na pala ang luha ko.

"Nung oras na naulanan ako at kumatok ako dito sayo, wala na akong bahay nun kasi sapilitang kinuha ng gustong kumuha nun. Wala na din akong magawa kundi ang tumuloy dito sayo." Tumulo na din ang luha niya kaya ako naman ang pumunas nun.

"Tama na please." Sabi ko sa kanya. Hindi ko na kasi kaya ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"No, patapusin mo muna ako." Tumango ako kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi niya. "Hindi ko alam kung anong magandang hangin ang pumasok sa katawan ko dahilan ng mapalapit ako sa 'yo. Kahit lagi kang umiiyak dahil sa nadadamay ka sa mga kasalanan ko, alam mo namang hindi kita kayang iwanan ng matagal.

"Nang makita mo akong may kasamang iba, naramdaman kong hindi kita kayang tiisin. Sorry sa gabing 'yon. Pero may nagawa naman akong tama dahil dun 'di ba? Nakita mo na ulit ang mga magulang mo, pati nakilala mo din ang kapatid mo.

"Kahit madami akong kasalanan na nagawa alam ko naman hindi mo din ako matiis kaya eto tayo ngayon, masaya. Kaya hindi na ako magpaligoy-ligoy pa."

Bigla akong kinabahan sa kung anong mangyayari ngayon. Lumuhod siya sa harap ko at may kinuhang maliit na box sa bulsa niya. Ito na ata ang matagal ko nang pinapangarap.

"Sa harap ng mga mahal natin sa buhay… Margarette Choi, will you marry me?"

Marahan akong tumango at saka siya niyakap. Ito na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C20
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン