アプリをダウンロード
77.27% After You Fall Asleep / Chapter 17: Chapter 16

章 17: Chapter 16

MARJ POV

Magkausap pa rin kami ngayon nina Mama at Papa. At may isang bagay akong gustong hilingin sa kanila na matagal ko nang hindi nagawa dahil nung nawala sila, nawalan din ako ng gana.

"Ma, Pa, pwede pa po ba akong mag-aral ulit?" Tanong ko.

Nagkatinginan muna sila bago bumaling ulit sakin at ngumiti.

"S-sure. Bukas na bukas din magpapa-enroll ka sa Academy na pinapasukan ni Marie. Para next week pwede ka nang pumasok." Sagot ni Mama.

Lumapit ako sa kanila at niyakap. Salamat nandito na sila ulit kahit iba ang pagkatao nila, sila pa rin naman ang mga magulang ko.

Tulad nga ng sinabi ni Papa kahapon pina-enroll nila ako sa school ni Marie. College na siya at ako na lang ang napag-iwanan sa pagiging high school. Sa edad kong 'to? Malamang sa malamang kasi wala sila noon.

"Kain muna tayo?" Yaya ni Mama sa akin.

"Sige po." Sagot ko.

Nang dahil sa excited ako kanina hindi na ako kumain kaya gutom ako.

Papunta na kami sa fast food chain sa harap ng school ng may mahagip akong isang familiar na mukha. At hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng makilala kung sino 'yon. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Musta ang prinsesa ko?" Sabay halik sa pisngi ko. Tumindig ang balahibo ko sa ginagawa niya.

"Ano ba, Lennard? Hindi mo ba ako titigilan?" Naiinis na tanong ko.

Linapitan na kami ni Mama at ngumiti ng nakakaloko.

"Magkakilala kayo?"

"Oh yes, Tita. Kami na po."

Mas lalong ngumiti si Mama.

"Alagaan mo ang anak ko, Lennard ah? Pero huwag mong gawing bampira 'yan." Binulong ni Mama ang sinabi niyang huling linya.

"Oh sure po. Makakaasa kayo."

Parang ako ang na OP sa kanila kaya umalis ako sa harap nila at lalabas na sana pero hinila ako pabalik ng lalaking kinaiinisan ko.

"Saan ka pupunta? Kakain pa 'tayo'."

"Tayo? Huh! Ang sabihin mo magpapa-close ka lang kay Mama."

"Wala ka ng magagawa, nandito ako eh. Kaya sundin mo na lang ako, huh? Para walang masamang mangyayari dyan sa leeg mo."

"Tss. Asa ka dude! Tabi!" Sigaw ko sa kanya at saka lumabas nang tuluyan. Salamat at hindi niya ako sinundan.

Nawalan ako ng gana dahil nandyan si Lennard. Mas gusto ko pang si Jason na lang ang kasama ko pero hindi ko alam kung nasaan siya. Siguro kasama naman nun si Marie. Well, expected naman kasi may 'sila' nga. Kung 'yon ang kasiyahan niya, sige go lang. Kasi wala na ding kasiyahan ang dadating sa akin. Habang buhay na akong miserable. Kahit anong gawin ko hindi ako sasaya. Kahit kasama ko na ang pamilya ko hindi pa rin ako masaya. Pero sige lang, kaya ko pa naman maging iyakin.

"Parang ang lalim ng iniisip natin ah?" Rinig kong boses ng lalaki sa likod ko.

Tinignan ko siya at napangiti ako nang wala sa oras at bigla ko siyang niyakap.

"Marj..." Tawag niya sa 'kin.

Napaiyak na ako.

"Jason hindi ko na kaya." Humihikbing sabi ko sa kanya.

"May problema ba?"

Marahan akong tumango bilang sagot.

"Uwi muna tayo? Dun natin pag-usapan 'yan."

Pumayag ako sa gusto niya. Dumiretso kami sa bahay ko. Sa kwarto ko kami nag-usap at nakinig naman siya.

"Hindi ko na kaya. Ayoko na kay Lennard." Simula ko.

Ngumisi siya.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong niya.

Tinignan ko muna siya bago sinagot.

"Talaga bang gagawin mo para sa akin?"

"Hindi lang para sayo. Para sa 'atin'."

sa sinabi niya nagkaroon ako ng ideya kung ano ang gagawin namin para mawala na ng tuluyan ang salot sa buhay ko.

Lunes na, at unang araw ko ngayon sa school. Sa edad kong 'to, walang hahadlang sa pag-aaral ko. Gusto kong makapagtapos para may ipakita ako sa kanila. Kahit madami akong problema, hindi hadlang 'to para ipagpatuloy ko at matagal ko ng nasimulan.

Papasok na sana ako sa room ng may umakbang sa akin. At mas lalo akong nainis at nasira na naman ang araw ko.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Papasok din. Babantayan kita."

Sa sinabi niya wala na akong nagawa. Kay Mama niya nalaman eh. Pero sige lang, sa susunod na araw wala ka na din sa mundong 'to. At napangiti ako ng maalala ang plano namin ni Jason sa kanya.

"Ngingiti ngiti mo dyan? Masaya ka ba dahil nandito ako?"

ang lakas naman ng hangin ng lalaking 'to.

"Hoy, asa ka!"

Pumasok na ako ng tuluyan at ang magulong room kanina ay natahimik. Ngumiti ako sa kanila at nagpakilala.

"Hi. I'm Margarette Choi. Transferee dito. Sana makilala ko kayo at maging kaibigan." Nag bow ako sa kanila pero hindi sila nakatingin sa akin. Alright, kay Mr. Hangin na umakbay sa akin.

"Ang gwapo niya." Sabi nung isang babae.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman nung katabi niya.

"Teka parang kilala ko 'yon ah? Parang ba--" Hindi na naituloy ng lalaki sa bandang likod ang sinabi niya kasi tinakpan ang bibig niya.

"Oo, kaya huwag ka nang maingay." Sabi nung nagtakip ng kamay sa bibig ng isa.

So, kalat na pala dito sa school na 'to ang mga bampira? Okay. Huwag na naman sana ako madamay.

"Ah Miss, dito ka umupo." Sabi nung babae sa bandang likuran din malapit sa bintana.

Lumapit naman ang sa sinabi niyang pwesto katabi niya.

"Thank you." Sabi ko ang umupo na.

"No problem. I'm Nicole David nga pala, President ng section na 'to."

Nag shake hands kami. Ang bait niya. Pero parang may kakaiba din sa kanya?

"I'm Margarette, just call me Marj." Sabi ko naman at tumango siya.

Natahimik kami bigla. Napatingin naman ako sa harap, nakaupo pa rin si Lennard sa teachers table sa harap.

"Ah, kilala mo ba 'yon?" Tanong ni Nicole.

"Oo, pero huwag kang magtiwala dyan masamang tao 'yan." Sabi ko sa kanya at tumango na lang siya.

"Nicole!!!" Sigaw ng dalawang babae at isang bakla sa katabi ko. Kakapasok lang nila sa room at parang mag best friend silang apat dahil sa ginawa nilang pagbeso sa isa't isa.

"Ah nga pala guys, bagong classmate natin, si Marj. Marj, I want you to meet Diana, Grace, and Renz. Mga best friend ko." Pakilala niya sa tatlo.

Nag shake hands naman sila sa akin at ngumiti ng malapad ng parang may binabalak?

"Ano kaya kung sumali ka na lang kaya sa grupo namin?" Sabi ni Grace.

"Oo nga, para madami ka pang maging kaibigan dito." Sabat naman ni Diana.

"At mga chikang malalaman." Si Renz.

Ngumiti't umiiling na lang si Nicole sa kanila.

Kaibigan? Parang gusto ko din pero nag-aalangan lang ako dahil bago lang ako dito. Pero sila naman nag-offer eh kaya grab the opportunity na.

"Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko.

"Oo naman." Sagot nila in chorus.

"S-sige."

Ngumiti sila sa akin at niyakap ako.

"Ayan, lima na tayo! Party-party na mamaya ah?" Sigaw ni Renz.

Hinampas na lang siya ni Nicole dahil sa kaingayan niya hanggang sa dumating ang teacher namin and as expected pinakilala ko ang sarili ko sa kanila hanggang maghapon na schedule ng klase ko.

Ngayong araw na 'to naging kompleto na ulit ako. May nakilala akong mga bagong kaibigan at salamat na din dahil tinulungan nila akong mag-adjust sa klase sa unang araw ko.

At mas nagpapasalamat ako dahil hindi ako ginulo ni Lennard buong araw kahit magkatabi kami sa upuan. Pinaalahanan ko siyang huwag akong guluhin dahil baka magawa ko ng wala sa oras 'yong plano. Hindi na din niya ako hinatid sa bahay dahil may pupuntahan naman daw siya.

Nakauwi na ako sa bahay ko at nagbihis. Nahiga na din ako sa kama ko at inalala ang plano kung paano namin magagawa 'yon ng malinis. Pero nabigla ako ng may sumigaw sa labas ng kwarto ko.

"Marj! Si Jason!" Sigaw ng Mama niya.

Napabalikwas ako ng tayo at tumakbo palabas. Nakita ko si Tita na umiiyak.

"Bakit po? Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.

"Sa baba."

Tumakbo naman ako pababa at nakita ko na lang siyang nakahiga sa sahig at duguan. Tumulo na din ang luha ko.

"Jason..."

"Marj..." Ngumiti siya sa akin. "A-ayos lang a-ako."

"No! Hindi ka okay! Dadalhin kita sa ospital!" Sigaw ko sa kanya.

Pero umiling siya at hinawakan ako sa pisngi.

"H...huwag na. Hindi na ako aabot."

Sa sinabi niya napahagulgol na lang ako ng iyak at unti-unting lumuwag ang kamay niyang nakahawak sa isang kamay ko.

"Jason!" Sigaw ko.

Napaiyak na din sina Tita at Tito.

"Marj, anak, kumain ka na." Sabi ni Mama sa akin.

Dalawang araw na din ang nakalipas nang mawala siya. Wala na ang lalaking mahal ko. At dalawang araw na din akong tulala sa kawalan at iniisip siya.

"Wala akong gana Ma." Sagot ko at tumayo. "Akyat na po ako."

"Sigurado kang hindi ka kakain?" Tanong niya ulit.

Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ko at natulog.

"Marj, gising!" Boses ng isang lalaki.

"Hmm.."

"Ano ka ba, gabi na. Kakain na."

Ha?

Naramdaman kong may pumupukpok na kamay sa noo ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko siya, na mukhang bagot na bagot na.

"Tulog mantika ka talaga."

Panaginip lang ba 'yon?

Hinawakan niya ako sa braso at papatayuin sana kaso bigla ko siyang niyakap at iniyakan na naman.

"Akala ko wala ka na..."

"Ano naman pinagsasabi mo dyan?" Naiinis niyang tanong kaya napahiwalay ako at sinamangutan siya.

"Wala! Lumabas ka na nga!"

"Galit ka na niyan?"

Kita mong nagdadrama ako sisirain pa. Pero salamat na lang at panaginip lang 'yon kasi kung totoo man 'yon, susundan at susundan ko siya kahit alam kong nabubuhay ang mga bampirang pinainom ng dugo na galing sa hukay.

Tinignan niya akong nakakaloko. Ako naman sinamaan lang siya ng tingin.

"Alis na!" Sigaw ko.

Pero bago siya tumalikod ninakawan na niya ako ng halik sa labi.

"Baba na!" Sigaw niya bago pa man isarado ang pinto.

Natulala ako. Did he just kissed me for the nth time?

Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan ko kaya nahiga na lang ako ulit. Wala akong ganang kumain. Gusto ko lang matulog dahil pagod ako ngayong araw kahit nakaupo lang ako sa classroom maghapon.

JASON'S POV

Ang sarap niyang halikan alam niyo ba 'yon? Lalo na kung galit at nagtatampo na naman siya.

"Anong ibig sabihin ng ngiting 'yan ha?" Tanong ni Mama.

Umiling ako.

"Wala po." Sagot ko.

"Ginising mo na ba 'yong isa sa taas?"

"Opo, susunod na lang daw siya."

"Ano ka ba! Pababain mo na! Nakakahiya bahay niya 'to. Akyatin mo ulit dun."

Good idea, Mom. Kasi kapag hindi pa 'yon bababa hahalikan at hahalikan ko ng paulit-ulit para lang bumaba.

"Ako na nga lang." Sabi ni Mama kaya napatayo ako agad.

"Ako na po."

Inilingan na lang ako ni Mama at inakyat ko na ang tulog mantika. Hindi na ako kumatok sa pinto niya at dumiretso na lang sa pagpasok. Nakita ko siyang nakahiga na naman sa kama niya at nakakumot kaya kinuha ko 'yon.

"Hoy kakain na!"

"Go out." Nahihirapang sabi niya.

"Anong nangyayari sayo? Hinalikan lang kita ah?"

Hindi niya ako sinagot. Hinawakan ko ang noo niya at takte ang taas ng lagnat!

"Hoy nilalagnat ka na!" Suway ko.

"Kung hindi mo lang sana ako hinalikan hindi ako lalagnatin!"

"Aish! Kumain ka muna bago matulog ulit. Hindi ka gagaling niyan."

"Ayoko nga!"

"Aish!"

Bumaba ako para kumuha ng pagkain para sa kanya.

"Ma kukuha lang ako ng pagkain. Nilalagnat ang isa dun eh."

Nilagnat sa halik ko. Pfft!

"Ah sige. Dun ka na lang din kumain."

"Geh."

Pagkakuha ko umakyat na agad ako. Sa sitwasyon niya ngayon ako muna ang mag-aalaga sa kanya.

"Oh, kain na."

"Hmmmm." Sagot niya. Paano ba naman kasi nakahiga na naman.

"Bangon na po."

"Hindi nga ako kakain." Mahinang sagot niya na may halong pagkainis.

"Bahala ka din. Hindi ako aalis kapag hindi ka kumain."

"Ang kulit mo!"

Wala din siyang nagawa dahil sinubuan ko siya. Mukhang nahihiya pa nga eh pero nagpipigil din sa kilig. Pfft!

"Oh last na." Sabi ko at sinubuan siya. Pagkanguya niya inabutan ko siya ng tubig.

"Pwede na ako mag-asawa." Pabirong sabi ko.

"Oo nga dapat 'no? Para masaya kayo ni Marie." Sagot niya.

Napatahimik ako sa sagot niya. Hindi siya makatingin sa akin.

"Nagseselos ka ba?"

"Hah? A-asa ka!"

"Oh c'mon, Marj. Aminin mo na kasi. Bakit ako ba hindi nagseselos sa inyo ni Lennard? Eh takte lagi ko kayong sinusundan at nakikitang magkasama. Kahit naiinis ka sa kanya nagseselos pa rin ako dahil kayo ang magkasama lagi. Tignan mo ngayon magkaklase kayo. Sinundan ka niya. Ano naman ako? Ni hindi kong magawang sundan ka sa eskwelahan mo kasi wala akong pera at alam kong bawal ang outsiders dun. Sa tingin mo ano na ang kalalabasan ko para sayo?" At siya naman napanganga sa sinabi ko. Hinawakan ko siya sa kamay at marahang pinisil 'yon.

"Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan? Hindi dapat ganun. Na 'yong babaeng mahal ko pagmamay ari na ng iba."

"Bakit ako ba hindi din nahihirapan? Na 'yong lalaking mahal ko pagmamay ari na din ng kakambal ko." Sabat niya.

Napangiti ako sa sinabi niya at hinalikan siya sa labi niya. Tinugon niya din iyon.

Ang sarap mapakinggan na mahal ka ng taong mahal mo. Na mahal niyo ang isa't isa kahit hindi kayo ang nagmamay-ari sa isa't isa.

Napahiwalay siya sa halik at tinignan ako ng seryoso.

"Hiwalayan mo na si Marie at gagawin na natin 'yong plano kay Lennard para tayo na ang magkatuluyan." Sabi niya at hinalikan ulit ako.

Damn, I love this girl.

"I love you." Sabi ko sa pagitan ng halik namin.

"I love you, too, Jason." Sagot niya na mas lalong nagpangiti sa akin.

Humiwalay ako at hinalikan siya sa noo.

"Huwag kang mag-alala, bukas na bukas din gagawin natin 'yon." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya at humilig sa dibdib ko.

"Dito ka lang."

"Sige."

Pinikit na niya ang mata niya habang nahilig sa 'kin. Ilang beses na ba namin 'to ginawa?

Hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya at hinalikan ang ulo niya.

"Don't worry baby, magagawa natin ang plano bukas."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C17
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン