アプリをダウンロード
10.52% My Troubled Heart / Chapter 4: Manila here I come!

章 4: Manila here I come!

Malalim na buntunghininga ang binitiwan niya habang naka-upo malapit sa deck ng barko.Halos hindi siya nakatulog kagabi kaya't maaga siyang bumangon.May tila kumukurot sa puso niya kapag naaalala ang malungkot na mukha ni Nana Judy niya. Mami-miss niya ito ng bongga pero alam niyang kailangan niyang lakasan ang loob para sa pangarap niya.

Kitang kita niya ang walang katapusang asul na karagatan. Ano kayang adventure ang naghihintay sakin? Kahit na may pangamba siya sa desisyong umalis, excited din siya sa kung anong mangyayari.

Bahagya siyang napakislot sa tunog na nanggagaling sa barko. Hudyat na malapit na sila sa kanilang destinasyon. Manila here I come!

At the port...

"Yung bag ko Hudas ka!" Halos hindi na niya mailabas ang mga tinig dahil sa sobrang pagod. Para siyang nauupos na kandila habang nakatingin sa papaliit na anino ng lalaking humablot ng bag niya. Pinilit niya itong habulin ngunit pinaglihi yata ito sa kabayo sa bilis ng pagtakbo.

Hindi siya makapaniwala na pagtapak na pagtapak niya pa lang sa Maynila ay mamalasin na siya. Kabababa pa lang niya ng barko ng bigla na lang siyang tinabig ng isang lalaki at tsaka itinakbo ang dala-dala niyang bag.

Wala na siyang pakielam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao duon. Napaupo na lang siya sa bangketa. Tila ba binagsakan siya ng langit at lupa sa nangyari. Nandun pa naman lahat ng pera ko! Naku, pag minamalas ka talaga Lolita!

Mga ilang minuto rin siyang nakaupo duon ng may biglang lumapit sa kanya. Halos masilaw siya sa kaputian nito dahil nakasuot ito ng mahabang bestidang puti. Lalo pa yata siyang namangha dahil sa napakaamong mukha nito. Bumaba ba ang mga anghel para tulungan ako? Bumalik lang siya sa realidad ng tapikin nito ang pisngi niya.

"Okay ka lang ba?", sabi ng babae.

"Ah- uhm.. O-okay lang", sagot niya.

"I guess you're still in shock. I saw what happened. I don't get why anyone would not try to help you. Geez". Bahagyang namula ang mukha nito dahil siguro sa inis. Nagsiiwasan ng mga tingin ang mga lalaki sa paligid. Alam nilang sila ang pinariringgan ng babae.

"You know what get up there & let's go", aya nito sa kanya.

"A-ako?"

Tiningnan lang siya nito na may halong pandidilat. Hinayaan na lang niya ang kutob niya na magdesisyon. Pakiramdam naman niyang hindi ito masamang tao. Nagpatiayon na lamang siya rito.

***

"Seriously? How stupid this story can get?" Brad rolled his eyes.

"Shut up and let me finish. This is the most important part."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C4
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン