アプリをダウンロード
92.3% Regrettable Love / Chapter 48: Forty Seven

章 48: Forty Seven

Forty Seven

Palabas na ako ng opisina habang bitbit ang bulaklak na binigay niya, isang buwan narin ang lumipas simula ng huli kaming magkita at isang buwan narin akong walang palyang nakakatanggap ng flowers mula sa kanya.

Sa labas pa lamang ay nakita ko na kaagad si Tita. Sinalubong niya ako ng malapad na ngiti.

"Kanina ka pa po?" Unang bungad ko sakanya.

"H-Hindi, kakarating ko lang din." Binuksan ko ang pintuan sa likod at inilagay roon ang bulaklak na hawak ko. Si Tita naman ay pinagbuksan ko ng pinto sa tabi ng Driver, kinuha ko ang susi sa kanyang kamay at nakangiting nagmaneho.

"Si Lovely po?" Tanong ko sakanya habang nakafocus sa pagmamaneho.

"Busy daw siya, alam mo naman iyon. S-Simula ng maghiwalay sila ni Bryle ay sinusubsob na ang sarili sa pagtatrabaho, late na nga rin kung umuwi." Halata sa tono ng boses ni Tita ang pagaalala.

"Hayaan niyo nalang po muna, baka kailangan lang talaga niya ng oras. Don't worry ako na po muna bahala kay Love." Napangiti si Tita at dahan dahang dinampi ang kanyang mga kamay saakin.

"Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako at dumating ka saamin." Nagpakawala ako ng ngiti sa sinabi niya.

"No Tita, I am thankful at hindi niyo ako pinabayaan at nang dahil sayo, sainyo narating ko ang kung anong meron ako ngayon..." biglang namuo ang luha ni Tita na nagpahalakhak saakin.

"A-Ano ba ito, ang babaw-babaw talaga ng luha ko."

"Sinabi mo Pa Tita." Pagloloko ko sakanya habang iniabot ang box of tissue na nasa likuran ng aking inuupuan.

Napasulyap si Tita sa bulaklak na nakalagay doon.

"Galing ba kay Liam?" Hindi kaagad ako nakapagsalita sa tinanong niya.

"O-Opo." Tipid siyang ngumiti sa sinabi ko.

"W-Walang palya kang may flowers ah. I'm happy for you..." matapos namin magusap ay natahimik na ulit kami. Nagtungo kami ni Tita sa Grocery store at namili. Halos inubos niya na ata ang buong store sa dami ng kanyang pinamili at para daw iyon sa Condo at bahay nila. Wala na rin naman akong magawa para pigilan siya dahil paniguradong panigurado akong papagalitan lamang ako nito.

Tinulungan kami ng bagger na dalhin ang aming pinamili sa sasakyan, siya na din ang nagpasok nito rito. Matapos nun ay nagyaya si Tita saakin na kumain na lamang kami sa labas dahil masyado ng Late.

Nakahawak sa braso ko si Tita habang naglalakad, marami siyang kinukwento saakin about sa mga kumare at kumpare niya. Panay Opo at tango lang ang ginawa kong sagot sakanya habang nakikinig.

Makaraan ng ilang minuto ay pumasok kami sa hindi gaanong kilalang kainan, tahimik at dala na rin siguro ng sobrang pagod at pamamadali dahil maghahating gabi na ay maaga kami natapos sa pagkain.

"Magba-banyo lang ako." Paalam saakin ni Tita. Tumango ako bilang tugon.

Medyo dumarami na ang customer nila kahit gabi kaya lumabas muna ako ng kainang iyon at sa labas na lamang hintayin si Tita.

Maya-maya ay napakunot noo ako ng may makita akong nagtatakbuhan. B-Bigla akong kinabahan at natigilan.

Pero hindi doon nabaling ang atensyon ko, biglang lumawak ang aking mga ngiti ng makita ko si Liam, may mga nagkikislapang ilaw pa sa paligid habang hingal na hingal siyang nakatingin saakin.

He's wearing his Police Uniform.

"Liam" I dont know, pero nagunahan sa pagtulo ang luha sa aking mata. Bigla ko siyang na-mi-miss at habang nakikita ko siya ngayon ay para bang ibang-iba siya maybe because he's on duty.

Mas lalo akong natigilan at hindi makapaniwala nang may biglang humila saakin at tinutukan ako ng kutsilyo saaking leeg. Sobrang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang kalamnan ko.

H-Hindi ko narealize na ang nagtakbuhan pala kanina ay sila at mukhang ang hinahabol nila ay itong lalaking may hawak ng buhay ko ngayon.

"S-Sige lumapit ka, Papatayin tong babaeng to" Mas lalong kumabog ang dibdib ko at nanghina, nakakita ako ng kutsilyo. Tuluyan ng bumagsak ang mga takot saaking luha, bigla akong bumalik sa pagkabata habang naalala ang insidenteng hindi ko makakalimutan. Nagtama ang tingin namin ni Liam, at kitang kita ko ang galit na galit niyang mukha at mga mata. Sobra-sobrang pag aalala rin ang nakita ko sakanya.

Mas lalong hinigpitan nung lalaking may hawak saakin ang kamay niya upang mas lalo akong madiin sakanya. Sobrang lapit narin ng patalim na hawak niya saaking leeg at ilang galaw nalang sa kamay niya ay alam kong malalagutan na ako ng hininga.

Madiin kong ipinikit ang aking mga mata habang nasa sitwasyon na buhay ko ang kapalit, napasulyap ako sa mga taong nakapaligid saamin at halos lahat sila ay kinakabahan sa pupwedeng mangyare. Ang Tita ko ay nasa isang sulok at hindi matigil sa pag-iyak at si Liam na nag-uumapaw sa galit at pag-aalala. Nababasa ko ang galit na nilalabas ng mga mata at alam kong handang handa na siyang pumatay ng tao.

Napailing iling ako ng biglang inilabas ni Liam ang kanyang baril at itinutok ito saakin, saamin.

Bigla akong may naalala. This scene is also part of my Dream.

And then all of a sudden, next thing I know ay nakaupo na ako sa daan habang patakbong papalapit saakin si Liam. Sinubukan kong tingnan ang lalaking kanina lang ay may hawak saakin, ngunit nakahilata na ito at walang malay.

Hinawakan ako ni Liam pero maagap kong inilayo ang aking sarili sakanya.

B-Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko at tuluyang hindi ko na ito makontrol. Bigla kong naalala ang araw na iyon, when both of my parents murder, kung gaano kasakit ang makita ko lahat ng iyon. Lahat iyon bigla kong naalala and I also hate the fact that all my dream do come true.

Tuluyan akong nilamon ng takot saaking dibdib at tuluyan na ako nawalan ng malay habang hindi makapaniwala sa nangyare.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C48
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン