Twenty Six
"What?" Bulyaw saakin ng boss kong akala mo menopause na naman.
"So ano ang dapat nating gawin? Tutunganga?" Napalunok ako habang nakahawak sa dalawa kong kamay. Sanay na ako na pinapagalitan niya at ang mas hindi ko maintindihan, ay bakit ako palagi? Ako palagi ang bukambibig niya? Ako palagi hinahanap niya, dahil ba sa marupok ako at madaling masaktan? At natutuwa siyang pagalitan ako? Peste, All I do is to give my all in this company at kahit isang letrang spelling lang sa magazine, halos buong lingo niya akong papagalitan!
Sir Ver ang sarap ka ng layasan pero dahil sa mahal ko ang trabaho ko, magtitiis ako.
"Sige po Sir, I'll make sure na papayag siya." Tanging naging sambit ko.
"Then go, prove." Pinandilatan niya ako ng mata kaya umalis na ako sa kwartong iyon, paglabas ko ay sumalubong kaagad saakin ang mga nagaalalang tingin saakin ng mga katrabaho ko.
Tinatanong nila ako kung "Okay lang ba ako?" Pero seriously? Kailangan pa bang itanong yan e, halos umalingawngaw na nga ang boses ni Sir sa buong building, okay?
Nag-okay sign lang ako sakanila at bumalik na sila sa kani-kanilang mga trabaho. Ang katabi kong si Liyan ay binulungan ko.
"Pupuntahan ko ulit si Mr. Perez, ikaw nalang muna bahala saakin." Bulong ko sakanya.
Tumango siya kaya hinanda ko na din ang mga gamit ko sa pag-alis. Nagpahatid ako kay Manong Driver sa pinagtatrabahuan. Nagpahinto pa ako sa bilihan ng coffee upang bumili ng marami para sa mga kasamahan niya. Mahirap ng manligaw ng walang dala.
Pagkarating namin sa Prisento ay nakangiti ko kaagad na binati ang nasa Information Desk.
"Dito po nagtatrabaho si Mr. Perez po diba?" Nakangiting tanong ko sakanya. Sabay abot ko ng kapeng hawak ko.
"Ah yes, nasa loob siya" walang alinlangan niyang tinanggap iyon at ngumiti.
"Thank you ah"
"Walang anuman po." Sagot ko. Mabuti na lang at nadaan sa ganda ko ang Police na iyon.
Tinulungan ako ni Manong Driver na hawakan muna iyong mga kape habang papasok kami sa loob ngunit pareho kami natigilan ni Manong ng makitang napakaraming Reporter na nagaabang din sakanya.
"Kaya mo iyan Ma'am" pampalakas loob niya saakin.
Isa-isa kong pinaglalagyan ang mga desk na nakikita ko ng cold coffee. Panay ang ngiti ko sakanila at paulit-ulit na sinasabing. "The new hero of our generation, kape muna po tayo." Panay ang ngiti nila saakin at pasasalamat.
Nang makita ko na ang desk niya ay liminga-linga ako.
Tinanong ko yung nasa tapat niya na si Sir Delos Reyes. "Nasaan po si Mr. Perez?" Tanong ko rito.
"Nasa meeting pa siya, nasa loob ng kwartong yan. Hintayin mo nalang" itinuro niya saakin ang mga Reporter na nakatayo. "Actually sila din, naghihintay" Tipid na lamang akong napangiti sa sinabi niya.
Pinauna ko na si Manong Driver dahil baka kailangan siya sa Office. Naupo ako roon habang hinihintay na matapos ang meeting, yung ibang reporter ay mukhang kanina pa siya hinihintay. Hinilot hilot ko ang paa kong napagod sa heels, nakalimutan kong magpalit ng flat sandal sa Office, kakamadali ko kasi.
Ilang minuto na akong naghihintay rito at hindi parin siya lumalabas, hindi parin natatapos ang meeting nila.
Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong si Lovely ang caller nito.
"What happen?" Kaagad na bungad niya saakin.
"Napapayag mo ba siya kahapon?" Tumayo ako at lumabas muna ng building na iyon.
"Hindi. Sandamakmak na pagalit natanggap ko sa boss ko." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.
"I'm not asking about your work, Im asking if what happen between the two of you?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"He still know me, but not to the extent na kilang-kilala. There is a gap na. Dont worry, okay lang talaga ako."
"Okay, sama ka ba mamaya? May Dinner kami ni Mom, sama ka?"
"I dont know, madami pa akong trabaho sa office baka after ko rito babalik pa ako para tapusin yung mga yun."
"Bakit nasaan ka ba?" Tanong niya ulit.
"Nasa Police Building, pinagalitan ako ng boss ko kanina dahil hindi ko siya napapayag. Huwag ko daw tantanan"
"O sige bahala ka." At tuluyan na niyang pinatay ang tawag.
Inayos ko ulit ang sarili ko at ngumiting pumasok doon, pagkapasok ko ay natigilan kaagad ako sa paghakbang ng magtama ulit ang tingin naming dalawa. Napapalibutan na siya ng mga Reporter at may kung ano-ano ng tinatanong sakanya subalit nasa akin lang nakatutok ang atensyon niya.
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at naiilang na nag-Hi sakanya. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti at tiyaka ito lumihis ng tingin.
"Hindi po ako nagpapa-interview." Madiin niyang sambit doon sa mga iyon.
"Pero Sir."
Galit na siyang tumayo at itinuro ang mga selda. "If ayaw niyong kasuhan ko kayo ng Human rights, ipapasok ko kayo doon" at itinuro niya ang mga selda.
Pare-parehong nainis ang mga Reporter at walang magawa kundi umalis. Naiwan akong nakatayo doon. Hindi makagalaw.
Napansin niya na rin ang inilagay kong Ice cofee sa table niya at tumingin ulit saakin. Ngumiti ako ng mapagpanggap at lumapit na saknya.
Kakapalan ko na ang mukha ko. "Mr. Perez." Naglakad na ako patungo sa pwesto niya. "About what Ive said yesterday, C-Can we-" natigilan ako sa pagsasalita dahil sa mga masasama niyang tingin na pinupukol saakin.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina lang? Bingi ka ba!" Tumayo siya at pwersahan akong hinila paalis doon, kinuha niya rin ang binigay kong cofee at itinapon ito sa basurahan.
Sapilitan niya akong binitawan sa labas ng building.
"I. Said. No" mariing sambit niya saakin. Kaagad akong tumalikod sakanya dahil namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.
Akala mo ba, madali saakin ang pumunta dito at kapalan ang mukha ko na magpakita sayo? Akala mo ba ganun ganun lang saakin yun? And yet here you are, pushing me away.
Inihakbang ko ang aking mga paa paalis doon at sa kasamaang palad ay nabali pa ang takong ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig.
T-Tuluyan ng lumabas ang luha sa mga mata ko. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusa ng lumandas.
Napalunok ako at sandaling napangiti ng makita ko ang mga paa niyang nasa tapat ko. Umupo siya at pumantay saakin, frustrated ang kanyang mga mata. Bakit na naman ba?
"Next time if you are outside the company, siguraduhin mong naka flat shoes ka" nagtama ang mga tingin namin ngunit inilihis niya kaagad ang kanya. Dahan-dahan niyang kinuha ang paa ko at sinuotan ito ng tsinelas niya.
Malaki ito saakin pero okay lang, atleast Im wearing what he own.
Tinulungan niya rin akong tumayo, pinagmasdan ko siyang bitbit ang sapatos ko papasok sa building nila, pagbalik niya ay nakalagay na ito sa paper bag.
Iniabot na niya saakin ang sapatos ko "Dont ever come here again" napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at walang salitang kinuha ang paper bag.
Nauna akong tumalikod sakanya.
You, wish! Babalik ulit ako bukas.
Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapa-ou, Liam.