Binuksan ng binata ang radyo ng kanyang sasakyan. Nagpatugtog ng maiingay na mga kanta habang tinatawagan niya ang isa sa mga kaibigan niya na nasa lokasyon na.
Bogs: Hello. Hey bro on my way na ako. Oo, this will take one day. Yah I'm fine, for sure may madadaanan naman akong inn siguro or hotel. Oh yes, I can take care of myself. Basta pagdating ko diyan humanda kayong lahat dahil papatayin ko kayong lahat sa sobrang kalasingan. Hahaha.
Nang biglang sumeryoso ang mukha ng binata.
Bogs: Yah, narinig ko nga rin. I know right. Dude, dude, come on. Sem-break ngayon okay. Pwede ba next time na lang natin 'to pag-usapan. We are doing this to have fun you know, hindi dahil pag-usapan natin 'yan, 'di ba? Wait don't tell me yan ang topic niyo diyan. Okay good, mabuti naman. Sige paki-hi na lang ako sa barkada. Okay, see you tomorrow. Bye.
Isang araw pa ang byabyahiin ni Bogs para makarating sa kanyang paroroonan. Tatlong oras na ang nakakaraan at nasa syudad pa rin siya. Masyadong mabagal ang takbo niya dahil sa sobrang traffic. Habang naghihintay ang binata na gumalaw ang mga sasakyan na nasa harap niya, ay biglang may dumaan na babaeng nakaputi sa kanyang bintana, hindi kita ang mukha dahil sa napakahaba nitong buhok na nakatakip. Hindi man nakita ng binata pero naramdaman niya ito. Hindi mapakali si Bogs, at tumindig na nga ang kanyang mga buhok sa kanyang mg braso. Sumilip siya sa may bintana. Puro sasakyan at usok lamang ang kanyang nakikita. Nang biglang dumaan na naman ito, pero sa kabilang bintana na. At biglang lumingon si Bogs pero wala naman siyang makita. Nang binalik niya ang kanyang mga mata sa unang bintana kung saan siya unang sumilip malapit sa driver's seat ay biglang... may babaeng nakatayo.
Pulubi: Sir!
Kumatok bigla ang pulubi sa bintana na nagpatalon sa puso ng binata. At dahil dito ay nagalit si Bogs, binuksan niya ang bintana ng sasakyan at sinigawan ang kawawang babae.
Bogs: Ano ba! Umalis ka na nga! Aatakihin ako sayo sa puso!
At umalis naman ang gusgusing babae papalayo sa sasakyan ng binata. Takot, gutom at naluluha. Muling sinara ng binata ang bintana ng sasakyan at napapikit na lamang siya habang nakasandal sa kanyang kinauupuan. Nagpatuloy si Bogs sa kanyang pagmamaneho, mahaba-haba pa ang kanyang byabyahiin. Ni hindi pa siya nakakalahati sa kanyang paglalakbay. Karagdagang tatlong oras na naman ang dumaan at sa wakas ay narating na din niya ang bundok at nakalabas na rin siya sa mausok at maalikabok na kalsada ng Maynila.
Nakaramdam ng gutom ang binata, huminto muna siya sa may gilid lamang ng daan at kinuha ang pinadalang pagkain sa kanya. Kinuha niya ito sa kanyang bag na nasa likurang bahagi ng sasakyan. Binuksan niya ang kanyang bag at nasa pinakataas at pinakauna talaga ito para hindi na siya mahirapan. Medyo mainit pa. Pagkabukas niya ay sumalubong sa kanya ay mabangong amoy ng adobong manok na ipinatong sa napakaputing kanin na medyo umuusok pa. Gutom na gutom ang binata kaya takam na takam siya sa pagkain niya. Napakasarap ng bawat subo ng binata. Habang hindi niya muling namamalayan ang babaeng nakaputi sa kanyang likuran, nakatayo, hindi kita ang mukha dahil sa napakahaba nitong buhok.
Pagkatapos niyang kumain ay pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakbay.