アプリをダウンロード
35.08% Her IGNORANCE / Chapter 20: Chapter 20

章 20: Chapter 20

20

Ibang-iba ang araw na ito kumpara sa mga nakalipas na araw na tinuturuan niya ako ng mga bagay-bagay. Ngayon walang libro, walang ballpen at papel. Hindi rin kami nakapwesto sa kanyang study table. Nasa magkabilang gilid kami ng kama niya at nagkukwentuhan.

Kinukwento ko sa kanya ang mga kakatwang karanasan ko nung maliit pa ako. Matiim naman siyang nakikinig at paminsan-minsan ay lumalapit siya para kintalan ako ng halik sa labi na siyang nagpapahinto sa akin sa pagsasalita. Minsan smack lang, minsan torrid o french kiss, pero ang pinakagusto ko yung Roderick's kiss. Kapag iyon ang ibinibigay niyang halik sa akin nawawala ako sa aking huwisyo.

Ganoon paulit-ulit ang nangyayari. Magkukwento ako, lalapit siya at hahalik, mawawala ako sa sarili, lalayo siya at makikinig na naman sa kwento ko. Ang saya ng ganito lang. Sana ay hindi na matapos ang araw na ito.

Nasa gitna kami ng mainit na halikan nang may kumatok sa pinto. Dali-daling tumayo si Sir Rod saka nagtanong, "Sino 'yan?"

"Sir Roderick, si Yaya Lordes 'to. Sabi ho ni Ma'am Mira hindi pa raw kayo bumababa para mag-agahan. Pinadalhan ka niya ng almusal rito at baka masama ang pakiramdam mo."

Tiningnan ako ni Sir Rod. Kinakabahan akong ngumiti sa kanya bago ako dumapa at sumiksik sa ilalim ng kama.

"What are you doing?" untag ni Sir na yumuko para tingnan ako sa ilalim. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na tumahimik.

"Patay ako 'pag nahuli ako ni 'Nay Lordes," mahinang utas ko.

"Sir Roderick?" Napatayo nang maayos si Sir Rod nang marinig kong bumukas ang pinto. Bahagya akong sumilip para makita si 'Nay Lordes na may dalang tray.

"Sir, ano pong tinitingnan niyo sa ilalim ng kama? Madumi na po ba? Sige at lilinisan ko." Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko nang unti-unti nang lumalapit sa akin ang mga paa ni 'Nay Lordes. Taragis Sir Rod, gumawa ka ng paraan!

"Ah Yaya Lordes... may hinahanap lang po ako. Sige ho, you can leave now. Thank you for bringing me food." Nakahinga ako sa tinuran ni Sir. Pero itong si 'Nay Lordes, hindi pa rin gumagalaw para umalis.

"Ah eh tulungan na kitang maghanap. Ano ho bang hinahanap niyo Sir at baka makita ko rito sa ilalim ng kama?" Tagatak na ang pawis ko nang lumuhod na si Nay Lordes para sumilip sa ilalim nitong kama. Ang kulit ni 'Nay Lordes! Pigil na pigil ko ang hininga ko habang tinatawag ang lahat ng santong kilala ko sa aking isipan.

"Uh Yaya Lordes... Condom!"

"Ha?" Nakahinga ako ng maluwag nang na-distract ni Sir Rod si 'Nay Lordes. Hindi ko alam kung ano 'yung sinabi niya na nagpahinto kay 'Nay Lordes, ang mahalaga ay napigil niya ito sa nalalapit nitong pagkabuking sa akin.

"Uh... I'm looking for my condom. It's a personal thing. Ako na ho maghahanap." Dinig ko ang mahinang tawa ni 'Nay Lordes bago ito naglakad palapit sa pinto.

"Sige Sir, labas na ho ako. Sana'y mahanap mo ang iyong condom."

Nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ay gumapang na ako para makaalis sa ilalim. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay bumukas na naman ang pinto kaya halos magkandauntog ako sa pagbalik sa dating pwesto.

"Ah Sir Roderick, kung masama ang pakiramdam niyo may gamot diyan sa tray," boses ni 'Nay Lordes saka muling sinarado ang pinto.

Nagpalipas ako ng minuto at baka bumalik na naman si Nay Lordes. Mahirap na. Mula sa aking pwesto ay kita ko ang mga paa ni si Sir Rod na naglalakad palapit sa pintuan. Ini-lock niya iyon.

"Labas ka na riyan," anito pagkakuwan.

Gumapang muli ako para makalabas. Pinunasan ko ang butil-butil na pawis na namuo sa aking noo nang makatayo ako.

"What was that?" Pinasadahan ako ng nagtatanong na tingin ni Sir Rod. "Bakit pinagtataguan mo si Yaya Lordes?"

Tumungo ako saka kinuwento sa kanya ang nangyari. Tahimik lang siyang nakinig. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko habang nagkukwento ako. Nahalata niya iyon kaya pinalis niya ang mga nagbabadyang luha.

"Why, Krisel? Why?" mahinang tanong niya. Ang pungay ng mga mata niya. Pakiramdam ko ay matutunaw ako anumang oras. "Why did you do that? Why are you doing this?" tila hirap na untag niya.

Inayos niya ang ilang hibla ng buhok kong kumakalat sa aking mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko. Pinakatitigan niya ang aking mga mata, pababa sa aking mga labi.

"May gusto ka ba sa akin, Krisel?" Umiwas ako ng tingin nang tanungin niya iyan. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya, sa ilang, at sa pinaghalo-halong emosyon. Hindi ko kayang tagpuin ang kanyang mga tingin.

"Krisel, tell me... Bakit kailangan mong suwayin ang nanay mo makita mo lang ako? Bakit ka pumunta rito gayong alam mong ikakapahamak mo? Krisel, look at me. Gusto mo ba ako?" Hinawakan niya ako sa baba saka ibinaling ang iniiwas kong mukha sa kanya.

"Krisel..." Dinampian niya ako ng mabilis na halik. Mahirap man ay sinalubong ko ang mga tingin niya. Sobrang namumungay pa rin ang kanyang mga mata.

"Ano, Krisel? May gusto ka ba sa akin?" Nang hindi pa rin ako sumagot ay pumasada pa siya ng isa pang halik. "I won't stop kissing you unless you answer my question."

Lumunok ako. Di ko na mapigil ang paghuhuramentado ng aking puso. Wala na akong kontrol sa nararamdaman ko.

"Krisel, do you like me?" Nanatiling tikom ang aking bibig. Ngumisi naman siya saka dinaanan ng daliri ang aking labi. "Gusto mo lang yatang magpahalik e." Yumuko ako kaya iniangat niyang muli ang tingin ko sa kanya.

"Krisel, for the last time, gusto mo--"

"Oo na Sir, oo na! Gusto kita! Gustong-gusto kita."

Halos pagsisihan ko ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Nakakahiya. Ngumuso lang si Sir Rod, tila pinipigilan ang pagngiti.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C20
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン