アプリをダウンロード
85.71% Color Game "The Bloody Beginning" / Chapter 6: CHAPTER 5: THE IMPRISONMENT

章 6: CHAPTER 5: THE IMPRISONMENT

"CARL!" untag ni Alvin sa kaibigan na noon ay nasa malalim na pag-iisip.

Noon lang din naman si Carl nagbalik sa reyalidad. Nanatili itong tahimik at walang maisagot sa tanong ng kasintahang si Rue.

"Carl, do you have any idea what's goin' on here?" muling tanong ni Alvin nang hindi pa rin ito kumikibo.

"I-I don't know," naiiling na sagot ni Carl. Hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kaibigan dahil maging ito ay wala ring alam sa mga nangyayari.

"Carl?" Naghihintay si Rue ng kasagutan mula sa nobyo. Pansin niya ang kakaibang ikinikilos nito. Tila balisa ito at may kung anong naglalaro sa isipan.

"I'm sorry... Hindi ko rin alam, Rue. Nagising na lang akong nakakulong na dito," sagot nito.

"Hindi maganda ang kutob ko rito! Simula pa lang sa party... ang weird na ng mga nangyayari," ani Rue.

Napahawak siya sa rehas dahil bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Kahit anong pilit niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit sila naroon ay wala talaga siyang mahanap na dahilan.

Mayamaya'y natuon naman ang pansin ni Alvin sa kamay ni Rue na nakahawak sa rehas. Napansin nito ang suot niyang bakal na bracelet. "Rue, may suot ka ring bracelet..."

Napatingin si Rue sa kamay niya. Pagkuwa'y napatingin din siya sa kamay ni Alvin na pilit nitong itinuturo sa kanya. Iniikot niya ang paningin sa lahat ng mga nakakulong-sinipat ang bawat braso ng mga ito at napagtantong lahat sila ay may suot niyon.

"What is this for?" tanong niya kay Alvin. Ngunit, tanging sunod-sunod na pag-iling lamang ang naging tugon nito sa kanya sa kawalan din ng ideya.

Sinipat niya ang suot at sinubukang tanggalin. Ngunit, wala itong lock. Nakakapagtaka kung paano iyon naisuot sa kanila.

'Ano ba ang bagay na 'to?' Naisa-isip niya. Hindi niya ito napansin kanina dahil akala niya'y simpleng bracelet lamang iyon at sadyang maliit. Napansin din niya ang iba't ibang kulay na buton na naroon. Pinakatitigan niya ang mga ito at sinubukang pindutin ang isa.

Walang anu-ano'y biglang lumikha ng isang nakabibinging ingay ang ginawa niyang pagpindot doon. Naalarma siya't ganoon din ang lahat.

Sa sobrang takot ay pilit niyang tinatanggal ang bracelet sa braso. 'Fuck! What's happening?' Ngunit, hindi talaga iyon matanggal.

Mayamaya pa'y nawala rin naman agad ang nakakaalarmang tunog na iyon pagkatapos ng isang minuto. At kasabay niyon ang paglabas ng isang imahe ng lalaking nakamaskara sa gitna ng silid na iyon. Bigla na lamang iyong lumabas mula sa kawalan at hindi nila mabatid kung saan ito nanggaling.

"Hello players!" bati ng lalaking nakasuot ng pulang maskara.

"Welcome to the Color Game... the true-to-life edition!" patuloy nito. Bahagya itong naglalakad-lakad paikot sa mga rehas at isa-isa silang pinagmamasdan.

"C-color Game?" pag-uulit ni Rue. "Ano 'to, laro?" Sarkastiko siyang napangiti't tila hindi mapaniwalaan ang narinig.

"Nababaliw ka na!" singhal naman ni Alvin sa kabilang dako. Magkasalubong ang kilay nito na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng nakamaskara.

"Who the hell are you, Fuckin' Freak?" galit namang tanong ni Jack. Bakas na ang labis na pagka-inis at galit nito. Sabagay ganoon naman talaga ito, hindi marunong magtimpi at mainitin ang ulo.

Huminto ang lalaking nakamaskara sa harapan ni Jack at walang kibong pinakatitigan ang binata.

"Ano?! Palabasin mo 'ko ditong buwisit ka!" mariing utos dito ni Jack.

Ngunit, wala pa ring salitang tinalikuran lang nito si Jack na parang hindi narinig ang ano mang sinabi nito.

"Hey! I'm talking to you!" nagtatangis ang mga bagang na muling sigaw ni Jack. "Sinabi kong pakawalan mo 'ko dito, Baliw!" At pilit na kinakalampag ang rehas.

"Ihanda niyo na ang inyong mga sarili." Sa halip na sagutin si Jack ay ito ang sinabi ng nakamaskara. "Players, it is now the time to test your strength... and see how smart you are."

"What?" inis na bulalas ni Alvin. "Anong kabaliwan 'to? At bakit mo kami tinatawag na players?"

Alam nilang lahat ang sikat na larong color game sa video game. At hindi iyon maganda para sa true-to-life edition. Kalokohan ang lahat ng ito. Ngunit, ano nga ba ang naghihintay sa kanila? Sa totoo man ang sinasabi ng lalaki o hindi-idagdag pa ang kalagayan nila ngayon, that was enough for them to get scared.

Labing-anim silang lahat na naroon. Lahat sila ay walang ideya kung sino ang lalaking nasa kanilang harapan at mas lalong walang may alam kung ano ang gagawin sa kanila ng lalaking ito.

"Players, I wish you all the luck!" Nakakaloko nitong saad at pinasundan pa iyon ng malakas na tawa.

"Sandali!" Akma na sanang aalis ang lalaking nakamaskara nang tawagin ito ni Carl.

Napalingon ito sa kinaroroonan ni Carl at dahan-dahang lumapit.

"Hinding-hindi ka magtatagumpay sa plano mo! Sinisiguro ko 'yan sa 'yo!" mariin niyang banta rito at pinakatitigan ang mga mata ng lalaki kahit hindi niya iyon masyadong maaninag.

"Kung gusto mong malaman ang dahilan ng lahat... pilitin mong mabuhay, Carl Alfonso!" pabulong na sagot nito na tanging silang dalawa lamang ang nakarinig. "Iyon lang ay kung makakalabas ka pa ng buhay." Pagkuwa'y tumawa ito ng malakas.

Hindi na nakapagpigil pa si Carl ng galit niya at bigla itong sinunggaban. Ngunit, bago pa man niya ito mahawakan sa damit ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.

Isa lang pala itong hologram.

"Where did he go?" tanong ni Rue. Ang bilis at halos hindi na kapani-paniwala ang mga pangyayari't hindi na halos nagsi-sink in sa utak niya ang lahat.

"What does he mean by that fucking color game?" Tila wala na ring maintindihan si Alvin ng mga sandaling iyon.

"Huh... Ang slow mo talaga! 'Di mo pa ba makuha?" mapaklang sabat ni Jack. Mapait ang ngiti sa mga labi nito at lantarang pinapakita ang hindi nito pagkagusto sa mga nangyayari. "Pinaglalaruan tayo dito! Siguro obsessed ang lalaking 'yon sa larong color game kaya niya ginagawa 'to."

Ang iba naman ay pinili na lang na manahimik. Hindi na rin maitago ang takot ng mga ito.

"Kabaliwan 'to!" inis na bulalas ni Alvin. "Tsaka anong silbi ng damit na 'to? Pati ng weird na bracelet na 'to? This is bullshit! This are all crap!" Naghihisterya na si Alvin.

Hindi nito gusto ang nangyayari at lalong hindi nito magugustuhan ang mga susunod pang mangyayari. Pinaghahampas nito at pinagsisipa ang rehas dahil sa inis.

"Hey, Alvin! Calm down, okay? Calm down!" awat ni Rue sa kaibigan.

Sa kabilang banda nama'y hindi na umimik pa si Carl matapos siyang kausapin ng lalaking nakamaskara. Hindi pa rin niya lubos na maisip kung ano ang kinalaman ng ama niya sa mga nangyayaring ito. Ang tanging malinaw sa kanya ay ito ang may imbensyon ng larong color game. Ngunit, sino ang lalaking nakamaskara? Ano ang kaugnayan nito sa kanyang ama?

Gulong-gulo na talaga ang isip niya sa mga nangyayari. Ngunit, kailangan niyang maka-isip ng paraan para makaalis sa lugar na ito at hindi mangyari ang binabalak sa kanila ng lalaking nakamaskarang iyon.

...to be continued


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C6
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン