アプリをダウンロード
88.4% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 343: Chapter 343

章 343: Chapter 343

Di pera ang mahalaga kundi yung value ng sing-sing na yun kasi wala na sakin yung patunay na ako yung babaeng papakasalan niya at malaman kay Ellena yun mapunta. Di ko mapigilang malungkot.

"Okay ka lang?" tanong ni Martin marahil napansin niya na para akong iiyak.

"Okay lang," pilit kong sagot.

"Tara na!" sabi niya bago niya ko hinalikan sa noo at ginaya palabas ng kwarto. Dahil nga medyo mataas yung takong ng sapatos ko, nanatili akong nakakapit sa braso niya hanggang maka rating kami sa parking lot.

"Dahan-dahan," sabi ni Martin habang inalalayan niya kong makapasok.

"Saan si Mang Kanor?" tanong ko ng si Martin yung nagmaneho.

"Pinauwi ko na," sagot niya habang pinaandar yung sasakyan.

Nanatili akong naka tingin sa may bintana para pagmasdan yung daan saan kami papunta. Makalipas ng ilang minuto ay binaybay namin yung papuntang Rizal at sa pagkakatanda ko wala naman siyang kilala or kaibigan na dun naka tira. If ever naman kakain lang kami, napaka layo naman ng Rizal kaya di ko naiwasang magtanong.

"Saan tayo punta?"

"Antipolo,"

"May party tayong pupuntahan?" Kaya ko yun natanong based yun ayos naming dalawa. Sa suot kasi naming damit daig p naming aatend ng kasal.

"Secret," sabi ni Martin habang naka ngiti.

Dahil sa sagot niya di na ko nagtanong. Nanatili lang akong naka tinging sa labas ng bintana. Sakto namang traffic kaya nag-scroll na lang ako ng phone, yun lang kasi ang dala ko. Ultimo wallet ko naiwan, nung naalala ko ayaw na ko pabalikin ni Martin.

"Buksan ko yung bintana ha," sabi ko kay Martin bago ko buksan yung bintana. Gusto ko kasing maramdaman yung lamig ng hangin ng Antipolo habang pinagmamasdan ko yung ilaw ng buong Maynila.

Nawala lang yung tanawin ng bigla kaming pumasok sa isang malaking gat na gawa sa bakal at bumungad sakin ang isang malaking bahay at kung titingnan mong mabuti ay matatawag mong mansion.

Nagmasid ako sa buong paligid pero wala akong makitang ibang tao.

"Baka nasa loob," sabi ko sa isip ko pero hanggang sa makababa kami ni Martin ay walang sumalubong samin or kahit ingay ay wala akong marinig, sa halip tanging simoy lang ng hangin at huni ng kulisap ang ingay na nadidinig ko.

"Tara," sabi ni Martin ng lumapit siya sa akin kasi nga di na ko gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

Hinawakan niya ko sa baywang at sabay kaming naglakad. Dinala niya ko sa likurang bahagi ng bahay, Iniisip ko nung una baka andun yung party pero kagaya sa harap wala din dung tao pero nakakagulat yung tanawin dun.

Ngayon ko lang napagtanto na nasa tuktok pala ng burol yung bahay na kinaroroonan namin. Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita mo parin yung buong ilaw ng kamaynilaan na nagmimistulang liwanag sa dilim ng gabi.

Napakalamig ng simoy ng hangin na may dalang halimuyak ng rosas na nakatanim sa buong paligid. Napaka romatic ng lugar tamang tama sa mga lovers, di ko mapigilang mapangiti kasi nga kasama ko si Martin sa pagkakataong ito.

"Nagustuhan mo?" tanong ni Martin na natiling nakahawak yung kamay sa baywang ko.

"Hmmm, ang ganda!" sagot ko sa kanya. Naramdaman kong bumitaw si Martin sa baywang ko pero hinayaan ko lang at nanatili lang akong naka tingin sa malayo pero laking gulat ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at hawak-hawak yung engagement ring ko na binigay niya dati na sinauli ko kanina.

"I would like to take this opportunity to express my love to you Ms. Michelle De Vera, Will you marry me for real?"

"Anong sabi mo?" gulat na gulat kong tanong parang di ako makapaniwala sa sinabi niya kaya gusto kong ulitin niya.

"Spend the rest of your life with me Hon, please be Mrs. Martin Ocampo," sambit ni Martin habang naka luhod parin at hawak-hawak ang sing-sing.

Nanlaki yung mata ko di parin ako makapaniwala na sa sinabi niya, "Gusto akong pakasalan ni Martin pero kasal na siya kay Ellena?"

Patuloy ang pagtibok ng puso ko na halatang nagdidiwang sa narinig niyang proposal ni Martin pero yung utak ko tumigil sa paggana kasi isinisigaw nito ay, "Wag kang pumayag na gawin ka niyang kabit."

"Hon please accept my proposal?" paki usap ni Martin sakin.

"Kaya lang..." sasabihin ko pa sana, "Kaya lang si Ellena di ba kasal na kayo?" pero di ko na nagawang magsalita kasi isinuot na ni Martin yung sing-sing sa daliri ko pagkatapos nung ay agad niya kong siniil ng halik.

"Teka lang di pa ko pumapayag," reklamo ko na bahagya ko pa siyang itinulak nung bitawan niya yung labi ko.

"Wala kang karapatang tumanggi, sa ayaw at gusto mo papakasal ka sakin," sabi ni Martin na di maipinta yung muka.

"Ha?" tanging nasabi ko.

"Bert!" sigaw ni Martin habang naka tingin siya sa loob ng bahay.

"Naka ready na kaya dalhin mo na yung bride mo dito!" sigaw naman ni Bert na lumabas sa may pintuan at kinawayan kaming dalawa ni Martin.

Napatingin ako kay Martin para sana tanungin kung anong nangyayari pero bago ko pa maibuka yung bibig ko ay binuhat na niya ko ng princess style at dinala sa loob ng bahay.

Napaka elegante ng bahay pero ang makatawag pansin ay yung mga petals ng rosas na nasa sahig at ang mini altar na nasa gitna ng sala. Ang nakakagulat pa dun may taong naka tayo sa gitna nun at kung di ako nagkakamali ay Priest iyon based sa suot niyang sutana.

Andun din si Zaida na naka ngiti sakin at sila Lucas, Bert at Jerold.

"Anong?" magtatanong sana ako kung anong nangyayari pero di nanaman ako hinayaan ni Martin kasi nga mabilis niya kong hinalikan sa labi pagkatapos niya kong ibaba sa harap ng lamesa kung saan naka tayo si Father.

"Umpisahan na po natin yung kasal," deklara ni Martin habang hawak-hawak ako sa baywang.

"Welcome to all of you, who have come to share in this important moment in the lives of BRIDE and GROOM. I ask you to join together in celebrating, acknowledging, and honoring this day and the vows that they will be making. By your presence, you witness and affirm the truth of their love and commitment to each other." paninimula na ni Father.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C343
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン