アプリをダウンロード
67.52% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 262: Creepiness

章 262: Creepiness

"Ate, kanina pa kita tinatawagan. Asan ka na?" Iretableng sabi ni Mike sakin nung sagutin ko yung phone ko.

"Bakit?" Medyo grogy ko pang sabi kagigising ko palang kasi.

"Anong bakit? Sabi mo sunduin kita kasi gagamitin mo yung kotse tapos ngayon kagiginsing mo lang! Anong oras na?" Lalong nainis si Mike sa sagot ko.

Bigla akong napahawak sa noo ko, kumirot kasi.

"Asan ka na ba?" Tanong ko habang naka pikit parin.

"Malapit na ko, mga 10 minutes anjan na!"

"Sige!"

"Anong sige?" Naasar nanamang sabi ni Mike.

"Sige na! tawagan mo ko kapag nasa tapat ka na!" Iretable ko naring sabi kasi nadadagdagan yung kirot ng ulo ko sa bunganga ni Mike. Pagkababa ko ng phone ko, bumangon narin ako.

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush, bago ako nag-umpisa magligpit ng mga kalat ko. Di ko na matandaan kung anong oras kami natapos yung party kagabi. Ang alam ko lang hinatid ako ni Dina at Alvin sa may pintuan ng hotel room na pina-book ko. Di ko narin alam kung paano ako nakapag-bihis at naka tulog. Madami dami ring alak yung nainom ko kagabi kaya medyo hilo parin ako ngayon. Kung di lang talaga ako naka pangako kay Zaida, gusto ko pa sanang matulog.

Nung maayos ko lahat ng kailangan ko, agad akong bumaba at nagcheck-out na. Tamang-tama naman paglabas ko parating na din si Mike kaya agad akong sumakay sa kotse.

"Bakit ganyan suot mo?" Galit nanamang tanong ng magaling kong kapatid.

"Ano namang problema mo sa suot ko?" Galit ko ring sabi kasi nga kanina pa siya.

"Seat belt mo!" Singhal niya uli sakin.

"Wait lang, nakita mong may nilalagay pa ko sa likod eh!" Di ko na mapigilang batukan siya sa asar ko.

"Aray ko naman!"

"Ikaw baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo baka bugbugin kita diyan!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Kaasar ka kasi!" Reklamo nito habang nagmamaktol.

"Naasar ka kasi sinundo mo ko?" Pinandilatan ko siya ng mata. Di na sumagot yung kapatid kong ungas, mukang masama ang gising kaya iretable.

Mabilis lang ang naging biyahe namin halos 10 minutes lang kami nasa building na kami ng Casa Milan Group of Companies. Mabilis na bumaba si Mike at ganun din sana ako para lumipat sa driver seat.

"Wag ka ng bumaba, humakbang ka nalang para makalipat sa driver seat." Masungit na sabi ni Mike sakin.

"Anong pake mo kung gusto kong bumaba?" Kaya agad kong binuksan yung pinto pero bago ko pa maitapak yung paa ko sa kalsada, mabilis akong hinarangan ni Mike.

"Wag ka ngang makulit!"

"Ikaw ang wag makulit! Umalis ka nga diyan, sipain kita!"

"Tingnan mo nga yang damit mo, tapos baba ka!" Galit na galit na sabi ni Mike sakin.

"Anong problema mo sa damit ko?" Reklamo ko. Actually naka short lang kasi ako ng maong medyo maiksi yun halos lahat 3/4 nag legs ko ang expose samantalang naka spaggeti strap lang ako sa pang-itaas pero para sakin wala namang problema yun kasi nga sa America malala pa yung suot nila kaysa sakin.

Wala naman sana akong yun lang ang isuot kaya lang kasi mindali niya ko kanina kaya yung pinantulog ko yun nalang din yung sinuot ko kasi nga naka kotse naman ako tapos sa bahay naman muna ako didiretso kaya di naman yung big deal pero ewan ko ba dito sa kapatid ko ginagawang issue.

"Wag ka ng bumaba!" Sigaw ni Mike sakin.

Tiningnan ko siya ng matagal pero di talaga nagpatinag si Mike pero di rin ako kumilos.

"Bilisan mo na at late na ko! Lumipat ka na dun!"

"Pasalamat ka masakit ulo ko kundi!" Pagbabanta ko kay Mike. Wala akong nagawa kundi gumapang nalang sa kabilang upuan para makapunta sa driver seat at ng makita yun ni Mike bigla siyang bumuntunghininga bago isara yung pinto ng passenger seat at lumakad papasok sa building.

"Mike di ka pa nag-kiss sakin!" Sigaw ko.

Dahil nga pasukan na madaming taong naka rinig nun at lahat sila ay napa tingin sa direksyon ko. Kinawayan ko si Mike para bumalik pero inirapan lang ako nito at dirediretsong pumasok.

"Haha...haha...! Tawa ko kasi narinig ko yung mga ka-officemate niya nagbulungan na may ibang babae daw si Mike kasi nga alam nila na in-relationship ito sa isa ring empleyado sa opisina nila.

"Bahala na si Mike, magpaliwag kung sino ako sa buhay niya!" Sabi ko sa sarili ko. Di pa nawala yung ngiti sa labi ko ng may tumawag sakin.

"Mam Michelle! Ikaw po ba yan?" Paglingon ko si Mang Kanor iyon. Nasa driver seat din siya ng isang Ford Mustang na bagong labas sa Philippine Market kulay pula ito. Tinted yung bintana kaya di ko kita kung may tao sa passenger seat nito. Siguro wala kasi di naman ako tatawagin ni Mang Kanor kung andun pa Boss niya.

"Musta po mang Kanor?' Masaya ko ding bati.

"Okay naman po Mam, Ikaw po? Kailan po kayo dumating?"

"Mabuti naman ko ako! Kadarating ko lang nung 31." Masaya kong sagot.

"Ah talaga, lalo kayong gumanda Mam ah!" naka ngiti ring sabi ni Mang Kanor sakin.

"Naku Kuya wag mo na kong binobola at wag mo narin akong mina-Mam at pino-po baka mamaya mapagkamalan pa nila akong matanda sayo!"

"Haha... haha... tanga lang ang magsasabing matanda ka sakin."

"Mukang bumabata ka kasi haha...haha...!" Pagbibiro ko uli.

"Ikaw talaga Mam Michelle di ka nagbabago!"

"Wala naman dapat baguhin! Siya nga pala Kuya yun parin ba number mo?" Tanong ko kay Mang Kanor bago ko kinuha yung new phone ko sa back-seat.

"Nagpalit na po ako Mam!"

"Ah ganun ba, pahinge ako!"

"Ay bakit po Mam?"

"Basta, akin na!"

"Wait lang po di ko kabisado!" Sabi ng matanda habag dinampot yung bag at mukang hinahanap yung phone niya. Habang ginagawa niya yon bigla akong napatingin sa may passenger seat sa likod feeling ko kasi may naka tingin sakin dun pero dahil nga sobrang tinted nung sasakyan wala akong makita dun.

"Ito po Mam, 0955- XXXXXXX!" sabi ni Mang Kanor. Agad ko naman iyong tinawagan at sa unang ring pinatay ko narin kagad.

"Yan po yung number ko, text-text po tayo!"

"Sige po Mam!"

"Ingat po kayo!" Sabi ko nalang at mabilis na kong umalis.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Mang Kanor kaya lang kailangan ko pang umuwi kaya minabuti ko ng mag-paalam. Isa pa feeling ko talaga may naka tingin sakin sa passenger ng sasakyan na minamaneho ni Mang kanor and It gives me creepiness.


クリエイターの想い
pumirang pumirang

Don't ask for more na huhuhuh 2 chapter lang talaga kaya ko!

Di ko na nga na-update yung Let's Start Again kasi inuuna ko ito. So please understand lalo pa nga FREE lang ito walang bayad yung effort ni Author so plese understand.

Thank you!

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C262
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン