Chapter 1830: Ang Eskandalo Ng Huo Corporation (1)
"Syempre hindi… Ako pa rin si Handsome Su niyo, 'di ba? Hindi ba ako matalino at matapang? Bakit ko hahayaan na maging backup lang ako ng isang tao? Kalokohan yun," sabi ni Su Yu nang walang alinlangan.
"Syempre hindi aaminin ni Su Yu kasi pinoprotektahan niya ang mommy niyo…" Halatang hindi kuntento si Tang Chuan sa sagot.
"Uncle Wei, ano tingin mo?" Tumingin si Pudding kay Wei Liao.
"Huh?" Hindi inakala ni Wei Liao na madadamay siya.
Agad na nilapit siya ni Little Bean at hinawakan nito ang kamay niya. "Oo, Uncle, hindi ka involved… Siguro may convincing na arguement ka."
"Tingin ko… um… hindi tinatrato ng mommy niyo bilang backup si Yu… After all, hindi siya counted as backup."
"Bwisit, Wei Liao. Minamaliit mo na ba ako ngayon?" Umupo si Su Yu at mukhang galit.
"Haha… Kita mo, hindi ka pasok kahit backup lang…" Tumawa nang malakas si Tang Chuan.