Chapter 1526: Ang Katagang 'Henyo' Ay Hindi Lamang Pakitang-anyo(7)
Ngunit, madaling sinabi ni Mo Xue'er, "Hindi ko na ito kailangan pang pagisipan, Hindi ko ito gagawin"
"Hindi ka ba nagaalala sakinabukasan ng iyong kapatid? Mas gugustuhin mo pa na magbigay ng fake alibi para kay Huo Sigian?" gulat na tanong ni Huo Mian.
"Haha... Sa tingin ko ay nagkakamali ka... Wala akong kinalaman sa sinasabi mong 'fake alibi'. Nang mamatay si Song Yishi, kasama ko si huo Sigian ng buong gabi. Iyon ang totoo. Hindi ko kailangan magsinungaling.Magkakasala ako kung sisiraan ko si huo Sigian para lamang mailigtas ang aking kapatid."
" Mo Xue'er, ganoon mo ba talaga siya kamahal?" tinignan siya ni Huo Mian ng may pagkabigo, at sumagot naman ito, "Walang kinalaman dito ang pagmamahal, ito ang totoo... kasama ko siya sa gabi ng pagpatay."