Chapter 1500: Isang Matamis na Gabi (1)
"Wala akong pakialam kung gumamit ka ng ilang dosenang malaking land companies para pigilan ang GK. Pero, bakit ka gumagawa ng mga bagay na may mawawala rin sayo? Alam mo ba kung gaano kalaki nawala sa Huo Corporation? Alam mo ba kung gaano kalaki ang pera na nawala sakin overnight??" galit na sigaw ni Jiang Hong, pula ang mga mata niya. Isa siyang tao na mas pinapahalagahan ang profit kaysa kahit ano. Sa buong buhay niya, wala siyang pakialam sa kahit ano bukod sa pera, kahit magulang niya.
Matagal na itong nalaman ni Huo Siqian, kaya sumagot siya nang walang masyadong pakialam, "Yung perang nawala sayo pwede naman bumalik, ano problema doon?"
"Pwede bumalik? Madali sabihin para sayo! Pera ko naman yun! Tingin mo ba na pwede mo kunin yung pera ko at gawin kahit ano nang hindi ako tinatanong? Tingin mo ba ang taas taas mo na ngayon? Kailangan mo pa rin ng tulong ko!"