Chapter 1435: Honey, Magpakasal Tayo? (6)
"Yes, Mr. Qin… so, will you marry me?"
"Ano makukuha ko pag pinakasalan kita?" Nagyabang si Mr. Qin.
"Maraming perks."
"Tulad ng?" Ngumiti si Qin Chu. Sagot ni Huo Mian, "Kaya kong magluto."
"Ako rin."
"Kaya kong maglaba."
"May washing machine sa bahay."
"Kaya kong painitin yung kama mo…" Ginamit na ni Huo Mian ang big guns niya.
Nang marinig ito ni Mr. Qin, pinag-isipan niya. "Enticing, pero so-so pa ang skills mo, kaya kailangan mo galingan…"
"Haha, Qin Chu, stop it!" Binato ni Huo Mian ang magazine sa kanya. Nasalo ito nang madali ni Qin Chu.
"Naintriga ako sa proposal mo."
"Kaya wag ka na mag-alinlangan, mag-'yes' ka na lang. Hindi ako patient na tao."
"'Di ba sabi mo gusto mo maghintay hanggang May? Ayaw mo na? Parang hindi ka naman ganyan."