"Sa tingin ko ay pipiliin ko pa rin ito. Minsan kasi, hindi mo napipili ang hinaharap mo at hindi ka binibigyan ng Diyos na sapat na awa para pumili. Minsan, maliban sa pagpupursigi, wala ka ng kahit anong pamimilian sa buhay..." malungkot na sabi ni Ni Yang.
"Hindi mo kailangan mamuhay ng nakakapagod na buhay. May kasabihan nga sa Buddhist scripture na sinasabi, 'Kung panatag ang puso mo, mamumulaklak ang mga bulaklak ng lotus'."
"'Kapag panatag ang puso mo, mamumulaklak ang mga bulaklak ng lotus'?" Inulit ni Ni Yang ang mga sinabi niya.
"Oo, pwede mo naman ito pag-isipan kapa may oras ka at huwag mo sobrang isipin ang mga bagay-bagay. Kapag kasi mas lalo mo itong inisip, mas mapapagod ka. Gusto ko ang buhay na simple – kapag inaantok ka, matulog ka. Kapag nagugutom ka, kumain ka. Kung may gusto ka, mahalin mo. Baka mas magiging madali ang buhay mo kapag ganito."
Naantig si Ni Yang pagkarinig sa mga salitang ito; pumikit-pikit siya…