アプリをダウンロード
94.03% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 915: Pagkatapos (32)

章 915: Pagkatapos (32)

編集者: LiberReverieGroup

Siguro sa sobrang saya ni Yang Sisi na makita siya, walang keme nitong

ininom ang tubig, sa puntong hindi nito namalayang natuluan na ang damit

nito.

Muli niyang tinignan si Xu Jiamu. Kilala niya ito bilang metikulosong tao, pero

sa pagkakataong ito, walang kahit anong bakas ng inis siyang nabasa sa

mukha nito, bagkus, kumuha pa ito ng tissue para punasan ang mukha at damit

ni ni Yang Sisi…

Samantalang si Yang Sisi naman ay halatang hiyang hiya kaya napakagat

nalang ito ng labi at napangiti kay Xu Jiamu. Pagkatapos, inagaw nito ang

tissue at may mga sinabing hindi niya na narinig.

Sa layo niya sa dalawa, hindi nabasa ni Song Xiangsi kung anong sinabi nito,

pero nakita niyang umiling si Xu Jiamu bilang sagot, bago ito maglakad

papunta sa basurahan para itapon ang tissue.

Siguro gusto ng babaeng yun, na Yang Sisi raw ang pangalan, na itapon ang

tissue pero hindi pumayag si Xu Jiamu…

Mula noong mamatay si Han Ruchu, lalong gumaling si Xu Jiamu pagdating sa

negosyo. Dahil dito, normal nalang na makita ang pangalan nito sa mga

business news outlets. Sa totoo lang, noong una sinubukan ni Song Xiangsi na

umiwas sa kahit anong maguugnay sakanya kay Xu Jiamu, pero dahil ilang

beses niya na itong nakakasalubong mula noong umuwi siya ng Beijing,

bandang huli ay hindi niya na kinaya at araw-araw na itong iniistalk.

Kaya alam niya na sobrang bait nito kay Yang Sisi… Ayon sa article na nabasa

niya, sunud-sunuran daw ito sa 'girlfriend' nito, at sa totoo lang, masakit yun

para sakanya kasi hindi naman naging ganun si Xu Jiamu sakanya sa loob ng

walong taon nilamg pagsasama, kaya inisip niya na baka ineexaggerate lang

ng media ang balita, pero ngayon na kitang-kita niya gamit ang kanyang

dalawang mga mata, naniniwala na siya….

Mas masakit kaysa sa inaasahan niya, sa puntong hindi niya kayang tignan

ang mga ito, kaya pagkatapos niyang magretouch at habang nagshushoot,

pinilit niya ang kanyang sarili na iwasan ng tingin ang mga ito.

Parte ng pinirmahan niyang kontrata ay magsusuot siya ng sixteen centimeters

na heels at aakyat sa stage. Bago niya iwan ang Beijing, three years ago,

halos araw-araw siyang nagsusuot nito, pero mula noong nalaman niyang

buntis siya kay Little Red Bean, itinigil niya ito, kaya ngayon na kailangan ng

trabaho, medyo hirap at hindi siya komportable. Pagkaaykyat niya ng stage,

medyo nawawala siya sa balanse, buti nalang, mabilis na kumilos ang kanyang

assistant at iba pang mga staff members na nakasunod sakanya, kaya nasalo

siya agad ng mga ito.

At mula sa hindi kalayuan, si Xu Jiamu, na nanahimik na nakaupo, ay biglang

napatayo at alalang-alalang sumilip sa nangyari.

"Jiamu, bakit?" Naguguluhang tanong ni Yang Sisi.

Umiling lang si Xu Jiamu, at kalmadong umupo.

"Muntik nay un ha…" Maging si Yang Sisi ay napabuntong hininga rin sa

sobrang takot, at sa kalagitnaan ng komosyon, dali-dali niyang pinakita ang

picture nila ni Song Xiangsi kay Xu Jiamu, "Jiamu, tignan mo! Natupad na ang

pangarap ko. Sa wakas may picture na ako ng idol ko. Ang ganda niya

talaga…."

"Oo nga." Pampalubag loob, sumilip si Xu Jiamu sa phone ni Yang Sisi, bago

niya muling tignan ang nangyayari kay Song Xiangsi na hanggang ngayon ay

napapalibutan pa rin ng mga tao. Bilang isang super star, alalang alala ang

lahat kung nasaktan ba ito, pero matapos nitong kumpirmahin na ayos lang

ang lahat, sabay-sabay na umalis ang mga hindi kailanang tao sa stage at

base sa instruction ng direktor, nagpatuloy ang mga ito sa pagshushoot.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C915
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン