アプリをダウンロード
78.52% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 764: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (24)

章 764: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (24)

編集者: LiberReverieGroup

Hmmm… Pero wala si Lu Jinnian kaya wala siyang makakasama.

Mas maganda kung magkasama sila kasi bukod sa pareho nilang maririnig

ang sasabihin ng doktor, mas madali ring bumyahe dahil may sasakyan…

Pero anong oras naman kaya ito uuwi? Kung hihintayin niya ito, paano kung

may mangyaring masama sa baby nila?

Nalilito si Qiao Anhao sa kung ano bang dapat niyang gagawin at habang

tumatagal, lalo lang siyang napaparanoid kakaisip kung aantayin niya pa ba

si Lu Jinnian o mauuna na siya... Pero… nagaalala talaga siya sa baby nila

kaya andang huli, nagdesisyon siyang tawagan na si Zhao Meng para

magpasama.

Sampung araw na simula noong kumalat ang scandal niya sa internet at

maliban nitong nakaraang sabado, araw ng top eight competition, hindi talaga

siya lumabas ng bahay sa takot na baka kuyugin siya ng media o ng mga

fans ni Lu Jinnian.

Hindi naman na siya ganun kainit sa mata ng mga tao kumpara noong

nakaraang dalawang linggo, pero natatakot pa rin siyang lumabas ng hindi

nagdidisguise. Nakita niya naman kung gaano kabrutal ang mga reporters at

kapusok ang mga fans, kaya paano nalang kung bigla siyang harangin ng

mga ito? Isa pa, kailangan niyang doblehin ang pagiingat ngayon lalo na at

may baby na siya dahil hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung

mauulit nanaman ang nangyari noon…

Kaya sinigurado niyang balot na balot siya mula ulo hanggang paa at nanatili

lang siya sa loob nhg bahay hanggang sa dumating si Zhao Meng para

sunduin siya.

-

Bilang best friend na babae ni Qiao Anhao, ayaw rin ni Zhao Meng na

mapahamak ito kaya para makaiwas sila sa anumang posibleng

kumplikasyon, tumawag na siya ng gynecologist bago pa siya umalis ng

bahay kaya pagkarating nila sa ospital, may nagaabang na sakanilang nurse

sa underground parking.

Kahit na tapos na siyang mag'pregnancy test sa bahay, ngayon na nasa

ospital na siya, hiningian pa rin si Qiao Anhao ng sample ng kanyang ihi at

dugo para ma'verify.

Sa dami ng ginamit niyang kit, imposible namang mali siya, pero habang

naghihintay ng resulta, medyo kinakabahan pa rin siya.

Pagkalipas ng halos labing-limang minuto, bumalik ang gynecologist na may

dalang mga papel. Iniabot ito sakanya para mabasa niya, pero dahil hindi

niya maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga nakasulat, naguguluhan

siyang tumingin dito.

"Miss Qiao, congratulations! Isang buwan ka ng buntis."

Isang buwan…Diba 'yun yung gabing drinoga niya si Lu Jinnian sa America?

Oh diba, tama nga siya… Tandang-tanda niya na sinabi niya kay Lu Jinnian,

noong nagmamakaawa siya rito sa kalagitnaan ng airport, na may baby na sa

sinapupunan niya, pero hindi siya nito pinaniwalaan…

Napa 'ah' nalang si Qiao Anhao sa isip niya. Hindi niya pwedeng kalimutan

ang pinaka dahilan kung bakit siya naglakas-loob na sumugod sa ospital,

kaya dali-dali siyang tumingin sa doktor at nagaalalang nagtanong. "Ah.

Doc… Sumayaw ako kagabi, tapos sumakit yung tyan ko. Okay lang kaya ang

baby?"

"Miss Qiao, wag kang magalala. Walang problema ang baby." Nakangiting

sagot ng doktor. "Siguro masyado ka lang nadala sa sayaw mo kagabi kaya

sumakit ang tyan mo, pero wala naman yung kinalaman sa bata. Basta hindi

ka dinugo, walang dapat alalahanin. Pero, kailangan mong tandaan na

sobrang kritikal ng unang tatlong buwan, kaya irerecommend ko na

magpahinga ka ng mabuti. Pero siyempre, hindi naman ibig sabihin ng

pahingang sinasabi ko ay nakahiga ka nalang sa kama. Importante rin na

maglakad-lakad ka."

Pinakinggang mabuti ni Qiao Anhao ang bawat paalala na sinabi ng doktor.

"Isa pa, wag mo kakalimutang magpa B-scan next month para macheck ang

heart beat ng baby." Pagkatapos magsalita ng doktor, napahinto ito ng

sandali, bago muling magpatuloy, "Oo nga pala…niresetahan din kita ng ilang

folic acid na kailangan mong inumin araw-araw. Miss Zhao, ayos lang ba na

ikaw nalang ang magbayad sa cashier?"

"Salamat po, doc." Nakangiting sagot ni Qiao Anhao bago niya tignan si Zhao

Meng, na nakaupo sa tabi niya. Sa tagal nilang magkasama, kabisado na nila

ang isa't-isa kaya dali-daling itong tumayo at lumabas, na may dalang wallet.

Wala masyadong tao kaya nakabalik rin kaagad si Zhao Meng na may bitbut

na dalawang kahon ng folic acid.

Sa utos ng gynecologist, ang parehong nurse na sumundo sakanila kanina,

ay hinatid din sila pabalik sa underground parking. Pagkasakay na

pagkasakay nila sa loob, atat na atat na inilabas ni Zhao Meng ang kanyang

phone at tumingin kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, noong nagbabayad ako

kanina, may nadaanan akong TV at nakita ko na may broadcast tungkol sayo

at kay Lu Jinnian, at noong chineck ko sa internet, may interview nga siya

ngayon!"


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C764
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン