Sa pagkakataong ito, lalo pang naging mapusok ang halik ni Lu Jinnian.
Isa sa mga paboritong palatandaan ni Qiao Anhao sa asawa niya ay ang
kakaiba nitong amoy kaya ngayong halos magdikit na sila, parang may
biglang kumuryente sakanya nang malanghap niya ito.
Para siyang biglang nablangko at hindi na nakapalag pa.
Aminado naman siya na sobrang namiss niya rin talaga si Lu Jinnian kaya
habang nararamdaman niya ang paggalaw ng dila nito sa loob ng kanyang
bibig, tuluyan niya ng nakalimutan ang paparazzi na nagtatago sa isang
gilid at bumigay na rin sa bugso ng damdamin.
Dahil sa ginawa niya, lalo pang nanabik si Lu Jinnian at mas idinikit pa
nito ang katawan nito sakanya habang buong lakas siyang hinalikan nito
na para bang gusto na nitong higupin ang kaluluwa niya.
Sobrang tagal nilang naghalikan….
Ang buong akala niya talaga ay hindi na sila titigil pero buti nalang at
sobrang kabisado siya ni Lu Jinnian kaya noong naramdaman nito na
kinakapos na siya nga hininga, dahan-dahan nitong pinakawalan ang mga
labi niya. Noong sandaling 'yun, naramdaman niya ang kabog ng dibdib
niya na para bang nagpupumiglas ang puso niya palabas kaya ilang
sandali pa siyang nanatiling nakapikit habang kinakalma niya ang sarili
niya.
Bahagyang yumuko si Lu Jinnian para tignan siya ng diretso sa mga mata
at base sa lagkit ng titig nito ay para bang gusto nanaman siyang
sunggaban nito sa pangatlong pagkakataon. Pero sa kabila ng pananabik
ay mukhang nahimasmasan naman na ito at naalala na nasa pamublikong
lugar sila kaya imbes na muli siyang halikan ay dahan-dahan nalang
nitong inayos ang nagulo niyang buhok at malambing na sinabi, "Alam mo
ba, pagkakita ko palang sayo kanina, gustong-gusto na talaga kitang
halikan."
Sa totoo lang, medyo nakakakilabot ang sinabi ni Lu Jinnian pero dahil
kalmado lang siya noong nagsalita, biglang naging nakakakilig ang dating
nito. Hindi nagtagal, nahimasmasan si Qiao Anhao at doon niya lang
naalala na ang tagal niya na palang nagpipigil ng hininga kaya bigla
siyang huminga ng malalim. Noong napansin niya na nakatitig pa rin
sakanya si Lu Jinnian, medyo nailang siya kaya dali-dali niyang ibinaling
sa iba ang kanyang tingin para iwasan ang mga mata nito.
Sobrang dikit nila sa isa't-isa, at ramdam na ramdam ni Qiao Anhao na
may ibang gustong mangyari si Lu Jinnian kaya biglang namula ang
kanyang mukha niya at nagmamadali siyang yumuko sa dibdib nito habang
malambing na sinasabi, "Nakakainis ka talaga~"
Sa sobrang ilang, hindi niya na namalayan na napahaba niya pala ang huli
niyang sinabi. Narinig niya na may binulong si Lu Jinnian sakanya, na
hindi niya naintindihan, habang niyayakap siya nito ng mas mahigpit.
Medyo matagal pa silang magkadikit bago kumalma ang paghinga ni Lu
Jinnian. Tinulungan niyang tumayo ng maayos si Qiao Anhao at inayos
ang nagusot nitong damit at buhok.
Samantalang si Qiao Anhao naman ay hindi pa rin nakakaget over at
sobrang namumula pa rin ang kanyang buong mukha. Hanggang ngayon
ay hindi pa rin siya makatingin ng diretso kay Lu Jinnian kaya pasimple
niya lang itong sinilip habang nagaayos ng sarili nitong damit. "Tara na."
At bigla nitong hinila ang maliit niyang kamay para sabay silang maglakad
pabalik sa shop.
Naabutan nila si Zhao Meng at ang assistant na nakaupo sa sofa habang
umiinom ng kape samantalang ang shop assistant naman ay masayang
nakangiti habang nakatayo sa isang gilid.
Ang assistant ni Lu Jinnian ang unang nakapansin na nakabalik na sila
kaya dali-dali itong tumayo at nagtanong, "Mr. Lu, ibabalik pa ba ang mga
bag?"
Gusto sang sumabat ni Qiao Anhao at sabihin na "Oo, ibalik mo na", pero
bago pa niya maibuka ang bibig niya ay naunahan na siya ni Lu Jinnian,
"Hindi na."
"Lu Jinnian…"
Alam ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ng pagtawag sakanya ni Qiao
Anhao kaya muli siyang nagsalita, "Diba gusto mo ng umuwi? Pag binalik
natin yan, sigurado matatagalan pa tayo kaya hayaan mo na."
Sa totoo lang, ang gusto niya lang naman talagang mangyari ay ang wag
ng ibalik ni Qiao Anhao ang mga ibinili niya para rito …. pero hindi niya
alam kung paano niya sasabihinn kaya naisip niya nalang na magdahilan.