Natapos ang filming.
Tahimik ang buong set at naghihintay sa late "Cut" ng direktor.
Nang hinawakan ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian, na bigla siya. Kung hindi dahil sa kontrol sa sarili maaring hindi niya tinuloy ang pag-arte at pwedeng iba ang gawin niya.
Nang malungkot na magtanong si Qiao Anhao, "Bakit hindi ako ang mahalin mo?", tinago niya ang kamao sa likod niya, hindi kita sa kamera. Nahiga ito sa dibdib niya, rinig niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso, kahit ang paghinga niya hindi kalmado. Pagkatapos naramdaman niya basa ang damit niya.
Mga luha niya ba ito?
Hindi nipigilan ni Lu Jinnian ang sarili niya, binuksan niya ang mata at tumititig sa mga mata ni Qiao Anhao na lumuluha at puno ng lungkot.
Masyadong totoo ang lungkot, pakiramdam niya ito ang totoong nararamdaman niya. Sa loob niya, mahal ba siya nito? Para umarte ng ganitong ka-totoo...
Hindi na kontrol ni Lu Jinnian ang pag-angat ng kamay niya, gusto niyang punasan ang luha nito sa mukha.
Nang marinig niya ang "Cut" galing sa direktor.
Nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ng direktor agad nawala ang kalungkutan at agad umalis sa dibdib ni Lu Jinnian.
Hindi nagtangkang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, paano niya napasin na bahagyang tumaas ang kamay nito? Ginawa niya lang ito ng sumilip siya sa direkson ni Lu Jinnian saka niya napagtanto na tumititig ito sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at aminadong sinabi, "Bigla ako nagkaroon ng inspirasyon. Pasyensya na kung hindi ko nasabi sayo."
Naging kamao ang kamay na tinaas ni Lu Jinnian at nawala ang pagiging kalmado nito.
Pinaalala sa kanya ng katotohanan na pangarap lang ito. Nangangarap ng gising pero gusto niyang subukan ng paulit-ulit at sa huli na uuwi sa kahihiyan.