Hindi nagtagal ay naging magkasundo din si Tangning at ang mga crew. Maging ang direktor ay hindi na siya ginagamit bilang paghahambingan, kahit na maaga siyang gumigising araw araw upang magsanay ng kanyang mga galaw.
Ito ay dahil sa paminsan – minsan ay nahuhuli si Tangning sa pagpunta sa set at para ipaalala sa direktor na hindi siya isang 'masipag' na tao.
Unti - unti, ang pagsasapelikula ay nagsisimula nang tumatakbo ng maayos. Dahil na rin sa pagiging seryoso nina Tangning at Bei Chendong, ang ibang aktor ay naging mas seryoso na din.
At saka, dahil na rin sa pagiging propesyonal ni Tangning, ang 15 na araw ng walang aksyong eksena, ay nakumpleto lamang sa loob ng 5 araw. Sa lokasyon ng pelikulang ito, tanging maaksyong eksena na lamang ang natitirang kukunan kay Tangning. Ang kanyang unang maaksyong eksena ay kailangan niyang gumamit na harness at kable upang lumipad patawid sa burol na gagawin sa pamamagitan ng paggamit ng special effects.