Hinggil naman sa relasyon nina Mo Ting at Tangning …
Nagpapakalat lang ng mga tsismis ang karamihan sa publiko, pero … walang sinuman ang nagkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng malaking kaguluhan mula dito dahil sa pinahihirapan sila ng PR ng Hai Rui na matukoy kung gaano mapagkakatiwalaan ang impormasyon.
Dahil sa sugat niya sa balakang, nakatulog si Tangning ng buong magdamag. Tanghali na siya nagising kinabukasan, ang kanyang lalamunan ay tuyo at hindi siya makapagsalita. Ang tanging nagagawa lamang niya ay gumawa ng mga simpleng senyas gamit ang kamay niya para sabihin ang kanyang iniisip.
Nakaupo sa tabi ng kama ni Tangning si Mo Ting at ang mga bisig nito ay nakayakap sa kanya habang sinusuri nito ang kanyang mga sugat. Mayroon siyang mga galos at mga pasa na kung saan aabot sa hindi baba sa 15 araw upang ganap na gumaling.