アプリをダウンロード
3.29% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 42: Paslangin si Mo Yurou na Sobra ang Tiwala sa Sarili

章 42: Paslangin si Mo Yurou na Sobra ang Tiwala sa Sarili

編集者: LiberReverieGroup

Hindi ba bahagyang overprotective ang ating Big Boss? Labis ang takot si Long Jie na magsalita ng kahit ano na nasa isip niya. Sa kabilang banda, marahang tumawa si Tangning - ang pagiging maalalahin ni Mo Ting ay ang nakakapagbigay init sa puso ni Tangning, parang araw sa gitna ng taglamig.

Ibinahagi ni Tangning ang resulta ng naganap na pagpupulong sa headquarters ng Secret Magazine sa pamamagitan ng pagbigay kay Mo Ting ng binagong kontrata niya sa Tianyi Entertainment. Naupo si Mo Ting sa sopa at marahang hinimas ang buhok ni Tangning. Napakanatural at makabagbag - damdamin ng tanawing ito – tulad ng pinakamagandang painting sa buong mundo.

"Kasing bilis ng pagbabago ng hangin at ulap ang pagbabago sa Entertainment Industry; karaniwan na lang ang pasikat ng mga baguhan araw - araw, kaya mahirap na mahulaan ang mangyayari kinabukasan. Pinapangarap pa rin marahil ni Han Rouxue na bigyan ng pagkakataon si Mo Yurou na makabalik, kaya pumayag agad ito na baguhin ang kontrata. Iniisip siguro niya, na kapag matagumpay na nakabalik si Mo Yurou sa industriya, madali ka na lang niyang matatapak – tapakan muli."

"Tama iyan, tama iyan!" Nabasa ko lang ang balita at hinanap ang pangalan ni Mo Yurou. Ang mga lumabas na resulta sa aking paghahanap ay ang patungkol sa labanan sa pagitan niya at ni Tangning. Ang lahat ng "tinatawag na mga eksperto sa industriya ng pagmomodelo" ay nagsimula nang ipagkumpara ang mga nagawang trabaho ng dalawa at ang ilan sa mga "tinatawag na tao sa loob ng industriya" ay lumabas para sabihin na, dahil si Tangning ang naging pamalit kay Mo Yurou, kung sila ay magsasama sa isang entablado, magiging pangalawang Mo Yurou lamang si Tangning. Sinabi din nila na si Mo Yurou ang pinakamagandang oriental model at mayroon itong kakayahan na simulan ang oriental trend…"

"Kung hindi pa iyon sapat, ikinumpara din nila ang iba't ibang bahagi ng katawan ni Mo Yurou at Tangning, sabi nila, bukod sa mga binti, wala na daw ibang kalamangan sa ibang aspeto si Tangning."

"Nagpapakalat sila ng opinyon tulad ng, ipinanganak si Mo Yurou na stylish, samantalang si Tangning ay ipinanganak na hindi kawili – wili. Anong biro ito! Wala man lang sa parehong antas mo si Mo Yurou." Ang pag – iisip palang nito ay nakakapagalit kay Long Jie.

"Ito ang karaniwang ginagawa nila upang lumikha ng mapag – uusapan, hindi ito gaanong mahalaga para pagtuunan mo ng iyong galit. Hayaan na muna nating maging maligaya si Mo Yurou habang kaya niya." Pang – aalo ni Tangning kay Long Jie.

Nanatiling tahimik si Mo Ting habang ang kanyang mga mata na tulad ng obsidian ay nag – apoy ng may pagkamangha at pangungutya. Sinulyapan ng mabilis ni Tangning si Mo Ting at inalog ang tuhod nito habang tinanong niya ng, "Naiisip mo ba kung ano ang naiisip ko?"

"Hayaan na ang sobrang tiwala niya sa kanyang sarili ang mismong pumatay sa kanya," simpleng tugon ni Mo Ting.

Hinawakan ng mahigpit ni Tangning ang kamay ni Mo Ting. Tulad ng inaasahan, mayroon lamang isang tao na lubos na nakakaunawa sa kanya na hindi na niya kinakailangang mag – aksaya ng panahon at lakas upang paliwanagan – ito ay si Mo Ting.

Dahil ang pahayag na inilabas ni Han Ruoxue ay nakatuon lamang sa pagsuporta sa isa habang tinatapakan naman ang isa at malinaw na kinikilingan si Mo Yurou, kung gayon dapat nilang ibigay kay Han Rouxue kung ano ang gusto niya. Balak nilang pataasin pa ang tiwala ni Mo Yurou sa kanyang sarili at hayaan na magkaroon ng mataas na inaasahan sa kanya ang mga tao. Kasabay nito, ipapakilala nila ito bilang upcoming superstar sa industriya ng pagmomodelo para makuha niya ang atensyon ng mga kasalukuyang kilalang modelo. Ganito, habang umaakyat papataas si Mo Yurou, ganon naman kasakit kapag siya ay malaglag pagkatapos na makita ng lahat ang kanyang kakayahan.

"Pagdating ng panahon, hindi na natin kailangan pang magsalita o tumulong sa iba na maging mas sikat… ang tanging kailangan mo nalang gawin ay ipakita ang kakayahan mo at iyon ang magiging pinakamahusay mong atake.

Lin Wei listened to Mo Ting and then looked at Tangning. In front of Han Yufan, Tangning was sharp like a hedgehog - no one could get close enough to take advantage of her. However, in front of Mo Ting, Tangning was a delicate little woman that needed her husband to protect her. She didn't depend on Mo Ting, but she would listen attentively to Mo Ting's opinions. It seemed, deep down, only Mo Ting could make her completely submissive.

[Pinakinggan ni Lin Wei si Mo Ting at pagkatapos ay pinagmasdan niya si Tangning. Sa harap ni Han Yufan, si Tangning ay matalim na parang isang parkupino – walang sinuman ang makakalapit dito para samantalahin siya. Gayunpaman, sa harap ni Mo Ting, si Tangning ay isang pihikang munting babae na kailangan ang kanyang asawa para protektahan siya. Hindi siya umasa kay Mo Ting, pero siya ay nakikinig ng mabuti sa mga opinyon nito. Tila, sa kailaliman, tanging si Mo Ting lang ang maaaring makagawa na pasunurin si Tangning.

Para sa lahat, si Tangning ay malakas at matatag; tanging sa lang harap ni Mo Ting, ipinapakita niya ang kanyang mga kahinaan – iba talaga ang pagtrato nito kay Mo Ting.

Ang mag-asawa na ito … ay tugma sa isa't isa, naisip ni Lin Wei.

Pinagmasdan niya ang matalinong koponan na nasa harap niya, sa kailaliman, inaabangan na ni Lin Wei ang himalang gagawin ni Tangning sa Secret.

Para naman kay Mo Yurou na may labis na tiwala sa kanyang sarili, interesado siyang malaman kung paano ni Tangning pababagsakin ito, na sa ngayon ay labis naman na pinapataas ni Han Rouxue ang ego.

Sa loob ng kusina, tiniklop pataas na ni Mo Ting ang kanyang manggas at abala sa paghahanda ng hapunan. Sa oras na ito, katatapos lang din ni Tangning na maglinis ng sarili at suot nito ang damit ni Mo Ting habang dahan – dahan nitong nilapitan ang lalaki mula sa likod at binigyan niya ito ng isang yakap, "Ting…"

"Masyadong mamantika at mausok dito, hintayin mo nalang ako sa labas," nakatuon ang pansin ni Mo Ting sa isda na nasa kanyang mga kamay.

"Ano ang gagawin ko? Napakabait mo sa akin, nagsisimula na akong matakot," sabi ni Tangning habang papalapit siyang sumasandal sa likod ni Mo Ting, "Alam mo naman na pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi ako nakakaramdam ng seguridad. Natatakot ako, na isang araw, iiwan mo ako at takbuhan …"

"Pagkatapos ay tatayo ka lang doon at panonoorin ako na umalis? Kung talagang dumating ang araw na iyon, ang Tangning na ambisyoso sa kanyang career, wala ba siyang lakas ng loob na hawakan ako? Kailangan ko din suyuin minsan …"

Nang marinig niya ang huling pangungusap ni Mo Ting, kaakit – akit na ngumiti si Tangning habang hinila nito ang isang kamay ni Mo Ting at pinilit ang sarili sa pagitan ng mga bisig ng lalaki. Pagkatapos ay dahan – dahan niyang binuksan ang dalawang butones ng damit ni Mo Ting para bahagyang mabunyag ang muscles nito sa dibdib, bago inilagay nito ang kanyang ulo sa loob ng damit ng lalaki. Mula sa kanyang damit sumapit ang mga mata ni Tangning…

"Talagang nakagagambala ka sa pagluluto ko," tumawa ng malakas si Mo Ting.

Hanggang sa puntong ito, ang likod ni Tangning ay nakasandal sa dibdib ni Mo Ting, ngunit pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nito, bigla siyang lumingon, ang kanyang malamig na mga labi ay nadiin ng malakas sa dibdib ni Mo Ting, "Ito ba ang tinutukoy … mo?"

Marahinahon na hinugasan ni Mo Ting ang kanyang malansang kamay sa lababo bago niya ibinalot ng mahigpit ang kanyang mga braso kay Tangning, "Pinaplano mo bang bigyan ako ng dessert bago kumain?"

Gumihit ng mga hugis bilog ang mga daliri ni Tangning sa loob ng damit ni Mo Ting, "Sapat na ba ang tamis ko para sa iyo?"

Tumigil sa paghinga si Mo Ting habang hinihila niya ang daliri ni Tangning papalabas ng kanyang suot na damit. At pagkatapos ay inangat ang baba nito at mariing hinalikan ang mga labi nito, "Kailangan ko munang malasa upang malaman ko kung gaano ka matamis ..."

Gustung-gusto ni Mo Ting kung paanong mayroon iba't ibang mukha si Tangning kapag dumating sa mga sandali tulad nito - ibang-iba ito sa kanyang karaniwang pagkamahinahon. Minsan siya ay kaakit-akit; kung minsan ay hindi siya makontrol; kung minsan ay pinababayaan niya ang sarili. Hindi mahalaga kung paano siya kumilos, ang resulta ay pareho lang – it always made him want her.

Ang nagsasayaw nilang mga dila ay nahaluan ng di tiyak na paghinga – ang hapunan ay naging mas kasiya – siya. Ang kamay ni Mo Ting ay pumahid sa mga hita ni Tangning.

Ito ay nagpaalala sa kanya … ito na ang tamang oras para ibigay ang isa pang sorpresa na inihanda niya…

Sa oras na handa nang ihain ang hapunan, 2 oras na ang nakalipas. Nang makita niya ang napakaraming pagkain sa harap niya, ang salitang "sorpresa" ay hindi sapat upang ilarawan ang nararamdaman ni Long Jie … hindi niya inaasahan na ang kilalang CEO ng Hai Rui, ang Big Boss ng Entertainment Industry, ay napakamaalalahanin - hindi nakakagulat na si Tangning ay kusang-loob na sumunod sa kanya.

"Maraming Salamat Big Boss, para sa gantimpalang ito!"

"Kontrolin mo ang mapusok mong mga tingin na para bang gusto mong i – auction ang mga pagkain na ito," hindi na mapigilan ni Tangning ang kanyang pagtawa habang humahagikhik. "Paano mo nalaman kung ano ang iniisip ko Tangning? Pakiramdam ko'y napakaswerte ko…" hinaplos ni Long Jie ang braso ni Tangning. "Maiba ako, ano ang ginawa mo at ni Big Boss sa kusina ng 2 oras?"

"Magmadali ka at kumain. Pagkatapos ng hapunan, mayroon tayong mahalagang gagawin," mabilis na pagbabago ni Mo Ting sa paksang pinag – uusapan.

"Ano ang iyong pinlano?" nagpakita ng interes dito si Tangning.

"Malalaman mo rin kapag dumating na ang oras…" sinuklay ng buong pagmamahal ni Mo Ting ang buhok ni Tangning gamit ang kanyang kamay. Nainggit si Long Jie at Lin Wei; mula sa kanilang pagmamasid, walang ibang tao sa daigdig ang magagawang maging masunurin si Tangning na may paghanga sa mga mata.

Gayunpaman, ang pinakamalaking sorpresa sa gabing iyo ay darating pa…


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C42
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン