Sa mga sandaling nagtapos na ang panimulang mga labanan sa araw na ito ay samu't-saring mga usapin na naman ang lumitaw na kaagad namang pinag-piyestahan ng lahat.
Kahit na pinag-usapan talaga ng lahat ang apat na beteranong manlalaro ng Team Tyranny na sina Zhang Jiale, Lin Jingyan, Han Wenqing, at Zhang Xinjie ay hindi silang apat ang naka-ani ng pinakamaraming atensyon mula sa mga manlalaro.
Ito ay dahil sa nalampasan silang lahat ni Lu Hanwen.
Ang pagdating ni Lu Hanwen sa Team Blue Rain ay kinilala ng lahat bilang ang pinakaimportanteng pagdating ng isang manlalaro sa buong kasaysayan ng Team Blue Rain.
Sa pag-alis ng isang All-Star na manlalaro sa Team Blue Rain ay deretsahan siyang umakyat sa entablado para maging ang pinakabatang propesyonal na manlalaro sa buong kasaysayan ng Glory.