Alam ni Xiao Shiqin na biglaan ang pagbisita niya ngayon. Ilan lang ang direktang sisibat sa practice room ng kalaban para tumingin ng impormasyon sa kanila. Pero dahil ilan lang ang gumagawa nito, hidni ibigsabihin na hindi ito gustong gawin ng iba. Sa totoo lang, hindi lang ito posible. Kung talagang posibleng makapasok sa practice room ng kalabang team ng basta basta at makita kung paano nageensayo ang team lalo nab ago ang labanan, talagang mahalaga ang impormasyon na makukuha.
Sa kasamaang palad, walang Clubs ang hahayaan na lang ang mga bagay na ito na mangyari. Ang basta na lang na magpapasok ng kung sino sa practice room at lantaran na magbigay gn impormasyon ay hindi lohikal. Kadalasan, kung hahayaan ng mga team sa labas na pumasok sa practice room ng ibang team, magiging aktibidad ito na sinangayunan ng parehas na Club. Talagang wala itong kinalaman sa pakalap ng impormasyon.