"Huwag ka masyadong magmadali Steamed Bun."
Noong narinig ni Zhao Yuzhe ang boses na ito, tumingin siya kahit pa nagulong. Madali niyang tinignan ang mga pangalan sa paligid na kalaban. Hinahanap niya ang Steamed Bun na iyon. Mula sa narinig niya, mahalaga ang ginagampanan ng Steamed Bun na ito sa laban. Hindi gusto ng taong nangunguna na magmadali. Kailangan magingat ni Zhoa Yuzhe sa kanya. Napwersa siyang gumulong ng ilang bses ng sunod sunod ng hindi man lang nakakatayo para lumaban balik.
Nasa mapanganib siyang sitwasyon ngunit hidni inaasahan ng kabilang panig na hindi niya sinundan ng mga pagatake at sa halip ay sinabihan na maghinay hinay. Alam na may kung anong alas na pinapakulo, hindi maiwasan na maalarma ni Zhao Yuzhe. Gusto niyang bilisan at hanapin ang Steamed Bun na iyon, para maihanda na niya ang kanyang sarili sa paparatin. Pero noong tignan niya ang sampung kalaban, walang pangalan na 'Steamed Bun'