"Kung alam mo naman pala na mga espiya 'tong mga manlalarong ito ay bakit mo pa sila pinasali?" Nagtanong si Chen Guo.
"Tutulungan nila akong talunin ang Guardian! Hindi ba't mas maganda pa iyong may mga kasama kang matataas ang level kaysa doong mga mababa?" Paliwanag ni Ye Xiu.
"Pero ano nalang ang gagawin mo kung mananadya 'tong mga taong 'to?" Hindi mapakali si Chen Guo, at nagtanong na naman siya.
"Hahaha, kung mananadya nga sila ay sa tingin ko naman ay susubukan pa rin naman nila ang lahat nilang makakaya para hindi natin mahalata na mga espiya sila. Alam mo naman na isang beses lang maaring magamit ang mga espiya, hindi ba?" Sabi ni Ye Xiu.
Wala nang nasabi pa si Chen Guo, tiningnan na lamang niya ang iba pang kasamahan ni Lord Grim para sa pagsubok na ito. Ang kaniyang mga mata'y parang kumikinang sa liwanag ng awa, sa tingin ni Chen Guo ay inakala nilang lahat na hindi pa alam ni Ye Xiu ang totoong pakay nila.