Hindi inakala ni Jun Wu Xie na darating ang isang araw na ang natutunan niyang pandurukot sa pamamagitan ng bilis ng kamay mula sa isang tao ay kaniyang magagamit!
Ang pusang itim ay tahimik na pumunta sa balikat ni Jun Wu Xie at hindi niya maiwasang maramdaman na wala siyang ibang pagpipilian tungkol sa pagkuha ni Jun Wu Xie ng susi mula kay Zi Jin.
Sa loob ng Spirit Jade Palace, himig ng tugtugin ang maririnig tulad noong una, ngunit ang tunog ng tawanan tulad sa kahapon ay hindi na maririnig at sa halip ay napalitan ng pagtangis at ilang bulungan.
Nagtutumpukan ang mga dalaga ng makita nila bigla si Jun Wu Xie na nasa kabilang dako ng lawa at silang lahat nagkagulo, ang grupo ng mga dalaga ay nagkagulo na parang kawan ng nagulat na mga ibon, tila si Jun Wu Xie ay isang uri ng nakakatakot na halimaw.
At ang tanging naiwan na nakatayo sa may dulo ng lawa ay si Zi Jin, upang titigan ng malamig si Jun Wu Xie.
"Ikaw iyon! Ikaw! Ang lakas ng loob mo na bumalik dito!" Sa tindi ng galit ni Zi Jin ang mata nito'y agad namula at kaagad na hinatak nito ang latigo na nakasabit sa kaniyang baywang, ang pulang mata nito ay nakatitig kay Jun Wu Xie, ang mukha niya ay puno ng matinding galit dahil sa kahihiyan.
"..." Kalmadong tiningnan ni Jun Wu Xie si Zi Jin na kakaiba ang ikinikilos.
"Ginamitan mo ako ng mahiwagang gamot kahapon upang dalhin ka dito sa loob ng palasyo! Ikaw… Ikaw ay talagang…" Mas naging matindi ang galit ni Zi Jin habang lalong iniisip ang bagay na iyon. Matapos niyang makilala si Jun Wu Xie kahapon, ang isip niya ay inantok at naging malabo, kung saan hindi niya lubusang matiyak kung ano ang nangyari kahapon kahit gaano pa niya iyon alalahanin. Ang tanging naalala niya ay ilang piraso ng imahe na mas lalong nagbigay kaguluhan sa kaniyang utak.
Ang Spirit Jade Palace ay hindi kailanman nagbigay pahintulot sa sinumang lalaki na makapasok sa lugar ngunit pangahas niyang isinama si Jun Wu Xie doon. Bagaman hindi siya kinagalitan ng Spirit Jade Palace Lord tungkol sa bagay na iyon, gayunman ay sinisi ni Zi Jin ang sarili. At ang naging dahilan sa pag-iyak ni Zi Jin ay ang katotohanan na hindi pa siya kailanman nakahawak ng kamay ng isang lalaki ngunit sa piraso ng mga larawan sa kaniyang utak ay nagkaroon ng pagkakataon kung saan lumapit si Jun Wu Xie at hinawakan ang kaniyang kamay!
Patuloy lamang na tinitigan ni Jun Wu Xie si Zi Jin, bahagyang naguguluhan pa rin.
Si Zi Jin ay parehong galit at bigo habang hinihintay si Jun Wu Xie, kaya mas lalong nahiwagaan si Jun Wu Xie.
Bagaman ginamit niya noong una si Zi Jin upang makapasok sa Spirit Jade Palace, ngunit nagawa na niyang makipagkasundo sa Spirit Jade Palace Lord upang sila'y magtulungan, kaya kung titingnan iyon sa ibang pananaw, hindi nakagawa si Zi Kin ng kamalian at sa halip ay nakagawa pa ng tama.
[Ngunit… bakit tila may hindi tama sa ekspresyon ng mukha nito?]\
Hindi alam ni Jun Wu Xie na ang gamot na ibinigay niya kay Zi Jin ay mag-iiwan sa kaniyang utak ng imahe ng mga bagay na nangyari sa pamamagitan ng boses at tunog…
Kaya lamang, ang ala-ala ni Zi Jin sa sandaling iyon ay naglalaman… ng hilahin ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at ilagay iyon sa dibdib ni Jun Wu Xie.
"Zi Jin!" Kung paanong ang pakiramdam ni Jun Wu Xie ay tuluyang nahihiwagaan sa nangyayari, isang malamlam na boses ang umalingawngaw.
Nagitla si Zi Jin, bahagyang nagulat bago ito tumalikod at lumuhod sa paparating na anyo.
"My Lord."
"Hindi pa lubusang nakakabawi ang iyong katawan. Magpahinga ka muna." Saad ng Spirit Jade Palace Lord habang nakatingin kay Zi Jin.
"Masusunod, aking Lord." Saad ni Zi Jin, kagat ang ibabang labi at tuluyan ng umalis ng walang imik.
Nanag makaalis si Zi Jin, nalipat ang tingin ng Spirit Jade Palace Lord kay Jun Wu xie. Bahagyang tumaas ang kilay nito at tinitigan ang binatilyo na padalus-dalos na pumasok muli dito.
"Bata, bakit narito ka na namang muli?"
Tiningnan ni Jun Wu Xie ang Lord ng Spirit Jade Palace at sumagot: "Naudlot ang Battle of Deities Grand Meet at isasagawa iyon matapos ang kalahati ng buwan at ang tuktok ng bundok ay puno ng mga tao."
"Kaya?" Biglang nakaramdam ang Spirit Jade Palace Lord ng masamang pakiramdam na gumagapang sa kaniyang puso.
"Bilang kaanib, sa panahon na ito, nais ko manatili dito upang linangin ang kaning kapangyarihan." Saad ni Jun Wu Xie. Inisip niya ang bagay na iyon. Ang Mount Fu Yao ay nag-uumapaw sa spirit energy at tamang-tama para sa kaniyang paglinang. Ngunit ang kaniyang paglinang ay hindi dapat malaman ng karamihan kaya nagdesisyon siya… na ang Spirit Jade Palace ay nasa Mount Fu Yao at sayang naman kung hindi niya magagamit ang lugar.
Biglang namutla ang mukha ng Lord ng Spirit Jade Palace, ang kaakit-akit na almendras na mata nito ay nanlaki, nangulubot ang kaniyang labi at napanganga ang bibig dahil sa matinding pagkasindak.