アプリをダウンロード
94.23% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1472: Ang Munting Matandang Lalaki (2)

章 1472: Ang Munting Matandang Lalaki (2)

編集者: LiberReverieGroup

Buong tapat na umiling si Jun Wu Xie.

"Ang manggagamot ay isang tao na ang trabaho ay sa Medisina. Simula sa Disciple Healer

hanggang sa maging Healer mismo, pagkatapos ay magiging Doctor at susunod ay Senior

Doctor… At ako, ako ay isang Doctor, at mahilig ako magsaliksik ng mga halamang-gamot at

mga bagay na tulad nito." Tumatawang saad ng munting matanda.

[Doctor? Siya?]

Ang malamig na mata ni Jun Wu Xie ay hindi nagpakita ng anumang emosyon. Sa paraan

lamang ng matandang lalaki kung paano nilutas ang pagdurugo ng usa kanina, tingin niya na

kahit sinong estudyante sa unang taon na hatakin miya mula sa isang kolehiyo sa medisina ay

makakagawa ng mas matinong trabaho kumpara sa ginawa ng matandang lalaki.

Marahil sa sobrang payapa ng mata ni Jun Wu Xie kaya naisip ng matandang lalaki na hindi

siya naniniwala dito. Ang matandang lalaki ay nagkukumahog na naghanap sa kaniyang

kasuotan at inilabas mula doon ang isang berdeng badge, ang badge ay mayroong dalawang

pakpak na nakaukit na parang sa isang dakilang lawin na malapad na nakabuka ang pakpak, at

sa loob ng bilog na nasa gitna ng badge, ay nakatatak ang isang dahon ng maple na

napalamutian ng dalawang bituin sa ilalim.

"Nah! Hindi kita niloloko, masdan mo? Ito ang aking Doctor's Badge." Masayang saad ng

munting matanda habang minamasdan si Jun Wu Xie.

Nilipat ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin sa matanda upang saglit na tingnan, walang interes

ang ekspresyon sa mukha nito, wala sa mukha niya na nais pa niyang manatili doon upang

patuloy na makinig sa mga walang saysay na bagay.

Nang makitang muli na paalis si Jun Wu Xie, ay nataranta ang matandang lalaki.

"Ay ay ay! Bakit ba lahat ng mga kabataan ay mainipin at maiksi ang pasensya? Wala ba sa

inyo ang kayang manatili ng ilang sandali upang pakinggan ang isang matanda? Hoy!! Little

brother, huwag ka umalis! Maari ba akong makipagpalit na lang!? Magbibigay ako ng kahit

ano kapalit niyan!" Saad ng matandang lalaki habang napakabilis na humabol at tumayo sa

harapan ni Jun Wu Xie.

Bagaman walang ipinakita na kahit anong reaksyon ang mukha ni Jun Wu Xie, ang puso niya ay

napapiksi ng hindi sadya. Ang bilis ng paglalakad niya ay hindi kabagalan ngunit hindi niya

nagawa na maramdaman kahit bahagya nang maunahan siya ng matandang lalaki at ngayon

nga ay nakatayo na sa kaniyang harapan. Napagtanto niya na ang kapangyarihan ng lalaki ay

higit kaysa kaniya!

Lihim niyang sinupil ang pagkagulat sa kaniyang puso habang minasdan ang matandang lalaki

na nagawang makadikit at sinabi: "Ano ang ibibigay mo na kapalit?"

Napagtanto niya sa mga sandaling iyon na ang matanda ay hindi susuko. Kung hinsi niya

ibibigay ang bote ng gamot na hawak niya ay siguradong mahihirapan siya na paalisin ang

matandang lalaki na siguradong higit pa sa kung ano ito.

Nang makita ng matandang lalaki na pumapayag si Jun Wu Xie ay agad niyang

pinakiramdaman ang buong katawan saglit. Sa maingay na kalansing, ang braso nito ay biglang

napuno ng napakaraming bote ng gamot at inilapag lahat iyon sa lupa nang tumatawa bago

naupo. "Mamili ka ng kahit ano sa mga gamot na narito bilang kapalit ng sa iyo."

Kararating lamang ni Jun Wu Xie sa Middle Realm at hindi siya pamilyar kung anong uri ng

karunungang medikal mayroon dito. Nang makita ang napakaraming bote at sisidlan sa lupa,

ay naging interesado siya. Magiging mas mahusay ba ang mga tao sa Middle Realm pagdating

sa Medicine kaysa mga nasa Lower Realm?

Sa huli, nang buksan ni Jun Wu Xie ang isang bote at isang napakasangsang na amoy ang

sumingaw mula doon, ang mukha niya ay mas naging kakila-kilabot.

"Sino ang gumawa ng mga gamot na ito?" Malaming ang boses na tanong ni Jun Wu Xie.

Ang mata ng matandang lalaki ay nabakasan ng lihim na kaligayahan habang sinadya na

gawing mahiwaga ang boses ay sinabi nito: "Hindi ba't napakadakila ng mga gamot? Iyan ay

tinimpla gamit ang Ever Grass, Cow Horn Leaves at Bitter Oak, para iyan sa mga taong may

mahihinang katawan."

Nagtanong si Jun Wu Xie sa malamig na boses: "Mayroon na bang nakainom alinman sa mga

gamot na ito?"

Napataas ang kilay ng matanda. "Napakahalaga ng mga gamot na iyan. Hindi ko ibibigay iyan

sa kahit kanino upang inumin." Ang ekspresyon sa mukha nito ay napakayabang.

"Mabuti at hindi." Saad ni Jun Wu Xie.

"Ha?" Tila biglang nahilo ang matandang lalaki.

At sinabi ni Jun Wu Xie dito: "Kung mayroong tao na makainom niyan, hindi kaya hingiin ng

mga tao ang buhay ng taong gumawa ng gamot na iyan?"

"An… Ano… ang ibig mo sabihin?" Nagulantang ang mukha ng matandang lalaki.

"Ang walang ingat na paghaluin ang tatlong uri ng halamang-gamot na may matinding epekto,

hindi ba niya alam ang batas na kapag ang mga bagay ay naabot ang sukdulan, ay kabaligtaran

ang magiging epekto?" Saad ni Jun Wu Xie, hindi na nag-abala na tingnan pa ang laksa-laksang

bote na nasa lupa.

"Ang mukha ng matanda ay biglang namutla. "Paano mo nalaman na ang mga halamang-

gamot na iyon ay hindi maaring paghaluin?"


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C1472
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン