アプリをダウンロード
89.94% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1405: Iron Empress (3)

章 1405: Iron Empress (3)

編集者: LiberReverieGroup

Bukod kay Jun Wu Xie, naroon din sina Jun Wu Yao, Qiao Chu at buong grupo sa loob ng hall at nakatayo sa tabi ni Jun Wu Xie. Isa-isa itong tinignan ni Qu Ling Yue, tumango siya sa mga ito bilang pagbati.

Napatitig naman si Qiao Chu kay Qu Ling Yue na ang laki ng pinagbago sa loob lang ng isang taon. Hindi iyon maproseso ng kaniyang utak kaya naman bumulong siya kay Hua Yao: "Ito ang munting babae noon sa Thousand Beast City? Bakit parang ibang-iba na siya?"

Malaki ang ipinagbago ni Qu Ling Yue at hindi masisisi si Qiao Chu kung bakit ganon na lang ang kaniyang reaksyon. Maging si Hua Yao ay napansin ang pinagbago ni Qu Ling Yue.

"Tama nga si Jun Wu Xie sa kaniya." Mahinang usal ni Hua Yao.

Tumango si Qiao Chu bilang pagsang-ayon.

Nagawa naman itago ni Qu Ling Yue ang kaniyang pagkasabik. Gustong-gusto niyang kamustahin si Jun Wu Xie ngunit hindi niya mahanap ang akmang salita. Ilang sandali siyang tahimik bago sa wakas ay nagkalakas ng loob na magsalita: "Ang inyo bang pagbabalik Kamahalan ay may kaugnayan sa mga halimaw?"

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie: "Oo, tama ka."

Agad namang naintindihan ni Qu Ling Yue at hindi na nagsalita. Ipinalakpak niya ang kaniyang mga kamay at ang mga katulong na nag-aantay sa labas ay agad na dinala sa great hall ang ilang papel na kaniyang inihanda bago magtungo dito.

"Ito ang record ng mga galaw ng mga halimaw na iyon sa loob ng isang taon." Walang agam-agam na ipinrisinta ni Qu Ling Yue ang mga impormasyong iyon kay Jun Wu Xie.

Agad namang inilapit ng mga katulong ang mga papel na iyon at dahil sa photographic memory ni Jun Wu Xie saglit na sulyap lang ang kinailangan niya para mabasa ang lahat ng iyon.

Ang bawat papel ay malinaw ang pagkakakategorya. Detlayado rin ang record kung saan unang nagpakita ang mga Poison Men at maging sa lahat ng lugar na inatake ng Poison Men. Ang mga records ay naglalaman ng bilang ng Poison Men pati na rin ang bilang ng nawala sa isang bansa. Ang lahat ng iyon ay maingat na isinulat ni Qu Ling Yue. Araming impormante si Qu Ling Yue kaya naman nakuha niyang makalap ang mga impormasyong iyon. Maayos ang pagkakasulat ni Qu Ling Yue doon kung kaya madali iyong naintindihan ni Jun Wu Xie.

"Ang unang bansa na pinuntahan ng mga Poison Men ay ang mga bansang inimbitahan ng Condor Country noon. Napag-alaman ng iyon lingkod na ang Condor Country ay may hawak na kasamaan na kung saan kaya nilang bahugin ang isang tao. Ngunit ayon sa aking imbestigasyon, ang mga Poison Men na ito ay hindi nagmula sa Condor Country. Ngunit kahit na hindi, may koneksyon pa rin sila sa Condor Country kahit papano." Saad ni Qu Ling Yue sa malinaw na boses.

Nakita ni Jun Wu Xie sa isa sa mga papel ang mga bilang ng mga namatay. Napansin niya ring sa mga bansang nasaklolohan ng Qi Kingdom, Fire Country at Buckwheat Kingdom, nakontrol ang bilang ng mga namatay sa oras ng kanilang pagdating.

"Sa lahat ng bansang pinuntahan ng Qi, Buckwheat Kingdom at Fire Country, bumaba ang bilang ng giyera. Nakadiskubre na ba kayo ng paraan kung paano ang gagawin sa mga Poison Men na ito?" Tanong ni Jun Wu Xie habang diretsong nakatingin kay Qu Ling Yue. Tiwala siya sa kakayahan ng sundalo ng Qi Kingdom at Fire Country. Pero pareho din ang resulta sa mga lugar na sinaklolohan ng Buckwheat Kingdom.

Hindi kasing lakas ng Rui Lin Army ang Buckwheat Kingdom kaya ganon na lang ang kaniyang pagtataka nang makitang may halos pareho itong resulta sa Qi Kingdom.

Gulat namang tumingin si Qu Ling Yuw kay Jun Wu Xie, saglit muna siyang natigilan bago mahinang tumawa. Bahagyang namula ang kaniyang pisngi habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Nakalimutan niyo na ba Kamahalan?"

"Ang ano?" Naguguluhang tanong ni Jun Wu Xie.

"Ang bagay na iniwan niyo noon bago kayo umalis?" Nakangiting saad ni Qu Ling Yue.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C1405
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン